prologue

345 37 3
                                    

Note: Hi mofus! May disclaimer lamang po ako. Meroon pong part ng prologue na inspired sa experience ng isang tao.

This is just a disclaimer, nothing else! Please do not send hate or anything, I was just inspired and touched by their experience that I had to base their experience in this and create a plotwist aswell.

Maraming salamat, mofus! Happy reading!

***

Oh, Aurora, liwanag ng aking buhay,

Sa mga alaala ng ating kabataan, tayo'y naglalaro't nagtatawanan. Noon, tayo'y mga inosenteng puso na nagnanais ng kapayapaan, kahit sa gitna ng alitan ng ating mga pamilya.

Ngunit, mahal kong Aurora, hindi ko malilimutan ang mga sandaling tayo'y nagkasama. Sa gitna ng gulo, tayo'y naglakas-loob upang labanan ang mga hamon ng buhay, alang-alang sa hinaharap nating dalawa.

Aking sinta, pangako ko sa iyo: Sa aking pagbabalik, ikaw ang aking kasama. Patawarin mo ako kung ang aking magagawa ay liham lamang. Alam kong abot-tanaw na ang ating tagumpay sa pagtupad ng pangako, at nag-aabang na rin ang ating pagmamahalan.

Aurora, minamahal ko, sa aking pagbabalik, hihingiin ko ang iyong kamay. Ipagtatanggol kita, sa harap ng Diyos at sa harap ng mundo. Aking hahanapin ang solusyon para sa alitan ng ating mga pamilya. Hindi ako titigil hanggang sa makamtan natin ang kaligayahan sa piling ng isa't isa.

At sa ating pag-iisang dibdib, magwawagi ang pag-ibig. Ikaw at ako, magkasama habang buhay, sa pagpapatibay ng ating pagmamahalan at sa pagtahak sa landas ng buhay na puno ng ligaya at pag-asa.

Ikaw at ikaw lamang, Mahal ko.

Habang binabasa ni Aurora ang lihim na liham na ipinadala ng kanyang nobyo sa kanya, mapuspos ng luha ang kanyang mga mata. Tumatawa siya nang mahinhin habang tinitingnan ang kalangitan mula sa azotea. Sa pagpaypay ng kanyang abaniko, pinagmamasdan niya ang hinaharap kasama si Juan Fernando Delos Santos y Garcia, ang kanyang minamahal.

"Paumanhin, irog ko kung wala akong nagawa upang kausapin ang aking Ama. Patawarin mo ako sapagkat, naging mahina ako."

Sabi niya, habang ang mga luha sa kanyang mga mata ay pumapatak.

"Inilayo ka nila sa'akin, sinta ko. Hindi nila pinayagan na tayo ay magkasama, o 'di kaya magkatuluyan."

"Ipagpaumanhin mo ako."
Suminghot siya habang nanlalabo ang kanyang mga paningin dahil sa luha na pumapatak sa kanya.

"mahal ko.."

"Tutulungan kitang tupadin ang iyong pangako."

Nararamdaman ni Aurora ang bigat ng puso ng kanyang minamahal. Sa pag-aalala at pagmamahal, bumabalot ang kanyang damdamin. Ngunit sa gitna ng pag-iyak at pangungulila, tumibok ang kanyang puso sa pangako ng pagmamahal mula kay Juan Fernando.

"Nandito ako, handang maghintay at magmahal hanggang sa huli."

Bulong ni Aurora sa sarili habang pumapatak ang kanyang mga luha.

Isang ngiti ang sumilay sa labi niya, isang ngiti na nagpapahiwatig ng lakas at determinasyon. Sa paglalakad palapit sa gilid ng azotea, isang pangako ang bumabalot sa kanyang puso at isipan.

"Hindi kita iiwan, Juan," sa isang mahinahong tinig, mariing ipinahayag ni Aurora. "Hanggang sa huli, ikaw at ako, magkasama."

Nagdaan ang oras nang makatakas si Juan Fernando mula sa hawak ng kanyang mga magulang upang hingiin ang kamay ni Aurora Clarita, ang kanyang lihim na nobya. Matagal na niyang pinapangarap na maipahayag ang kanyang pag-ibig, ngunit dahil sa alitan ng kanilang mga pamilya, hindi niya ito nagawa. Ngunit ngayon, maglalakas-loob siya na kausapin ang kanyang ama upang makuha ang pahintulot para kay Aurora Clarita.

Never Stopped Loving You ✓Where stories live. Discover now