"Miss Jo, hindi na tayo mag pi-picture? Ayon oh, don sa tarpaulin?" tanong naman ni Ate Malou.

Dalawa kase ang Malou sa office. Malou na Mama ni Kevin, at Malou Rolis.

"Oh sige, picture pala muna tayo. Sino bang pwedeng magpicture?" tanong ni Miss Jo.

Nagayos lang ako ng sarili at nang makakuha na sila ng kukuha ng litrato, ay nagpicture na kami.

"Gusto ko rin magpa picture, yung solo sana. Kaso sin—"

"Beh, picturan kita. Gusto mo?" tanong ni Ate Malou sakin. Malou na Mama ni Kevin.

"Ahh.., sige po." sagot ko.

Nang makapag ayos na, tumayo na ako ng ayos sabay pinicturan.

My smile while getting pictured is somehow, natural. I don't know why.

Pagkatapos magpicture ng lahat, ay nag ayos na at nagsibaba.

Pagkadating namin sa office na ay nagulat ako at di pa man kami nakakapasok, nasa labas na ng pintuan agad si Kevin.

"Oh Kevin, bakit andito ka? Kasama kaba sa picture kanina?" tanong ni Miss Jo sa kanya.

"Hindi po, hehe. Ayoko Miss Jo." biro nito.

"Bakit ayaw mo?" birong tanong din ni Miss Jo habang binubuksan ang pinto.

"Ewan ko ba dyan Miss Jo, takot ata sa camera yan." sabat naman ng Mama nito.

"They seemed very close, para lang silang magkaibigan kung magbiruan."

"Parang hindi mag-nanay eh."

Pagpasok namin sa loob ay merong pagkain, hindi ko gaanong pinansin at kumain naman ako sa bahay bago umalis.

Umupo ako sa may tabi ng table ni Ma'am Letty at nagbukas ng phone.

"Oh, Malou meron pang pansit dito oh? Kainin mona." alok ni Miss Jo na napatingin ako.

"Ayan po si Kevin oh." turo naman nito sa anak.

"Luh, kanina pa nga yan nalamon teh. Hindi kapa nadating, kumakain na yan." biro ni Rhey na nagtawana ang iba.

"Kanina pa ako kumakain, busog na nga ako eh." dagdag pa ni Kevin na napangiti din ako.

"Ikaw Zelhaine, kain tayo." alok ni Ate Malou habang kumakain ng pansit.

"Sige lang po, gusto ko po kasi kumain yung gutom na gutom na po ako." sambit ko nang patawa.

"Ayy masama naman yon." dagdag pa ni Miss Jo na nginitian ko nalang.

Dumarating kase yung mga panahon na, masasabi mo sa sarili mong.. kaya mo palang gawin yon dahil sa hirap ng buhay.

Hindi ko rin naman sila masisi na sabihin ang mga bagay na yon, dahil kahit naman nung buhay pa si Mommy, kahit kelan hindi ako nagutom.

After namin magintay ng oras habang ginagawa ang ilang office works, ay aakyat pa kami para sa huling Activity Vow.

Maya maya pa ay umakyat nadin kami.

KEVIN'S POV

Nauna akong lumabas ng Assembly Hall pagkatapos ng huling Activity Vow.

Habang naglalakad ako, kasunod sa likod ang iba pang mga officer ay napansin ko na si Jhen at Kuya Dyronne hawak ang mga aayusin namin.

"Akin na Kuya, tulungan na kita." banggit ko pagkalapit ko dahil nga madami silang gawa.

"Di okay na—— ayy eto nalang." abot sakin ni Kuya ng isang malaking papel na may print sa loob.

Parang (Meadow)Where stories live. Discover now