"You were clearly suffering, anong hindi nila maintindihan doon? As if bullies aren't a big issue. I can defend myself, natuto akong magself defense Ally. Pero ikaw, para kang sitaw"

Sitaw? Natawa ako sa sinabi niya.

"Don't laugh"

For some reason hindi na uli ako nilapitan ni Jake. Nasa malayo lang siya nakatingin akala ko titigil na siya pero isang hapon sa pinagtatrabahuan ko pumunta siya.

Feeling ko magkakapasa talaga ako sa bawat paghawak niya sa braso ko. "Mayaman nga kayo" sabi niya.

She pushed me on the shelves kaya nahulog ang mga librong naroon. I spent so much time arranging them kaya mas nanlumo ako sa nakikita ko.

"Huling pagbisita ko na to sayo kaya sasagarin ko na" wala siyang ibang kinuha. Pumunta lang siya rito para bugbugin ako. I couldn't fight back. Wala akong lakas. When he was satisfied  he stopped.

"Bakit... Bakit mo ginagawa to?" tanong ko sa mahinang boses. He laughed. Naninigarilyo pa siya. He puffed the smoke on face.

"I hate people acting like a hero. I hate pampered people na puro pera lang pinapatakbo. I hated you" hindi ko maintindihan. I was never pampered.

"Tapos babayaran akong ihinto ang pambubully sayo?" tumawa siya. "Ibang klaseng yaman"

Bayaran? I looked so confused.

"Hindi mo alam? Ibang klase... Tsk.. Tsk... Tsk..." then he left. May nagbayad sa kanyang ihinto ang ginagawa niya sa akin. Kaya ba sinabi niyang huli na ito?

I stayed on the floor. Someone stopped him. That thought alone made me so happy. Hindi ko alam kung sino pero masaya ako. It means someone was worried from my family. Kaya dapat hindi ako mawalan ng pag-asang magbabago ang pakikitungo nila sa akin.

Umuwi akong masakit ang katawan. Naayos ko nga ang store bago ako umuwi kaya talagang pagod ako. Nakita ko si Elle na nag aantay sa akin sa bahay. Tapos na silang kumain. Ako naman wala akong gana.

"Buti nakauwi ka na" sabi niya. We talked for a bit bago ko pinauwi gusto nga niyang matulog sa kwarto kaso ayokong malaman niyang nabugbog ako. Jake was smart enough to hurt me where it can't be seen.

Hinubad ko ang damit at nakita ko ang mga namumuong pasa sa katawan.

"Jusko Rose ano yan?!" nagulat ako nang marinig ko si manang. Nahulog pa niya ang dalang mga damit ko. Nilabhan na naman niya ang mga iyon. Sinabi kong ako na.

"Po?"

She was so shocked. I covered myself just to hide everything on my body ngunit hinawi niya lang ang kamay ko.

"So totoo pala talagang binubully ka sa school mo?! Bakit hindi ka man lang nagsabi?!" she's worried. Someone was worried about me.

"Gagamutin natin yan. Dapat malaman to ni Madam" hinawakan ko ang kamay niya. She looked at me in confusion. Umiling ako. She doesn't need to know. Knowing someone paid to stop that bully is good enough for me. She doesn't need to be burdened by the fact that I have bruises. This isn't that deadly and its the last one.

Bumuntong hininga siya. "Kukuha lang ako ng medicine kit, at gamot na maiinom mo. Nagdudugo ang sugat mo sa paa" nakita ko nga. Baka bumukas uli ang tahi.

Tumango nalang ako sa sinabi niya. I waited for her until I felt so dizzy. Sa pagod ko, nawalan ako ng malay.

Pagkagising ko umaga na. Masakit pa rin ang katawan ko kaya hindi ako makagalaw ng maayos. Nakita ko si Elle na natutulog sa gilid ko habang nakaupo. Why is she here?

Love me, RosalieWhere stories live. Discover now