Chapter 5: The Reason

75 20 1
                                    

Yumi's POV

I massaged my forehead in frustration, trying to think on how am I going to tell Sean that it is not Julia, but Calix, who is going to be with me in this business trip. I couldn't help but roll my eyes in irritation as I glanced at Calix, who now had his eyes closed as he leans his head on his neck pillow, while wearing earphones.

"Kung hindi lang kita boss, nasakal na kita." inis kong bulong sa sarili.

Sinubukan ko nalang din na ipikit ang mga mata ko dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa katabi ko ngayon.

Calix's POV

Hindi ko maiwasang mapangiti sa narinig ko. Player is off kaya naman rinig ko ang sinabing iyon ni Yumi.

I called Julia last night and told her that I have an urgent matter to address in Japan at ako na ang sasama kay Yumi. Hindi naman na siya nagtanong pa kahit na dinig ko ang pagtataka sa boses niya nang sumagot siya sa akin.

Hindi ko na din ipinaalam kay Yumi ang tungkol doon. Alam ko namang kapag nalaman niya ay gagawa lang siya ng paraan na hindi siya matuloy ngayon.

Unti-unti kong binuksan ang mata ko. Nakita ko si Yumi na nakapikit na din at inaayos ang pwesto, humahanap ng komportableng posisyon para matulog.

I really want you back, Yumi. Sorry, but as long as you're still a Castillo, I'll do my best to win you over. Hindi na ako magiging duwag. Kaya na kitang ipaglaban, Yumi. Handa na kitang panindigan.

[FLASHBACK]

Nasa bar ako ngayon, gusto kong makalimot. Yumi has no idea of what is going on with my life. Not even my mother's death, or my father's existence. Sinabi ko kasi sa kaniya na wala na akong ama.

I am a mess right now at hindi ko alam kung paano ako haharap sa kaniya. Gusto ko muna ayusin at ihanda ang sarili ko bago ko sabihin sa kaniya ang lahat.

Pinuntahan ako dito ni Papa, kasama ang personal assistant nitong si Hudson.

"I am warning you, Calix. Huwag mo akong ipahihiya sa mga Dela Fuente. And that girl, I can make her life miserable as much as I can. Walang kwenta ang pag-ibig, Calix. You won't be able to succeed kung palagi mong paiiralin ang nararamdaman mo." Sabi ni Papa.

"Hindi, Papa. Walang kwenta sa'yo kasi mukha kang pera. Money is all that matters to you. Kaya mo nga kami iniwan ni Mama, hindi ba? Kaya mo nga siya hinayaang mamatay."

"Isipin mo na ang gusto mong isipin pero sasama ka sa akin sa US. Doon ka magtatapos. Doon ka titira." Sabi nito at dama ko kung gaano ito nagpipigil na sigawan ako dito sa bar.

"I'm not a kid anymore, Pa. Hindi mo na-"

"Yumiko Castillo, right? She's an intern in my company." Sabi nito dahilan para hindi ko maituloy ang sinasabi ko.

Hindi ako nakasagot agad sa sinabing iyon ni Papa. Hindi ko alam ang tungkol dito. Wala siyang naikikwento sa akin.

"Think about it, Calix." Banggit ni papa bago siya tuluyang umalis.

Pag-alis nito ay hindi ko na napigilan ang sarili, sinuntok ko ang kahoy na lamesa na nasa harap ko at saka napasigaw, "Fuck!"

Pinagtinginan ako pero hindi ko sila pinansin. Bakit ba napakamalas ko? Uminom ako ng uminom hanggang sa hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko.

Dalawang linggo na akong hindi pumapasok. Hindi ko na alam kung may patutunguhan pa ba 'tong buhay ko. Naririnig ko si Yumi na nasa gate at tinatawag ako minsan pero hindi ko siya sinasagot at nilalabas.

Our Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now