"Ahh teka, Zy. Nagbabasa kasi ako." Saka inalis ni Even yung kamay niya. Wahahaha!! Buti nga sayo.

"Ah Even, ano ba yang binabasa mo?" Tanong ko. Hihihi.

"The Perks of Being a Wallflower." Hmm. Fantasy? Wallflower? Ayy! Di ko gets.

"Wag mo na nga siyang tinatanong ng ganyan, Nona. Hindi mo naman alam yung binabasa niya eh! Hahahaha!" Pang-evil pa talaga ang tawa niya.

"Ikaw alam mo ba?" Huh!

"Hindi rin! Pero mahal pa din naman ako ni Even ko!" Pumulupot na naman siya kay Even! Lumapit ako at tinanggal yung kamay niya.

"Bitiwan mo nga si Even!"

"Hindi! Ikaw ang bumitiw, Nona!" Naghihilaan pa din kami ng biglang tumayo si Even. Napabitaw tuloy kami.

"Tama na nga. Lalabas na lang ako." Even..

"Ayan. Kasalanan mo to, Nona!"

"Anong ako? Ikaw kaya!"

"Tama na nga! Mag-aaway na naman kayo eh nakita niyo na ngang nilayasan na kayo ni Even." Si best friend. Siya laging nagpapatigil pag nag-aaway kami ni Zy. Yung away namin ni Zy? Sanay na kami. Lagi naman kaming ganito eh. Alam ni Even na crush namin siya. At forever kaming magkaribal. Haaayy. "Nona, halika." Sumama na lang ako sa kanya. Nagalit kaya si Even? "Alam ko na kung bakit ka masaya ngayon?" Kanina lang yon, hindi na ngayon. Si Even.

"Bakit?"

"Kasi 11/11/11 ngayon." Ngayon lang niya napagtanto? Pero wala na. Sira na araw ko. "Mamaya ka na makipag-away kay Zy dahil 10:55 na." Tinignan ko yung relo ko. Oo nga! Buti na lang sinabihan niya ako. Da best ka talaga, best friend!

Dahil sa kadahilanang magustuhan ako ni Even eh pati umaga nagwiwish ako. Basta mag-11:11 na. Ayan, game na. Pumikit ako at sinabi ang wish ko.

"Sana po magustuhan na niya ako. Please.." Nakapikit lang ako sa loob ng isang minuto. After that scene, pumasok na ulit sa loob si Even at nagklase na. Haaaayy. Natapos ang lunch break at uwian na. Hindi umiimik si Even. Galit kaya siya?

"Even! Sabay na tayong umuwi?" Pag-aaya ni Zy.

"Sige." Sakin ba siya galit? Haaaayy.

"Pabayaan mo na muna sila. Baka mag-away na naman kayo ni Zy pag sumingit ka pa." Tama. Hindi mun ako sasabay na umuwi sa kanya. Haaay. 11/11/11 pa naman ngayon.  Paano matutupad yung wish ko?! Kasalanan ko naman eh.

*The Next Day again*

*yaaaaaaaaaaaawn* Sarap matulog~ Sana di na galit sakin si Even. Teka! Galit nga ba siya? Ewan!! Anong oras na ba? 6am. Makaligo na nga.

Gumayak na ako at ready ng pumasok sa school. Pagdating ko sa school eh sinalubong agad ako ni Arbie.

"Good morning, my dear best friend!" Mukhang siya naman ang high ang energy ah? "Kamusta?"

"Eh? Parang di naman tayo nagkita kahapon. Good morning din!"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin." Eh? Ano? Binigyan niya ako ng 'alam-mo-na-look.' Pero ano ba yon talaga? "Ano kahapon, Nona Mendoza?"

"Thursday. Bakit? Ano bang meron?"

"Hayst. Yung date!" Nakalimutan ko na ata lahat ng dahil kay Even. Hahahaha!

