Page XIV

13 3 0
                                    

Vote and Subscribe!

-Author

________________________________

KEVIN'S POV

Naghahanda na ako papasok ng school.

"Friday pala ngayon no? Tsk, Catch Up Friday lang naman. Huwag na kaya ako pumasok?" pagiisip ko habang nakatulala sa bag hawak ang isang notebook at di malaman kung ipapasok ko ba sa bag.

"Di bale na, papasukan ko nalang. Para sa attendance."

Tapos narin naman akong magalmusal at anong oras na din kaya lumarga nadin ako ng pamamahay ko.

Pag may Catch Up Friday kase, wala kami gaanong ginagawa. Kase minsan, mismong teacher na yung tinatamad.

Ang purpose lang naman ng school namin kaya kami merong ganon kase nahuhuli daw sa values ang mga studyante dito sa school namin.

I can't understand how they're able to measure those things pero yun ang dahilan nila.

Pagdating ko sa school, expectedly, wala kami gaanong ginawa. More on values lang din naman ang tinuturo ng iba kung magturo man sila.

Before kami mag recess, may isa pang subject.

"Philosophy nga pala. Here he comes."

Sambit ko ng makitang papasok ang teacher namin. As always, si Sir Neil lang.

Sir Neil Edros is a philosophy student nung college daw sya, that's what he tells us nung first day namin sa kanya.

Nang galing din sya sa isang Seminary School. I also can't believe na nang galing sya don at may tattoo sya sa kaliwang braso nya.

"Good morning everyone. Kamusta kayo?" pagbubungad ni Sir.

"Okay lang po Sir." sagot ng marami.

"For today, uhmm, dahil sa catch up friday tayo ngayon, wala muna akong ituturo sa inyo."

"Continuation nalang sa Monday ng topic natin."

"Yeheyyyyyy!!" hiyawan ng marami. May sumipol pa.

"Anong yehey, may gagawin kayo."

"Ahhh." panlalamya.

"Simple lang naman ang gagawin nyo. Magiisip lang kayo ng mga bagay na pwedeng itanong saken. Anything."

"Yonnnnnnnnn!" sigawan ng iba.

"Sus, halata namang may mga binabalak kayo. Tumigil tigil kayo, under the weather din ako. Wala din akong gana mag isip ng tanong."

After nilang magsitanong ng mga walang kabuluhan na tanong, at since wala nga ako sa mood, di ako nagtanong.

"Why are you like this Kevin? Bakit ba parang wala ka na naman sa sarili?"

"Umayos ka, nasa klase kapa. You can't ruin your day like this."

Maya maya ay naihi ako, kaya tumayo ako at lumapit sa harapan. Nagpaalam ako kay Sir na hindi ko alam na patapos nadin pala sya.

"Sir Neil, pwede pong mag cr?"

"Oo naman. Ayy, bababa kana ba?"

"Opo." sagot ko naman.

"Sabay na tayo. Pababa nadin naman ako." pagaaya ni Sir.

"Sige po. Para may kasabay din ako." pagbibiro ko.

Habang naglalakad ako, side by side kami ni Sir. Nagce-cellphone sya nang biglang bumuka ang bibig nya..

"Okay ka lang?" tanong nito.

Parang (Meadow)Where stories live. Discover now