prologue

189 8 0
                                    


"And..print!"

"..Hayss, sa wakas! Natapos na din natin 'tong bwiset na revision na 'to..."

Naupo ako sa aking kama matapos pindutin ang "Print" button sa aking laptop. Sa wakas, after ng ilang linggong stress na idinulot sa amin ng research paper na 'to, tapos na din ang lahat. Nilingon ko ang nakahiga ngayong si Vaughnn. Kahit nakangiti ito, bakas na sa mga mata nito ang pagod. Tinatapik-tapik nito ang kama ko, habang nakangiting nakatitig naman sa mga mata ko. Nagmadali na ako sa paghiga sa tabi nito, wrapping my arms around his waist as he did the same towards me.

"..Pagod na ang Vanvan ko?~" Nakanguso kong tanong dito.

With a smile plastered on his face, sumagot naman si Vaughnn ng isang pagtango. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Iniwanan ko ng isang malambot na halik ang pisngi nito.

“Iglip ka na.”

“Gisingin na lang kita mamaya after maprint na yung buong research natin..”

“..Kanina ka pa nagawa, sa school pa lang…” Pag-aalala ko dito.

Nakapikit na ang mga mata ni Vaughnn ng pagkakataon ding iyon. Halatang-halata na ang pagod sa katawan nito. Paano ba naman, madaling araw pa lang, inaasikaso na din niya ang partnered-research paper namin. Ngunit, habang iniiling-iling ang ulo nito, nanatili naman ang malambot na ngiti nito sa kaniyang mga labi. Lalo ding humigpit ang pagkakayakap nito sa akin.

"..Ayoko. Gusto lang kitang makayakap~~"

"Gaganahan na ulit ako, huwag kang mag-alala.."

"Need ko lang talaga ng..yakap mo para ma-recharge ulit ako~"

I can't help but to softly giggle sa clingyness na ibinibuhos sa akin ni Vaughnn. Kanina pa talaga siya ganiyan. Sobrang dikit sa akin na akala mong ayaw na nga akong pakawalan.

"Mahal..?" Mahinahon kong pagtawag dito.

"..Yes po, misis ko?~"

"Be honest with me nga.." Seryoso kong pagkakatanong kay Vaughnn. "Is everything..alright?"

I felt Vaughnn's relaxed body stiffening on the spot then and there. It was as if may nadiskubre 'yung tanong kong bagay na hindi niya pa nasasabi sa akin. Sitwasyon na pinagdaraanan na naman niya na hindi niya pa kinukwento sa akin. Napatingala ako upang tignan ang ekspresyon sa mukha niya. Agad naman itong nagbago mula sa isang malambot na ngiti, sa isang tuwid na linya ng kaniyang mga labi.

"..Mahal?"

"Mahal, okay ka lang ba? Masyado ka lang kasing nagiging malambing lately.."

"Kinakabahan ako, mamaya..may kung ano na palang bagay ang bumabagabag sa--

Bago ko pa matapos ang pahayag ko, niyakap na ako ni Vaughnn ng pagkahigpit. Burying his face deep against my neck, he tightened his embrace around my waist. Sa kilos pa lamang niya, halatang-halata ko na na may mali. He was obviously going through something na hindi niya pa sinasabi sa akin.

"Mahal.."

"..Let's stay like this forever, Yurii.."

My heart immediately softened upon hearing his words. Hindi lang ang katawan niya, ngunit pati na rin ang boses niya, halatang pagod na pagod na. I can't help but feel unease. He is going through something. Whatever that something is, it is already draining the hell out of him. Niyakap ko ng mahigpit pabalik si Vaughnn, bago haplos-haplusin ng marahan ang kaniyang likod.

"We are..staying like this forever, Vaughnn~"

"Tell me, is something bothering you again? May gusto ka bang sabihin, or..ikwento man lang sa akin?" Malambot kong pagkakatanong dito.

Nagtagal ang katahimikan sa pagitan namin ni Vaughnn, his face just buried against my neck. His breathing against my skin was calming as I could slightly feel his heart beating against my chest. I hate this version of him the most. Yung tahimik, walang kagana-gana, pero nakangiting mga labi niya, na nagsasaad naman ng ibang kwento sa loob. He was obviously not okay. My Vanvan was obviously not feeling well.

"..Vaughnn?"

"My parents wants me to study abroad, Yurii.."

"..College. At the States..."

Umaasa (Ba Sa Wala?)Where stories live. Discover now