Prologue

165 30 11
                                    

-2018-
College years.

Yumi's POV

Halos hindi na ako makahinga kaiiyak. Pulang-pula na ang mukha ko. Hindi ko alam kung bakit si Sean ang kasama ko ngayon. Hindi ko alam paano siya napunta dito. Basta ang gusto ko lang ay mailabas lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko.

"Andito ako, Yumi."

Hindi ko pinansin si Sean at patuloy lang na umiyak habang nakatingin sa video na sinend sa'kin ng kaibigan ko. May kahalikan siya sa video.

"Gusto ko siya, Sean. Gustong-gusto ko siya."

Sean's POV

"Gusto ko siya, Sean. Gustong-gusto ko siya."

Bakit kailangan mong sabihin sa akin 'yan, Yumi?

Nakakagalit makitang nagkakaganito si Yumi dahil sa lalaking iyon. Kayang-kaya ko siyang mahalin ng totoo. Bakit hindi nalang ako, Yumi? Sana ako nalang.

Hindi ko naman siya mapipilit na gustuhin ako pero kung magkaroon ng pagkakataon na payagan niya akong mahalin siya, ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko.

"Yumi, gusto mo bang puntahan natin siya? Gusto mo bang saktan ko siya?"

Hindi ko alam kung tama ang mga sinasabi ko pero hindi ko din alam kung tama na wala akong sabihin. Napakachildish ng sinabi ko pero hindi ko alam paano mapapagaan ang pakiramdam niya.

"Hindi, Sean." Natawa pa ito kaya naman medyo gumaan ang pakiramdam ko. "Pero salamat."

Medyo kumalma na si Yumi pero mugtong mugto na ang mga mata niya kaiiyak.

"Kung may magagawa ako para mapagaan ang loob mo, sabihan mo lang ako ha. Nandito ako bilang kaibigan." Sabi ko habang nakahawak sa likod niya.

"Bakit ganiyan ka Sean?"

"Ha? Bakit ako?"

"Bakit nandito ka pa din sa tabi ko kahit ilang ulit ko na sinabing ayoko sa'yo?"

"Kaibigan mo ako, Yumi. Gusto kita pero kaibigan din kita."

Nagulat ako ng yakapin niya ako.

"Salamat sa pagiging totoo. Madaming iba diyan. You deserve more, Sean. Hindi ako 'yon."

Matutuwa ba ako na niyakap niya ako o masasaktan sa mga sinasabi niya?

"Hindi, Yumi. You're more than enough. Kung ayaw mo talaga sa akin, that's okay. Hayaan mo nalang ako na maging panyo mo, maging unan. Sasamahan kita, makikinig ako sa iyo. It's you who deserve more, Yumi."

"Thank you, Sean." Tumingala siya para makatingin sa akin habang yakap pa din ako.

"Thank you." Kasabay noon ay ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. Maya-maya pa ay nakita ko nalang na nakatulog na siya.

"Yumi, kung sana ako nalang, hindi ka nasasaktan ng ganito. " saka ko siya hinalikan sa noo.

Yumi's POV

Paggising ko ay nakita kong nakayakap ako kay Sean na tulog din.

Chineck ko ang oras, alas-dyes na ng gabi. Lagot ako nito kay mama.

"Sean, sean. Gising!"

"B-bakit?" Nakapikit pa ito noong sumagot.

"10pm na, lagot ako kay mama. Bakit di mo man lang ako ginising?!" Nangingiyak na sabi ko habang inaayos ang sarili ko.

"Tulog din ako ha."

Pagtingin ko ng phone ay ang dami ng missed call ni mama.

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo? Bakit di ka nagpapanic diyan?"

"Hinahanap pero nagmessage na ako kanina sa kanila bago ako matulog?"

"Bakit ka nakisabay ng tulog. Sean naman eh!"

"Huh?"

Narinig ko nalang si Sean na natawa habang nakasunod sa akin na lakad-takbo pauwi sa bahay.

"Bakit mo pa ba ako sinusundan?" Tanong ko kay Sean.

"Hahatid lang kita. Gabi na masyado para maglakad ka mag-isa."

"Umuwi ka na, Sean. Baka kung ano pa isipin nila mama."

"Wala naman tayo ginagawang masama ah. Sasabihin ko ang totoo. Bakit ka natatakot?"

"Anong totoo? Na umiyak ako dahil--"

Sean's POV

Anong totoo? Na umiyak ako dahil--"

Hinawakan ko siya sa mukha at pinisil ito. Lalo tuloy sya naging cute sa paningin ko. Pero ginawa ko talaga iyon kasi ayoko marinig na naman ang pangalan ng lalaking iyon mula sa kaniya.

"Oo na, Castillo. Hahatid lang kita. Hindi ako magpapakita sa inyo. Masigurado ko lang na ligtas kang makakauwi.

"Hay nako, Sean. Bahala ka."

Nakangiti akong nakasunod kay Yumi. Ang totoo niyan, kinakabahan din ako dahil hindi din ako nakapagpaalam, lagot din ako kay lolo pag-uwi.

Our Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now