Chapter 2: He is Back

72 24 10
                                    

Yumi's POV

Nandito ako ngayon sa harap ng university namin noon. Parang bumabalik sa akin lahat ng nasa nakaraan. May masasaya, may masasakit.

8 o'clock in the evening, here I am, with Calix. We're facing each other, locking eyes, waiting for who's going to talk first.

This is the man who broke me into pieces years ago. The one who made me question my worth. The person behind those countless nights of tears I had years ago. Bakit ko ba siya tinagpo?

Biglang tumunog ang phone ko. Nagmessage si Sean.

[Nakauwi na ako, love. Magsha-shower lang ako at kakain. Tawagan kita mamaya.]

I noticed him casually looking at my phone, which was effortless for him since mas matangkad siya sa akin. Agad kong ibinalik ang phone sa bulsa ko at hinarap siya.

"B-bakit?" ako na ang unang umimik. Pinapakita ko na wala na akong kahit katiting na nararamdaman para sa kanya.

Wala naman talaga. Wala naman na dapat.

"Kamusta?" yan ang naging sagot niya.

"Ito, okay lang. Ikakasal na ako kay Sean." saka ko sa kanya ipinakita ang singsing ko.

Teka, nasaan ang singsing ko?

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Hoy, totoo ang sinabi ko. Ikakasal na ako. Naiwan ko lang yata sa bahay ang singsing noong nagshower ako bago pumunta dito." depensa ko dito.

Lumapit sa'kin si Calix. He leaned closer and adjusted his position to directly face me. Inaakit ba ako nito?

"Ikakasal ka na pala. Bakit ka nakipagkita pa?"

Bakit nga ba ako pumayag na makipagkita?

Earlier...

Hindi ko alam ang isasagot ko sa mensahe niya.

[Hello.] reply ko.

[Kamusta?]

[Okay lang.]

Hanggat kaya ay iiklian ko ang reply para lang hindi ako magmukhang interesadong kausap siya.

Pero ang bilis ko magreply.

Bakit ka ganiyan, Yumi? May fiancé ka na. Sermon ko sa sarili ko.

[Yumi, p'wede ba tayong magkita?]

[Saan?]

Teka? Mali. Hindi iyan ang irereply ko.

Dali-dali kong in-unsend ang message ko, nagpasalamat naman ako dahil hindi niya pa nasiseen kaya akala ko ay hindi niya pa nababasa.

[Hindi ako p'wede ngayon.]

Kasabay ng pagsend ko ng message na iyon ay pagreply niya.

[Nabasa ko. Infront of UMak. 8pm, nandito lang ako. Hihintayin kita.]

Sandali. Hindi ako pumayag.

[I'm busy.] Paguulit ko sa huling message ko.

[8pm, Yumi. Hihintayin kita.]

At nagoffline na siya.

Hindi ko matiis na hayaan siyang maghintay doon kaya naman nag-asikaso na ako ng pag-alis.

-end of flashback-

Nang maalala ko kung bakit nga ba ako nandito ngayon ay hinarap ko siya at sinagot.

Our Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now