Prologue

1 0 0
                                    

Hay! Umaga na naman. Tilaok here, tilaok there, tilaok everywhere.

Bago ako tumayo ay chineck ko muna yung cellphone ko na nasa ulunan ko. Medyo nadaganan pa ng unan. May chat pala si Wynona, bff ko.

Wynona Liszette Alvarez
Active 13 mins ago

6:34

hoy!
gagi ka
dadating na raw yung apo ni lolo tasyo
sana pogi

Talaga 'tong talanders na 'to. Kay aga-aga chismis ang umagahan.

7:56

Baka hambog din 'yan katulad nung lalaki nung nakaraan.
Yung taga-Las Casas.
Naku, Wyn. Huwag kang magpapa-uto.

May dumating rin kasi na lalaki dito. Napaka-kapal ng apog! Kung magyabang ay wagas. Hindi naman totoo yung mga pinagsasasabi. Ay ewan ko sa lalaki na 'yon.

Pagkatapos ko nang magreply ay dumiretso na ako sa banyo para mag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay pupuntahan namin si Lolo Tasyo. Hobby namin 'yon ni Wynona. Lalo na at walang kasama si Lolo kundi yung mga katulong niya. Wala yung mga magulang ko rito. Kapatid ko ang kasama ko dito sa bahay. Si Wynona naman ay si Tita Vicky, kapatid ng Mama niya.


Dumiretso na ako roon. Kadalasan ay dinadaanan ko si Wynona sa bahay nila. Kaso feel ko nandoon na 'yon sa Hacienda. Ano ba naman 'tong tao na 'to.

10 mins na lakad lang naman kaya hindi masyadong malayo. Tsaka exercise na rin namin 'to araw-araw. Sasaglit lang ako kasi hindi pa ako nakakapagluto. Puyaters yung kapatid ko kaya mamaya pa ang gising non lalo na at walang pasok dahil summer vacation. Hindi naman mapigik dahila ng katwiran ay wala namang pasok bukas. Ewan ko na lang sa kaniya sa pasukan. Mukha siyang sabog na racoon.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na ako. Tama nga ako, nandito na yung babaita. Hindi man lang ako hinintay!

Kumatok muna ako bago pumasok. Binukas naman iyon ng anak ni Satanas. Si Pierre—kaibigan din namin. Kaso inis lagi ang natatamo ko rito sa lalaki na 'to. Ang hobby yata nito ay mang-inis!

Nang makapasok ako ay nakita ko si Wynona sa sala, naglalaro ng Mobile Legends. Kalaro pala niya si Pierre, kaya pala tutok na tutok din yung isa sa cellphone kanina habang nagbubukas ng pinto. Hindi rin ako inasar kaya good ang morning ko, sa ngayon. Maglaro na lang kayo diyan hanggang mamaya nang payapa ang buhay ko.

Agad kong hinanap kung nasaan si Lolo. Nasa mid 60s na siya at white na rin ang buhok. Pero kahit na natatakpan ng wrinkles ay di makakaila na gwapo pa rin siya. Habulin kaya 'tong si Lolo ng mga babae dati? Pogi rin kaya yung apo niy—ko. Pogo rin kaya yung magiging apo ko? Hahhaahhahahaha...

Nagpapakain pala siya ng mga alaga niya. Sina Greta, Gina, at Gemma—mga alaga niyang kambing. Ang Tres Marias ng pamamahay na 'to.

"Good morning, Lolo!" Napalingon siya sa akin. Lumakad ako papunta sa kanya at pinanood siyang magpakain.

"Good morning, Margarette apo."

"Ay wow. Gamit niya yung favorite niyang tungkod." Hep hep hep! Bago manghusga ay makinig muna. Si Lolo ang nagsabi na huwag na kaming gumamit ng po at opo sa kaniya. Lakas daw makatanda. Noong una ay hindi talaga kami sanay, pero iyon daw ang gusto niya kaya pinipilit namin na masanay.

"Siyempre naman. Dadating ang apo ko eh. Dapat pati tungkod ko pogi!" Sabi niya habang pinapakain si Greta. Napangiwi naman ako.

"Nasabi nga po ni Wyn sa akin kanina. Nakakaselos, Lolo ah." Pabiro kong sabi at tumalikod habang makahalukipkip.

"Okay lang 'yan. Basta ang mahalaga ay important." Napaharap ako sa kaniya. Sino na naman ang nagturo nito kay Lolo? Feel ko kilala ko na kung sino. Pierreee!!!

"Saan mo na naman 'yan natutunan, Lo?" Sabi ko pagkatapos bahagyang akong tumawa.

"Hindi saan, kanino." Kumindat pa siya! I can't believe this.

"Kay Linkon 'no? Lalaki talaga na 'yon!" Sabi ko na nagpahagikgik sa kaniya.

"Hayaan mo na. Feel ko Gen Z na ako. Turuan mo pa nga ako—" Hindi na niya natapos yung sinasabi nang may tumigil na sasakyan sa harap. Alam na agad kung sino dahil hindi naman sila padadaanin sa main gate ni Kuya Amir kung random na sasakyan lang. Malaki 'tong lupain ni Lolo, kaya nasa malayo-layo pa yung gate. Pagpasok mo ng gate ay puro bermuda grasses na ang tatambad sa iyo. Minsan ay pinapahiram din kami ng e-bike ni Lolo.

Pumasok ulit yung van sa gate ng mansiyon. Oo, puro gate. Kaya wala talagang mananakaw dito.

Pagkatigil ng sasakyan ay bumaba ang isang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko.

Shutangina, ang gwapo!

Disclaimer!

This book is entirely fictional, featuring characters and events crafted from the author's imagination. Any resemblances to real-life entities are purely coincidental. Readers should be aware that the content may touch upon sensitive themes or include language that some may find objectionable.

Thank you. Enjoy reading!

All Rights Reserved ©️ 2024

The Sky's PromiseWhere stories live. Discover now