Chapter 4: Desperate Pleas

68 19 6
                                    

Yumi's POV

Pagpasok ko ng gate ay dali-dali akong pumasok sa bahay at umakyat sa kwarto. Inis kong itinapon ang bag sa sahig at dumiretso sa banyo.

"Tang ina, Calix. Ano bang gusto mo?" I said as I stared at my reflection in the mirror, my face clearly showing my annoyance with the situation.

Marahas kong iniiling ang ulo ko saka itinali ang buhok ko. Pagkatapos ay binuksan ko ang gripo para maghilamos. Maya-maya pa ay hindi ko na napigilang ilabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Bakit ba ang sakit pa din? After five fucking years, bakit nandito pa din 'to?

I felt my jaw clenched as I thumped my chest out of frustration. Naiinis ako kasi apektado pa din ako. Nakakainis na nasasaktan pa din ako. And of all people, bakit siya pa ang naging anak ng amo ko? Pinaglalaruan ba ako ng mundo?

I heard my phone rang but didn't bother picking it up because I was so immersed in thinking about Calix. I believed I had found the peace and happiness I wanted, but it seems not. Today feels like I am falling apart once again. It is as if this tough version of me that I've built over the past 5 years is now gone, just like that. Just because he came back.

*****

After we cleaned the table, Sean sat next to me then put his left arm around me that made me look at him. I smiled at him and leaned my head on his shoulder.

"Sorry last night, love ha. Nakatulog ako." sabi nito saka ako hinalikan sa noo.

Ngumiti lang ako, "Love, bago na ang CEO ng Carvi." sabi ko nang hindi pinahahalata ang kabang nararamdaman ko.

Sean may be quite understanding but I am unsure of how he will react if he found out who's the new CEO of the company I am working at, knowing his anger towards Calix.

"Oh, new boss. Bakit parang hindi ka masaya?" sagot nito.

Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita, "It's Calix." lakas-loob kong banggit.

Dama kong natigilan siya sa pagbanggit ko ng pangalang iyon. Inalis niya ang pagkakaakbay niya sa akin at saka ito yumuko na parang nag-iisip kung ano ang dapat niyang isagot sa sinabi kong iyon.

Ilang segundo din kaming natahimik, hinihintay ko siyang magsalita pero wala akong narinig na reaksyon mula sa kaniya.

"Are...you mad?" Pagbasag ko sa katahimikang bumabalot ngayon dito sa kwarto ko. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha ni Sean ngunit hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nito. "I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo". Dagdag ko.

Agad na napalingon sa akin si Sean, bumuntong siya bago nagsalita, "What are you talking about?" Hinawakan ni Sean ang kamay ko saka ako tinitigan, "You don't have to be sorry. Walang dapat ihingi ng tawad, love. Ano naman kung makakatrabaho mo siya? Do I have to worry about it?" He said while giving me an assuring smile.

"Hindi, wala, ano lang, sorry kasi ganito ako. Affected, pero-"

"Okay lang. Nakita ko, kasama mo ako noon. Naiintindihan ko." Pagputol ni Sean sa mga sasabihin ko.

Halos isang minuto din siyang natahimik bago niya ako niyakap muli.

"Yumi. Mahal na mahal kita. Sasabihin mo lang kung nakukulangan ka sa akin ha? Sasabihin mo kung nagkakamali ako. Sasabihin mo lahat. Pupunan ko lahat ng kulang, itatama ko lahat ng mali. Just stay, love. Just stay."

Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at humigpit ang yakap niya sa akin.

Natatakot si Sean, natatakot siyang iwan ko siya. Nakakadurog makita na 'yong taong kasama ko sa hirap at ginhawa ay parang nagmamakaawa sa akin na huwag ko siyang iiwanan.

Our Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now