Chapter 218: (F5) Reunited

Start from the beginning
                                        

"I can feel it.."

Napahagikgik muli ako.

"Ayyyy grabi, ang drama naman ng big baby nayan pft hahaha!"

Dumapa muli ako sa ibabaw nito at pilit sinilip ang mga mata nito.

"Yieh...tampo-tampuhan yarn? Gusto mo suyo?"Tanong ko while sinusundot-sundot na ang tagiliran nito.

I bit my lower lip ng di ito sumagot.

"Parang Yag pft! YAGKA?" Mas lalong pang-aasar ko kaya napanguso ito pero di muli kumibo.

'Suyo lang katapat nyan..'

"Gusto mo kiss?"

Pansin ko ang pagkagat nito sa labi bagaman nanatiling nakaharang ang braso nito sa mga mata.

"Ay ayaw mo siguro sige bala ka aalis nako—"

Napalaki nalang ang mga mata ko sa gulat ng bigla ako nitong kinabig sa batok at sinakop ng kanyang mga labi ang akin. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at tinugunan ito kasi baka umiyak lalo kawawa naman pft!

Matapos ng ilang minuto na pinagsaluhan namin ay nakangiti na ito pero halata parin ang pamumula ng gilid ng mga mata nito at pamumula ng ilong nito.

'Luh! Umiyak nga pft! Iyakin..'

"Thank you Love.."

Napairap ako.

"Sus! Daming drama mukhang di naman sakin nagmana si Baby Keia-Zyein, sayo ata eh..." Baling ko at umalis na sa ibabaw nito para icheck ang mga babies namin.

I just heard him chuckled.

"Good Morning babies.." Pagbati ko at isa-isa silang hinagkan sa noo bagaman mahimbing parin ang mga tulog nila.

'Masyado pa kasi silang babies kaya lagi lang tulog..'

"Happy Morning and Merry Christmas to all of you mga mahal ko...bukas na ang birthday ni Papa God..ano palang gustong gifts nang mga babies nayan?" Malambing na tanong ni Azhi at pinupog din ng halik ang mga babies nya.

"Mukha namang masasagot nila ang tanong mo.."Baling ko.

"Eh ang mommy anong gustong gifts? Babies ba ulit— Aw pft!!"

Hinampas ko kasi ito sa braso.

"Yan ang matatanggap mong gifts galing saakin.."Baling ko.

"Super mapanakit.." Bulong-bulong nito tsaka nag templa na ng milk para saakin.

________________________________________________

Nagkakasiyahan ang mga family, relatives and friends namin sa loob while kami naman together with the hearthrobs ay nandito sa rooftop.

[ F5 bonding muna daw kasi kasama ng mga asawa and babies..]

Dito narin kami manonood ng mga fireworks at magsasalubong ng Christmas..

"Kendra Zyuleigh Jeru, come here niece!"Pagtawag ni Azhi sa buong pangalan ng anak nina Jeru & Ate Zyu kaya lumapit sa direksyon namin ang isang napakagandang bata.

Niece tlga tawag nya sa bata since nakakatatandang kapatid na turing nya kay Ate Zyu though magpinsan lang sila.

"Tío!"

Kinarga ito ni Azhi at hinalikan sa pisngi.

"Hola Tía!" Kaway nito saakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Eres tan hermosa!" Baling ko at pinisil ang matambok nitong pisngi.

'Ang ganda nya kasi tlga!'

"Gracias Tía!" Nakangiting usal nito.

Book 3 Part 2: When those from two different world's destined to reunite Where stories live. Discover now