CHAPTER 15 The Pastor's Identity

274 10 1
                                    

MATCHA POV

*Audio Playing*

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang nakakakilabot na tunog na nanggaling sa audio speaker ng kwarto ko.

"Tangina ng mga 'to... Ang aga mambadtrip ng anakngputa..." sunod-sunod kong pagmumura.

Ang ayaw ko sa lahat iyong biglaan ang gising ko.

["Woah.. woah.... easy there, Matcha."] Mojito said. Gising na din pala ito.

"Hays... anong oras na ba?" Tanong ko habang naghihilamos ng mukha sa sink nitong cr sa kwarto ko.

["It's 6 in the morning. And I'm currently preparing our breakfast sincs you're not here."] Mojito said.

"Kaya pala ang bigat ng ulo ko. Kulang na kulang ako sa tulog." Sabi ko sa kanya habang nagsisipilyo. Nagmumog lang ako saglit at ipinagpatuloy ang sasabihin.

"Nga pala, may ipapadala ako sa office ngayong araw. Iba talaga ang kutob ko sa gamot na pinapainom nila eh."

["Okay. Copy."] Mojito said.

*knock*knock

Naudlot ang pag-uusap namin ng may kumatok sa pinto ko. Bubuksan kona sana ng may pumasok na isang stuff na babae.

"Good morning! Susunduin ko lang po sana kayo for breakfast." Nakangiting sabi ng stuff.

"Okay." Tipid kong sagot dito at sinundan na siya papuntang cafeteria.

Pagdating namin, sinadya kong pumwesto sa pinakadulo para mapagmasdan ang bawat kilos ng bawat isa. Hinanap ng mata ko si Chelsea, pero wala pa din ito. Ginugutom ba nila ang bata? Huwag naman sana. Hindi na diet ang tawag dun. Nang mailapag sa lamesa ko ang tray, nanlumo ako sa laman ng plato ko. Isang maliit na hiwa ng mansanas, isang toasted bread at ilang pirasong scrumbled egg.

"Mojito." Mahinang tawag ko sa kanya.

["Yup?"]

"Pa-refill naman ng pasensya ko. Paubos na kasi." Mahinahong sabi ko. At ipinakita ko sa kanya ang laman ng tray ko.

["Is that your breakfast? Pffft."] Pigil na tawa ni Mojito.

["What's wrong, Matcha? It's american style, breakfast."] Pang-aasar ni Peanut.

["Poor you. Our breakfast for today is tapsilog and a glass of fresh fruit juice."] That's Forest.

Bago ko pa mapigilan ang tiyan ko. Tumunog na ito ng malakas sa sobrang gutom ko. Napatakip ako bigla sa tiyan ko, mabuti na lang at walang nakapansin.

["Hahahaha!"] Tawanan nila sa bahay.

"Tangina naman. Nagigising lang ba ako para mainis sa fucking mundo?" Frustrated na sabi ko sa kanila. Grabe naman ang tawanan ng mga ito.

["Take your time, there, Matcha."] Peanut said teasingly.

*sniff*sniff*

Hinubad ko ang kwintas ko at tsaka hinarap ito sa sarili ko para makita nila ang luhaan kong mukha.

["Are you seriously crying right now?"] Hindi makapaniwalang tanong ni Mojito.

["She's becoming crazy."] Forest said.

["Iba talaga nagagawa ng pagkain kay Bobbie. Tsk. Tsk."] Peanut said.

"I think, I'm gonna die of starvation here." Pagpupunas ko ng luha habang kinakausap sila. Sinoot ko ng muli ang kwintas ko. Kakain na sana ako ng lumapit sakin si Christian at seryoso itonf nakatingin sakin.

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Where stories live. Discover now