Page VIII

9 3 0
                                    

Vote and Subscribe!

-Author

________________________________

KEVIN'S POV

Hindi ko parin makalimutan yung nangyari kagabi.

Hindi ko alam kung bakit sa lahat-lahat ng pwedeng gawin, ganon lang. Para bang nananakot lang. Parang mga ewan.

Habang iniisip ko ang mga bagay bagay, nagaasikaso na ako para pumasok. Anong oras nadin ako nagising at may ginawa pa ako kagabi.

Dumagdag pa yung nangyari kagabi.

Umalis na ako, at medyo nagmamadali, at pumasok na sa school.

As expected, always naman na ang mga ginagawa sa school kaya nakakaboring. Unless philosophy.

Tulad nito ngayon, I am standing in front of the class. Biglang tinawag ni Sir Neil.

"Uhmm, Kevin. Ask ko sayo about your insights sa truth. Ano yung mga pumapasok sa isip mo tungkol sa katotohanan?"

Isa na namang philosophical questions na tinatanong sakin tuwing klase.

Napansin na siguro ni Sir na masyado akong hayok or di naman sa hayok, parang "into" ako pag dating sa philosophy.

"Uhm, for my simple answer po, I can say that na ang talagang napasok sa isip ko is..

"Truth is like a pure light."

"Pure light? Enlighten us Kevin." dagdag ni Sir sa tanong nya.

"Masasabi ko kase Sir na, merong dalawang klase ng light. Which" light" represents the knowledge or information."

"Dalawang klase sya because of the source. Yung isang pure light na sinasabi ko, para syang light na ang goal lang is magliwanag. To give other people enlightenment about something."

"Yung isa ay parang torch light. Light na nanggagaling sa apoy. Ang light kase don, I can purely say na, "deceiving"." sagot ko na sumang-ayon din naman kahit paano si Sir. Kase napagusapan din yon sa topic namin about freedom.

"Same concept yung principles ko sa Allegory of the Cave."

Maya maya pa, nang matapos ang klase namin ay nagsiyayaan ang mga kaklase ko lumabas.

"Pre, sama ka samin."

"Saan?"

"May fiesta daw kila Cess, sa may Maguyam. Sama ka."

"Ayoko Pre. To be exact, di pa nga ako pwede. May meeting kase mamaya sa Org. namin."

"Asus, maaga naman makakauwi kana."

"Anong oras ba yon?" dagdag pa ng isa.

"Mga 7PM."

"Oh, yun naman pala eh. Sama kana samin."

"Pass muna ako ngayon Par."

"Hayaan nyo na yan Mart, kung ayaw 'wag nyong pilitin." dagdag pa ng isa kong kaklase na medyo malapit din saken.

His name is Justine. This grade 12 ko lang din naman sya nakilala. Nakausap ko lang sya nung time na nagiintay ako ng oras, saka may iniintay lang din sya sa school.

Pero.. sa ngayon, hindi talaga pu-pwede na sumama ako. Una sa lahat, marami pakong gagawin sa bahay at sa ibang bagay maliban sa gala.

Pagkatapos niyang sabihin yon, nagpaalam lang sakin si Vien at Rheymart at nauna nadin sila.

Ako naman, deretso nadin namang umuwi. Maglalakad pa ako palabas ng school at papuntang sakayan.

Nung makarating na ako sa highway, may nakita ako sa di kalayuan na parang nagkukumpulan na estudyante. Dun lang naman sa may tawid.

Parang (Meadow)Where stories live. Discover now