Chapter 3: The New CEO

72 22 7
                                    

Yumi's POV

Bakit ba ayaw mo ako lubayan, Johnn Calix Villanueva?!

Gustong-gusto ko na isigaw ang mga salitang iyan sa kaniya pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko siya pinansin at umarteng walang nakita.

"Which floor?" Sabi niya.

"5th please. Thank you." Sagot ko.

Pagkapindot niya ay tumabi na siya sa akin.

"Ang bango."

"Ha?" Nagulat ako noong sumagot siya.

"Ha? Ano? Bago. Parang bagong gawa ang elevator." Palusot ko na alam ko namang nagmukha lang akong tanga.

Akala ko nasa isip ko lang 'yon, bakit naman lumabas pa sa bibig ko. Nako Yumiko! Ang bango naman kasi, tapos napakaporma. Parang anak mayaman eh.

My Gosh, Yumi!

Nasesermunan na naman ako ng sarili kong konsensya sa pinagsasabi ko sa sarili ko. Well, wala namang mali sa pagpuri ng ibang tao 'no.

Narinig ko na naman ang mahinang pagtawa niya na hindi ko nalang pinansin. Walang nagsasalita sa amin at hinayaan ko lang na ganoon ang sitwasyon namin.

Maya-maya pa ay dumami ang sakay ng elevator dahilan para magdikit kami. Sobrang lapit namin sa isa't-isa ni Calix ngayon. Parang akong nakuryente noong magdikit ang mga kamay namin kaya agad kong inilayo ang kamay ko sa kaniya at kunwaring inayos ang buhok ko.

Lalong sumisiksik sa ilong ko ang amoy ni Calix. Makakalimutan ko pa ba 'to?

Sabay kaming lumabas ng elevator ni Calix nang makarating sa 5th floor. Wala itong sinabi, nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa naghiwalay kami ng direksyon.

*****

"Oy, Yumi. Alam mo ba? Magpapalit na daw ng CEO? Dumating na daw kanina. Ang sabi, gwapo daw." Sabi ni Avery sa akin habang umaakto na parang kinikilig.

"Ang bilis talaga sa chismis." Sabat naman ni Julia.

Hindi ko sila pinansin dahil sakop na sakop ni Calix ang isip ko. Dagdag isipin eh.

Nagkakape kami ngayon sa paborito naming coffee shop sa tapat ng building.

"Check email." Sabi sa akin ni Avery.

Agad ko namang ichineck ang email ko.

Subject: Important Announcement: Change in CEO

Dear Team,

I'm writing to share important news: Our CEO, Mr. Carlos Villanueva, will be stepping down, and the new CEO, who will be introduced in the conference later at 4pm, will take the helm starting on Monday, March 20, 2023.

We thank Mr. Carlos Villanueva for his dedication and let us welcome the new CEO, who is confident in their ability to lead us forward.

Please join me in supporting the new CEO during this transition. More details to follow.

Best regards,

Human Resource Department
Carvi Corporations

Pagkatapos ko ito mabasa ay tinignan ko na din ang oras. 3:50pm.

Villanueva?

Kaya ba siya nandito kanina?

Sana mali ang iniisip ko. Sa dami ng Villanueva sa Pilipinas, imposible namang si Calix 'diba?

Our Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now