Umiling-iling ako. Ano ba naman iniisip ko? Tumingin ako sa labas ng bintana at tiningnan ang madaming tao na dumadaan. Nakita ko sasakyan nina Lance at kumakaway sa akin sina Amara.

Napangiti ako at kumaway din sa kanila. Napatigil ako at tila hindi nakagalaw nang may napakalaking truck ngayon ang patungo sa direksyon nina Lance.

"Sophia!"

Kasabay ng pagsalpok ng truck sa sasakyan nina Lance at mahagip ang sasakyan namin. Sa bilis ng pangyayari nakita ko na lang ang sarili ko na nasa pagitan ng mga bisit ni Fabian.

"Ma-mamaa!"

Doon bumalik lahat ng senses ko at parang mga bultahe ng kuryente na tumusok sa bawat bahagi ng katawan ko ang sakit.

Narinig ko umingit si Fabian. Naiiyak na ginising ko si Fabian na agad naman nagising. May mga sugat ito sa braso at likod ng ulo.

"Oh my god!" sigaw ko at hindi ko alam paano hahawakan si Fabian na nanghihina na nakatingin sa akin.

"France! Vladimir!" sigaw ko at lumingon. Nakita ko na duguan ang mga anak ko at umiiyak si France na yakap si Vladimir.

"Oh my god! Tulungan niyo kami!" sigaw ko. Nakita ko sa labas ang mga tauhan ni Fabian na lumapit at agad na winasak ang pintuan.

"Umahin niyo ang mga bata bilis!"

Pilit ko kinakalas ang seatbelt ni Fabian habang yakap si Fabian. Bigla ako nanlamig after ma-realize na naka-lock iyon at ayaw maalis.

"Bumaba ka na— sasabog ang sasakyan."

Narinig ko nagsalita si Fabian at nakaaamoy ako ng gas. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at nanlamig.

Naramdaman ko na kumakawala sa akin si Fabian at sinasabi na mauna na ako sa labas.

"No! Sabay tayo lalabas dito!" sigaw ko. Nakita ko ang isa sa mga bodyguard na kinukuha si Fabian ngunit hindi nga din ng mga ito maalis ang seatbelt at masyado masikip ang sasakyan.

"Sasabog ang kotse!" sigaw nina Lance na nasa labas. Inalis ko ang seatbelt then hinalungkat ko ang bag ko tiningnan kung may magagamit ako para maputol ang seatbelt.

"Sonia! Lumabas ka na! Sasabog ang sasakyan!" sigaw ni Sophia mula sa labas ng sasakyan ngunit hindi ko sila pinansin.

"Hindi ko iiwan dito si Fabian!"

"Lumabas ka na Sonia!" sigaw ni Fabian at napaingit ito dahil doon. Napatingin ako at agad na hinila ang seatbelt ni Fabian. Umiiyak na sinabi ko na hindi ako aalis. Hindi ko iiwan doon si Fabian.

"Wala ako nagawa 'nong namatay ang parents ko! Hindi ako papayag pati ikaw kuhanin sa akin!" sigaw ko habang pilit na hinihila iyon. Naiiyak na sumigaw ako ng tulong.

"Mommy!" sigaw ni France na umiiyak. Humihikbi na sumigaw ako ng tulong.

"Sasabog ang sasakyan!"

"Tumabi kayo!"

Napatingin ako sa pinto ng driver seat after ko marinig boses ni Francis. May hawak ito ngayon na kutsilyo at agad na pinutol ang seatbelt. Winasak din nito iyong bahagi ng upuan ng driver seat at hinihila palabas si Fabian.

"Sonia!"

May nagbukas ng pinto ng passenger seat tapos may humila sa akin palabas. Nakita ko ang mga barkada ni Fabian na sina Mavis na kasalukuyang may mga hawak na fire extinguisher at pinapatay ang apoy.

Naiiyak na nilapitan ko si Fabian na buhat ni Francis. Nababalutan ng dugo si Fabian at maraming mga sugat.

"Nasaan na ang ambulansya!" sigaw ni Francis. Napaupo ako sa sahig at hindi ininda ang sugat ko sa tagiliran at siko. Ang anak ko at si Fabian.

The Billionaire's Ugly WifeWhere stories live. Discover now