chapter v : kissing scene

53 5 1
                                    


[★★★]

"..Hmm, okay ka lang ba? May bumabagabag nanaman ba sayo?" Concerned na tanong ni Vaughnn habang nakatitig sa aking mga mata, naka-upo sa may tabihan ko.

"I already told you, haven't I? Whenever may problemang gumugulo sa iyo, I'm just here, pwede mo kong kwentuhan. Tignan mo, lapad-lapad ng balikat ko para iyakan mo, ohh?"

"..Grabe ba, ang hirap magpigil ng tawa sa'yo, kairita.." Tawa ko sa kaniya bago sumubo ng baon kong kanin, breaking off his character.

"Eto naman ehh! On character na nga yung tao.. Mabulunan ka sana dyan." Bawi niya sa akin habang hawak-hawak ang papel ng pinapractice niyang script, ako naman na tawa ng tawa lang sa gilid.

"Hoyy, bad yan.. Bawiin mo yan. 'Pag ako ba nabulunan talaga, pananagutan mo ko?" Asar ko sa kaniya as he just rolled his eyes sa akin, letting out his sassy side.

"Fine, eto na, seryosong usapan.. Kanina mo pa pinapractice yang line na yan, saan ka ba nahihirapan dyan?" Tanong ko sa kaniya bago kuhanin ang hawak niyang script.

"Kumain ka na muna bago mo yan intindihin. Marami-rami pa naman tayong oras bago yung practice ehh.."

"Tapos na po akong kumain, okay? 'Di mo ba kitang naligpit ko na nga yung pinagkainan ko?" Sagot ko sa kaniya, hawak-hawak pa rin ang kopya niyang script.

"Magpractice nga tayo ng lines mo. 'Di pa ako masyadong confident dyan sa pagdeliver mo ng lines mo ehh.." Banggit ko sa kaniya, forming this confused expression on his face.

"Ano ba 'tong tawag mo sa ginagawa ko? Kaya nga 'ko nagpapractice, diba?"

"Hindi..I mean, magpractice tayo.."

"Pag-praktisan mo ko ng mga lines mo?"

"Ano?"

"..Hayss, ang slow mo talagang umintindi, nohh? Ako na nga nag-ooffer ng help sa'yo ehh.." Banat ko sa kaniya bago agad-agad iwasan ang kaniyang mga titig, after realizing how random I must have sounded with the words I've just said.

"Huwag na nga, balik ka na dyan sa pagpapractice mo." I pouted as a response as I offered him back his script na for some reason, tinitigan lang naman niya, a smile curved in his lips as his gaze then went to mine.

"Bakit mo naman ngayon binabalik? Akala ko ba 'pag-papraktisan' kita?"

"Ahh, gusto mo ba? ..Sige. Sabi mo ehh.."

"..Yan ka nanaman sa paganyan mo.." Bulong niya sa kaniyang sarili as I take a hold back of the script, flipping through its pages.

"Ano bang scene gusto mong praktisin?" Inosente kong tanong sa kaniya, waiting for a respond.

"Uhmm..ano ba? Ahh, yung scene 28." Ngiti niya sa akin bago ko naman kaagad hinanap ang scene na tinutukoy niya, my eyes widening after realizing what scene it was.

"Scene 28..? Yung m- may kissing scene?"

"Mh-mm. Bakit? Wala namang malisya dun if papraktisin natin siya, 'di ba?" Sagot niya sa aking parang wala lang talaga sa kaniya, leaving this confused look on my face.

..Malisya..?

..Oo nga naman. Bakit magkakaroon ng malisya?

..Magkaibigan lang naman kami ehh, I'm sure wala naman malisya if gagawin namin yun, 'di ba..?

"..Oo. Sye- syempre naman wala. 'Di lang kasi ako sanay sa mga ganito ehh, pagpasenyahan mo na.." Sagot ko sa kaniya, looking back down on his script. "Ano? Let's start na? You go first."

Umaasa (Ba Sa Wala?)Where stories live. Discover now