"11/11/-----11...." 11/11/11 kahapon. Yung matagal ko ng date na hinihintay na dumating! Nakalimutan ko! "N-n-nakalimutan ko.... Hindi ako nakapagwish kagabi. Arbie, arbie!" Mangiyak ngiyak na ako. Ang tagal kong hinintay yun. Bakit kasi ang tanga tanga mo, Nona!? Nakakainis ka!!!

"Ssssshhh~ Wag ka ng umiyak. Hayaan mo na yun."

"Hindi pwede, Arbie. Once lang yun eh. Pinalampas ko pa." Dumating na yung teacher namin. Hindi naman nagklase kasi foundation day namin ngayon. Yep, November ang foundation day namin. Yun kasi yung birthday ng may-ari ng school. Hindi ako nakinig.. kahit pilitin kong makinig eh wala din naman.

"Tara." Lumapit pala sakin si Arbie.

"Saan?"

"Tss. Hindi ka nakikinig. Jail booth tayo." Ahhh.

Habang nasa jail booth hindi ako nanghuhuli. Ako lang yung nagbabantay. Walang wala ako sa mood eh. Nag-uusap naman si Even at Zy. Hindi naman daw siya galit. Pero... wala talaga ako sa mood ngayon. Nakatingin lang ako sa kawalan. Biglang may lumapit saking dalawang lalaki. Hindi ko sila kilala.

"Ms. Nona Mendoza?" Bakit kilala nila ako?

"Ako nga. Bakit?"

"Sumama ka po samin." Eh? Hindi pa ako nakaka-hindi pero dinala na nila ako sa hindi ko alam na lugar. Nilagyan nila ako ng blindfold eh.

May tumutugtog. Hindi ko alam kung ano yon. Hindi familiar sakin yung kanta eh. Inalis nila yung blindfold ko tas nakita ko sa harap ko si Even. For real?! Anong meron!!?

"Ms. Bride, upo na." Pinaupo nila ako tas katabi ko si Even. Ms. Bride?! Ikakasal ako kay Even?! Oo, alam ko fake marriage lang to pero.. ikakasal kami!!?

Nagpalitan kami ng singsing tas nagsagutan ng oo. Hindi ko pa din alam ang nangyayari pero nakikijoin na lang ako.

"You may now kiss the bride." Nilalapit na niya yung mukha niya sakin ng biglang..

"Noooooooooooo!!" Bigla bigla na lang may sumigaw at pagtingin ko si... Zy pala. Pinigilan naman siya ni Arbie at nagmouthed.

"Tuloy lang yan. Enjoy mo, best friend." Marunong akong bumasa ng ganyan eh!

"Okay, again. You may now kiss the bride." Ngayon ko lang napansin, kilala ko pala tong pari na to. Sa ibang section siya pero close sila ni Arbie. Palapit na naman ng palapit yung mukha niya. Hanggang sa nagkalapit yung pisngi namin.

"Hindi mo na kailangang magwish pa tuwing 11:11.. Matagal na kitang gusto." T-tama ba yung narinig ko? Parang kaming magkaakap. Magkadikit yung pisngi namin tas nakahawak siya sa balikat ko. Inilagay niya yung kanang kamay niya sa kaliwang pisngi ko at hinalikan niya yung kamay niya. Nakita ko naman si Arbie na nakangiti sakin.

"Ako nagsabi sa kanya nun." She mouthed again.

"I now pronounce you, husband and wife. Good day, Mr. and Mrs. Dela Rosa."

Nang malaman ni Zy ang lahat eh ayun.. nagwawala! Basta mahal pa din daw siya ni Even NIYA. Haha. Si Arbie pala nagbayad nung sa marriage booth. Tinawag daw yung pangalan ko pero tulala ako kaya di ko narinig.

Nakakatuwa. Hindi nga ako nakapagwish pero natupad pa din. Nagustuhan ko ni Even at nakasal pa kami. Kahit sa marriage booth lang.

Sabi na nga ba eh! Kami talaga bagay. Names palang namin eh!

THE END.

Once Upon a TimeWhere stories live. Discover now