"Dude..." Sinubukan lapitan ni Jiro si Jensen pero pinigilan siya ni Soren na may seryosong ekspresyon.

Halos mag-iisang taon na rin kami ni Soren, pero ngayon ko lang siya nakitang ganito. Gusto ko siyang pakalmahin pero alam kong wala ako sa posisyon. This is something out of my reach. This is something between him and his friends. Wala ako sa lugar para makielam.

Hinintay naming magsalita si Jensen, pero wala talaga. Tahimik niya lang kaming tiningnan. Kita kong disappointed na umiwas na lang ng tingin si Soren habang si Jiro naman, mukhang hindi pa rin makapaniwala.

I guess they took his silence as an answer — We all did because Hideo broke the quiet space with a tsk.

"Tamo? Who would've thought that the university's role model is a homewrecking third party." He smirked. "Ano kayang reaksyon ng lahat kapag nalaman nila kung ano'ng klaseng tao ka? Ano kayang magiging reaksyon ng mga magulang mo kung lumabas ang totoo—"

"That's enough!" saway ni Johan, pero siya naman ang binalingan ni Hideo ng tingin.

"Gusto niyong matapos na 'to? Pwes, sabihin mo na kung ano'ng nalalaman mo, Johannes. Sabihin mo na kung sino'ng pumatay kay Eurydice nang matapos na 'tong impyerno natin! Sabihin mo nang si Jiro talaga ang gumawa no'n!"

Gulat kaming napatingin kay Jiro ngayon na nanlalaki rin ang mga mata. Walang kamalay-malay niya pang itinuro ang sarili niya dahil sa pagkabigla.

"Ano ba'ng pamimintang 'yan, Hideo?" naiinis na sabi ni Soren.

"Umamin na si Jiro last cycle. Sinabi niyang siya ang pumatay kay Eurydice," sagot ni Hideo na matalim na nakatingin lang kay Jiro.

"Hindi siya ang pumatay sa babaeng 'yon, okay?!" Johan snapped. "Desperado na siya no'ng narinig mo siyang sumisigaw nang maabutan niyo kami. Wala tayong alam sa kung ano'ng mangyayari kapag may umamin. Hindi natin sigurado kung makakaalis ba talaga tayo dito kung may aamin na pumatay, pero si Jiro... He was willing to risk himself just to try because he wanted to save all of us! Hindi siya ang pumatay!"

Hinihingal nang matapos si Johan sa pagsasalita. Napansin ko si Jiro na nakatulala lang habang nakatingin sa kaniya. Johan looked so serious with every word he said. Parang handang-handa siyang depensahan si Jiro kahit ano'ng mangyari.

Napa-tsk na lang ulit si Hideo at seryosong tiningnan si Hideo. "Kung hindi siya, pwes sino? Sa 'yo na rin nanggaling, Johannes, marami kang alam. Paniguradong kilala mo rin kung sino ang killer. Sabihin mo na nang matapos na 'to!"

I looked at Johan, pero imbes na sumagot, he just scoffed and avoided everyone's gaze.

Hindi niya talaga sasabihin...

"Tangina talaga naman, oh." Marahas na napakamot si Hideo sa ulo niya. I'm scared that any moment now, he'll finally snap. Ayokong mas magkagulo pa sila.

"Johannes, please. Sabihin mo na. Hindi tayo makakaalis dito kung itatago mo pa ang mga alam mo. We'll just die over and over again," pakiusap ni Soren. I felt my fists clench at the desperation in his voice.

Lahat kami ay napatingin kay Johan, inaabangan na may lumabas na salita mula sa bibig niya. Pero tulad kanina, hindi niya kami pinansin. Mariin lang siyang pumikit at lumunok.

"He's not going to say anything. Tangina, Johannes. Napaka-selfish mo," sabi ni Hideo at mapait na tumawa.

"Hideo," saway sa kaniya ni Jiro. He looked so conflicted.

"Kung ayaw sabihin ni Johannes ang totoo, kayo na lang ang umamin." Itinuro ni Soren ang mga picture na nasa lamesa.

Natahimik na naman ang lahat. Pansin kong palipat-lipat ng tingin sa 'min si Hideo. Bigla siyang napabuga ng hangin bago lumapit sa mga litrato na para bang sinusuri ang mga ito. Kinuha niya ang isang picture at ipinakita ito sa 'min.

InfernumWhere stories live. Discover now