Siya iyong unang tingin mo pa lang ay alam mong kaya kang ipaglaban at kaya ka ring labanan.

Pero inisip ko na lang din si Bok. Para sa 'yo 'to, Bok. Para malaman ni Kuya Nico na hindi ka niya basta-basta pwedeng apihin.

"Bakit ka nagso-sorry, Nico?" Tanong ko ulit kahit hindi komportable na hindi ko siya tinawag na kuya.

Nakita kong napalunok siya habang titig na titig pa rin sa 'kin. Nakaawang ang labi at kahit mahangin naman dito sa kung nasaan kami ay pinagpapawisan siya.

Hala, hindi ko na yata kaya...

Pero tatagan mo, Seb! Kailangan niyang magpaliwanag kung bakit bigla ka na lang niyang iniwasan.

"Nag-away... ba tayo?"

Napakurap siya. "No..."

"Bakit tayo magbabati kung hindi naman pala tayo nag-away?"

"T-That's because..." napalunok ulit siya. "I... I know you're mad at me."

"Bakit ako magagalit?"

Kalmado lang ang boses ko pero parang natatae na yata si Kuya Nico. Sobrang nagi-guilty na talaga ako. Kaunti na lang ay papayag na akong bati na kami kahit hindi na siya magpaliwanag.

Pero at the same time, gusto ko rin talaga malaman kung bakit niya ako iniwasan.

Ang gulo mo, Sebastian.

"Mukha ba akong galit?"

"Yes."

"Hindi ako galit," naiinis lang.

"I know you're mad."

"Bakit sa tingin mo, galit ako?"

"Kasi..." bahagya siyang ngumuso. "... hindi mo ako binigyan ng high five kanina," parang bata na sabi niya.

"Baka hindi lang kita napansin."

"Sa laki kong 'to, hindi mo ako napansin?" Medyo tumaas iyong boses niya.

Ako naman ang ngumuso. "Ikaw na yata iyong nagagalit, e."

Napakurap siya at namula lalo ang mukha saka nag-iwas ng tingin. "Nagtatanong lang."

"Hindi talaga ako galit."

"Pero bakit hindi mo ako pinapansin kanina sa court?"

Na-offend ako sa tanong niya. "Kasi naiinis ako na iniiwasan mo ako. Bakit mo ako iniiwasan?"

Umawang iyong labi niya at hindi agad nakasagot. Tignan mo. Ngayon, tameme ka?

Nakita ko ring mas lalo siyang pinagpawisan kaya naman kahit naiinis sa kaniya ay kinuha ko iyong mini fan sa duffel bag ko saka iyon t-in-urn on. Pagkatapos ay tinutok ko iyon sa kaniya habang hinihintay iyong paliwanag niya.

"Uhm..." iyan na naman iyong mukha niya. Mas red pa sa kulay red. Mukhang hindi talaga sasapat itong mini fan ko. Kailangan yata ay stand fan na iyong dalhin ko palagi para sa kaniya.

Palagi na siyang namumula nitong mga nakaraan. Kailangan na niya yata ipa-checkup iyan.

"May nagawa ba ako?" Tanong ko ulit kasi parang wala na siyang balak magsalita.

"W-Wala, Seb."

"Kung gano'n, bakit mo ako iniiwasan nitong mga nakaraang araw?"

"A-Akala ko kasi..." natigilan ulit siya.

"Dahil ba kay Bok? Ayaw mo ba sa kaniya? Ayaw mo ba sa mga manok? May... phobia ka ba sa kanila-"

"No," putol niya sa 'kin. "It's not like that."

Jersey Number NineWhere stories live. Discover now