"Gusto mo?" tanong ko, nasabi nga sa akin ni Boss na kailangan niya pa ng isang part timer pero sa umaga. Tumango naman siya agad. "We need isa ata pero sa umaga at sunday lang din, sasabihin ko"

"Yes!" masayang sambit niya. I smiled at her. It will only be for a few hours so its fine. Sasamahan ko nalang din siya sa umaga para hindi siya ma bored.

"Punta tayong hospital maya, nakalimutan kong monthly check up ko pala" sabi ni Elle. Yeah, may monthly check up siya kasi may hika siya. "Ikaw? Ayaw mong magpacheck up? Nahihilo ka diba?"

Umiling ako. Nawala na naman yung hilo ko. Maybe low lang sa sugar kaya ako nahihilo. So lumiban kami sa klase para mag punta sa hospital. Habang nasa loob siya ay nasa labas naman ako nag aantay. Nakaupo lang ako sa isa sa mga bakanteng upuan sa harap ng pintuan. Nauhaw ako at naalalang may vending machine kaming nadaanan kanina kaya nagtext ako kang Elle na bibili lang muna ako ng maiinom baka kasi hanapin niya ako paglabas niya.

Habang namimili ako kung anong bibilhin may biglang tumabi sa akin. "Having difficulties?"

Napalingon ako sa nagsalita ang I saw a man. He looked at me with a smile pero unti unting nawala ang ngiti niya. Ngumiti ako.
"Magtutubig nalang siguro po ako"

I blinked a few times to make sure na hindi ako namamalikmata. Because I think he is so shocked and almost crying. "Okay lang po ba kayo?"

He was in a lab coat and a nameplate was placed there. He is a doctor!

He blinked the tears away and smiled back again. "I'm sorry, y-you just look exactly like someone I knew" sabi niya. a, kaya pala.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. That someone must have been away. Sabi nga nila na mayroon pitong tao sa buong mundo na may pagkakahawig sa mukha mo. And seeing one in person must have been surprising for him.

"Doctor po kayo rito?" tanong ko. He was so young to be a doctor. Tumango naman siya.
"You look young"

"I'm 33 years old" sabay niyang ngiti. Tumango ako. Ang bata nga niya. Pwede rin kaya akong maging doctor in the future? Masyadong mahal ang bayarin panigurado ako. Hindi kaya sa bulsa ko or kung sa ipon ko.

Tubig ang binili ko dumungo ako para makuha ang bote sa ilalim saka tumayo para makapagpaalam na to be polite.

"Uhm, anong pangalan mo?" tanong niya.

"Rosalie po" inulit niya ang pangalan ko sa mahinang boses at unti unting tumango. Ayan na naman siya, parang iiyak. Agad akong nagpaalam pero nakasalubong ko si Elle kaya bumalik ako sa dinaanan. Niingon ko yung doctor pero nakaharap na siya sa vending machine pero nakatayo lang siya roon.

Nahihirapan siguro siyang mamili

Pumayag naman ang boss ko na si Elle ang mahire niya sa umaga sa sabado pero hindi sa linggo dahil may nakauna na. Naawa siguro siya dahil estudiyante. Ang saya niya,  sabi ko na magbabaon nalang kami dahil sasamahan ko siya sa shift niya sa umaga kahit na hapon pa ako.

Sa excitement niya, nagpabili na siya sa mga gusto niya ibaon namin for lunch kahit na sa susunod na sabado pa naman yun. Hinayaan ko nalang siya, gusto rin naman niya kaya okay lang. Ang importante masaya siya.

My life was at peace

Whenever I went to mama's room, I learned to be satisfied with her silence. Gusto kong magtama ang paningin namin kaso hindi niya talaga ako tinitingnan. So I stayed quite, contended with her presence even when she's not acknowledging mine.

Ako ang nag aasikaso sa kwarto niya. Nag volunteer ako dahil gusto ko siyang maalagaan. Hindi naman siya humindi kaya ang saya saya ko. Kahit gaano ka ikli ng pagsasama namin sa isang araw kuntento na ako. If this happens too often, she'll get used to me.

Love me, RosalieWhere stories live. Discover now