CHAPTER 8

7 1 0
                                    

Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa cafeteria ay hindi na niya ako tinigilan. Parati ko syang nakikita sa loob ng campus, sa cafeteria, sa hallway, at sa lahat ng lugar na pwedeng daanan.

At kung hindi sya satisfied sa kindat lang ay lumalapit sya sa akin at kinukulit ako. Kaya nang makita ko sya sa hallway ay nagtago ako sa likod ni Melissa. Kahit naguguluhan sya ay hinayaan nya lang ako.

"Bakit ka nagtatago dyan Chen!?" Dahil sa laki ng bibig nya ay napalingon ang putakte sa amin. Hindi nya maitago ang ngisi nya dahil sa nakita na naman niya ako. Tatawagin ko na sana si Mel para umalis na kami pero wala akong makita na plastic. Putangina nasaan ang babaeng yon? Kainis!!

Arghh! Here we go again! "Have you decided? Will you kiss me now?" Hindi ko na mabilang kung ilang beses na nya binanggit ang mga salita na yan.

"Fuck off Ash, ano ba talagang kailangan mo? Hindi mo ba ako tatantanan?" Naiinip na ako sa kanya, baka maya maya ay sasabog na ako. "Pera ba ang kailangan mo? Or kailangan mo ng babaeng birhen na iaalay--"

"I don't need anything, I just want you." Imbes na kiligin ay nandiri ako. Ipinakita ko talaga sa kanya na nandidiri ako. Kaya naman ang lalaking kaharap ko ngayon ay nakakunot ang noo.

Inamoy-amoy pa nya ang kaniyang sarili. Sunod naman ay ang kanyang bibig, at dumapo ang mga kamay nya sa kanyang mukha upang damdamin kung may dumi ba.

"Why are you looking at me like that?" HAHAHAHAHA bahala ka dyan. Hindi ko na sya pinansin at umalis na.

"Hey! You won't answer me?" Sigaw nya.

"Baby!" Sigaw nya ulit noong hindi ako nakinig.

"Love!" Hindi ako lumingon.

"Tell me if you wanna kiss me, okay!" Sa lakas ng sigaw nya ay napatingin na ang ilang mga studyante sa amin. Kaya dinalian ko nalang ang lakad ko.

Lakad lang ako nang lakad hanggang sa nabunggo ako sa isang pamilyar na babae. Omgg!! "Jessa? Ikaw ba yan?" Ang laki ng pinagbago nya, nag America lang gumanda na?

"Chen! Na miss kita!" Hindi sya nagdalawang isip at niyakap ako. Pagkatapos naming mag moment ay tinulungan ko syang pulutin ang nahulog niyang mga gamit.

Siguradong matutuwa si Melissa nito kapag nalaman niyang nandito na si Jessa!


"Mel!" Wala silang klase kaya pumasok na nalang kami sa room nila. "Jess?!? Hala akala ko patay kana!" Nagyakapan sila.

"Tumahimik ka nga Mel, wala ka paring pinagbago, malaki parin bunganga mo." Tumawa nalang ako sa sinabi ni Jessa at nakisabay rin sya. Ano ka ngayon Mel, dalawa na kaming mang b-bully sayo.

"Kailan kapa nakauwi Jess?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa isang tindahan ng siomai.

"Kahapon lang, na miss ko kasi kayo kaya dito agad ang unang punta ko!" Iba rin tong babae na to, mabuti't hindi sya napagod.

Kumakain kami ng may bigla akong napansin. "Chen? Saan ka pupunta?" Takang tanong noong dalawa pero hindi ko na pinansin.

Hindi ko na alam kung nasaan na ako, hindi ko na rin makita ang mga nagtitinda ng street foods. Dinala ako ng mga paa ko sa isang sulok na lugar. Bakit naman kaya sya pupunta dito?


"Mmhmm.." Tumigil ako sa paglalakad ng may kakaiba akong narinig. Please lang lord, wag mong sabihin na si Ash na naman to?


Naisipan kong magbilang muna ng tatlo bago sumilip.

Isa...


Dalawa..

Tatlo!!


Agad akong bumalik sa kinatatayuan ko. I saw two people kissing again, it's the same girl. But it's not the same guy.

Bumilis ang tibok ng puso ko. All of a sudden I felt a sting in my heart. Sa lahat ng lalaki, b-bakit siya?

Si Caden ba talaga ang nakita ko?










A/N:
Request granted jeshanggchen

Irresistible Mr. Linneus Where stories live. Discover now