"Uhmm, okay lang naman po. Natanong nyo po."

"Oo eh, usually pag klase ko, lagi kang may sagot o tanong. Ngayon, ang tahimik mo."

"Hindi ko rin alam Sir. It's been like this mula palang kanina."

"Wala ka namang pinagdadaanang anything sensitive?"

"Wala naman po, yun nga po dahilan kung bakit di ko maintindihan. Wala naman po akong pinagdadaanan."

"Ahh, if you need someone to talk to, andito lang ako." sambit nya sabay akbay sa likod ko.

Bigla lang, out of nowhere, may nabuong tanong sa isip ko.

"Sir, ask ko lang kahit tapos na yung oras nang pag tatanong."

"Ayy tapos na ba, sige lang. Tanong mo lang."

"Meron kana ba Sir na experience na gusto mong gawin yung isang bagay pero hindi mo magawa?"

"Oh? Unique yung tanong mo ah." sagot nito sabay kagat sa tinapay.

"Uhm, to be honest, maraming beses na. Pero siguro if there's one that stands out. It's probably.."

"..when I first talk to my wife."

"First talk?" tanong ko.

"Oo. It was really hard for me."

"That time kase, yung asawa ko, he doesn't like to be with the people like me who likes philosophy. Baka daw kase pilosopohin ko lang sya araw araw."

"Ayy, mukang hindi nyo naman ginagawa." na natawa sya.

"Wait.." nanliit ang mata ko.

"..pinipilosopo mo asawa mo Sir?"

"Well, sometimes. Not so much."

"Kala ko lagi. I mean, mas normal yon kase minsan ako din, ganon."

"Hmm. It was hard for me nung umpisa dahil sa I might get rejected kase nga medyo kilala kami don dati. So agad agad, alam nya na kung philosophy student ako or hinde."

"So in short terms, baka maligwak agad ako kung lalapitan ko sya."

"Ahh ganon po ba? Eh naging kayo naman ngayon. May anak pa."

"Oo nga eh no? Hindi din ako makapaniwala kapag minsan napapaisip isip ako."

"Anong ginawa nyo Sir?"

"Ginawa ko?.."tanong ni Sir na napatigil din sya sa pag higop nya sa soft drinks nya.

"HAHAHA! Simple. I just used my own weakness as my strength."

"Weakness?"

"Hmm. Diba weakness ko yung pagiging philosophy student dahil ayaw nya don?"

"Opo."

"Then, I used my own learnings tungkol sa philosophy at in-apply ko. Using two words sa Pilipino."

"Ano yon Sir?" tanong ko na medyo napapataas na talaga ang kilay ko.

"Those two words?.."

"Bahala na."

After nang paguusap namin na yon ay maghapon kong dina digest ang sinabi ni Sir.

And in one blink of an eye.. Linggo na. Nagme-meeting na kami na pang Office Department.

Maya maya ay nabanggit ni Miss Jo ang oras nang Thanksgiving Event.

"I wonder anong oras duty ko?"

"Sana naman wag yung pang umaga, inaantok pako non eh."

Parang (Meadow)Where stories live. Discover now