chapter x v i : confrontation

16 2 0
                                    


[★★★]

It was now already two o' clock in the afternoon and kung tutuusin, wala na naman talaga kaming ginagawa.

Or at least, dapat ginagawa in the first place..

By next week kasi, it would already be our first academic break for this school year. Kaya lang, as luck would always have it, it is also in this last week of school days that professors tend to overload students with so much work, to the point na kulang na lang, mabaliw na nga lang kami.

And this week.. This week is no complete stranger to such common tradition.

Sobra--- ang dami-dami nilang pinapagawa at biglaang ibinababa na kahit technically, may pasok pa naman at dapat lang na mag-aral pa kami, hindi ba sobra-sobra naman kung i-take advantage nila 'yung sitwasyon?

Idagdag mo pa 'yung napakadaming ganap ngayon sa loob ng classroom--- isa pa si Xeno na pilit na lumalapit sa akin kahit nilalayuan ko na nga, sumasakit na lang talaga 'yung ulo ko.

Ever since that Thursday afternoon kasi na inihatid nga ako ni Xeno sa bahay namin, things had never been the same between the two of us. Honestly speaking--- I don't think things will ever be the same between the two of us ever again.

Every step I take ever since that day, I feel like I'm walking over thin ice. Lalo na kapag lumalapit siya sa amin ni Vaughnn ngayong klase, natatakot ako. I get this uncomfortable chill or shiver running down my spine, na thankfully, nanotice at talagang pinansin din naman ni Vaughnn kahit papaano.

Sa sobrang dami na lang talaga ng iniisip at pilit na pumapasok sa isipan ko kanina pa and at the current moment, it can't be helped--- my head can't help but to actually feel light already.

Pakiramdam ko, nabibinat na naman ata ako.

Pagkatapos namin sa isang group activity na pinagawa sa amin, dumeretso na nga ako sa upuan ko at ipinahinga muna ang sumasakit ko ng ulo sa ibabaw ng lamesa ko.

Kauupo at kapapahinga ko pa nga lang sa upuan ko ng may panibago na naman akong kaklase na tumatawag na agad sa pangalan ko.

"..Yurii! Pinapatawag tayo ni Primo!"

"May meeting daw sa labas para sa research! Ikaw na lang daw kulang.."

I sighed, hearing my name once more.

Kailan ba matatapos lahat ng 'to? Please lang, gustong-gusto ko na po talagang magpahinga..

Pinilit ko na nga lang ang katawan kong tumayo sa kinauupuan ko at dumeretso na palabas ng classroom. On my way, I can't help but notice Vaughnn's smiling gaze from quite some distance that was simply following me as I tiredly headed outside.

Kasama din kasi niya ang mga kagrupo niya. Also finishing their research that was already taking a lot of energy from all of us..

"..Yurii!"

Bungad na sigaw naman sa akin ng isa ko pang kaibigang si Mel pagkasalubong ng mga mata namin sa labas.

"Bakit ba ang tagal-tagal mong lumabas? Kanina pa tayo hinahanap ng leader natin.."

Pabulong na sigaw nito sa akin, bago kaagaran yakapin ang braso ko, dragging me sa lugar kung saan nga nagaganap ang pagmemeeting namin.

"Tumabi ka na kay Xeno. Bilisan mo. Parang may ipapagawa pa ata sa inyong dalawa si Primo.."

"..A- Ano? Teka--

Marahan akong itinulak ni Mel sa direksyon kung nasasaan si Xeno. Hindi na ako nakapagreklamo pa. Kung naririto lang si Vaughnn, for sure, hindi na ako patatabihin pa noon sa tabi ni Xeno.

Umaasa (Ba Sa Wala?)Where stories live. Discover now