CHAPTER 11

3 0 0
                                    

Sasakay ba ako o hindi?


Sasakay ba ako o hindi?


Sasakay ba ako o hindi?


Tumingin ako sa kaliwat kanan ko. Hayst mukhang no choice na talaga ako. Wala na akong nagawa at sumakay na nga ako.


Sayang naman baka abutin pa ako ng gabi dito kakahintay ng taxi. Ang awkward ng atmosphere dito sa loob ng kotse nya ha. Tsaka isa pa, bakit hindi sya nagsasalita?


"Where are you going?" Sa wakas, akala ko nahimatay na sya sa ganda ko. "Ah, sa kaibigan ko lang, birthday kasi ng kapatid nya." Tumango lang sya at ituro ang daan patungo sa plastic kong kaibigan.


"Eh ikaw? Saan ka pala pupunta? Baka may importante kang dadaluhan ha tapos mala-late ka dahil hinatid mo pa ako." Mahaba kong sabi. Totoo naman talaga! Baka mag da-date sila ng girlfriend nya tapos may pahatid-hatid pa syang nalalaman.


He chuckled. "I was about to go home after checking something, and nagkataon na nakita kita sa daan kaya.." sabay taas ng dalawa nyang balikat.


Tumango lang ako. Hindi ko na nagawang magsalita hangang makarating ako kila Mel, ganoon rin sya.


Pagkababa ko ng sasakyan nya ay nagpaalam ako sa kanya. "Huhu thankyou so much Caden sa paghatid, ingat ka pauwi!" Sabay kaway ng mga kamay ko.


"You're welcome Chen, enjoy!" He smiled, habang patuloy itong lumalayo ay mas lalong lumiliit sa paningin ko ang kanyang sasakyan.


"Hoy!" Nilingon ko ang sino mang tumawag sa akin. Ay plastic! "Hoy din!" Sigaw ko pabalik sa kanya.


Pinandilatan nya ako ng mata. "Tara na! Hinihintay kana ni Micko!" Hinila na nya ako papasok sa kanila.


Pagpasok ko ay nakita ko kaagad ang magara nilang chandelier, mga pader palang ay alam mo na talagang marangya ang kanilang pamilya.


Melissa grow up with a silver spoon in her mouth. Habang ako naman ay mahirap pa sa daga. Kaya naman, hindi maiwasan ang mga sabi-sabi na kaya ko lang kinaibigan si Mel dahil sa pera nya. Ang hindi nila alam ay siya mismo ang nagmakaawa na maging kaibigan ako.


"Ahhh hahahaha! Akin na nga yan!" Tumingin ako sa mga batang naglalaro, nakita ko naman ang isang batang babae na umiiyak habang inaabot ang isang manika.


Nandito lang ako sa loob ng classroom dahil ayokong maglaro, wala naman kasi akong kaibigan. "Huhuhu! Akin na yan! Sumbong ko kayo kay daddy!" Patuloy parin sa pag-iyak ang batang babae.


Ang ingay naman nito! Patuloy din sa pang-aasar ang ibang mga bata. Lumabas na ako sa room at hinarap sila.  Hindi ko na kaya ang ingay.


"Ibigay nyo yan!" Sigaw ko. Napalingon naman sila sa akin.


"Hala, lumabas sya?"  Hindi ako lumalabas kapag P.E time namin.


"Patay! Baka ipakulam tayo nyan!"  Ang akala nila ay mangkukulam ang nanay ko.


"Bigay mo na yan!" 


At sabay sabay silang tumakbo. Pfft mga duwag naman pala eh. Tinignan ko ang babae, dugyot ito at puno ng sipon ang mukha.


Tinulungan ko syang tumayo at pinagpag ang palda nya. "T-thankyou! You are scary ha! You look like a superhero kanina! Ikaw ba si bubbles sa powerpuff girls! Alam mo kasi-- where are you punta na!" Iniwan ko na sya doon, sana pala hindi ko nalang sya tinulungan dahil mas umingay pa ng todo ang sitwasyon ko.


"Let's be friends! Can we right? Ahihihihi." Hanggang sa hindi na nya ako tinigilan mag pa hanggang ngayon.








A/N:
I apologize for the very late update. I've been busy since final exam na namin. I hope you'll understand! Goodluck din sa mga may exam diyan! Love you guys ‼️‼️

Irresistible Mr. Linneus Where stories live. Discover now