Chapter 12 - Eyes On

Start from the beginning
                                    

Napatawa si Ace. "Don't worry, hindi kita gagambalain ngayong araw."

"Hind ka dito pupunta? Kina Mommy ako natulog kagabi. Nagkasabay kami ng alis ni Tita Alice sa subdivision. Nang batiin ko'y nagtaka siya. Ang paalam mo raw ay pa-Alabang ka, e naro'n naman daw pala ako."

"May ibang lakad ako."

"Tsk! Hindi ka na talaga nagbago. Ginamit mo na naman akong palusot sa mommy mo."

"Hindi ko ginamit ang pangalan mo, Danie. Ang sabi ko kay Mommy, may sasadyain ako sa Alabang. Depende sa mangyayari, pwedeng umuwi ako sa bahay, pero mas malamang na dumeretso ako sa Siniloan."

"Nasa farm ka? Gago 'to! Wala kang pasabi! 'Di ba't sabi ko'y gusto ko ulit sumama d'yan? Presko. Ganda ng view sa ibabaw ng bundok. Kita pa 'yong windmill sa Pililia. The best ang sunset."

Napangiti si Ace nang luminga si El pagdating sa ikalawang palapag ng commercial space. Nang magsalubong ang paningin niya ay itinuro niya ang cellphone sa tenga. Tumango si El saka muling ibinalik ang atensiyon sa dalawang lalaking kasunod nitong umakyat.

"Hindi pa sigurado kung matutuloy ang plano kong pagpasyal do'n. Pero kung sakali mang matuloy, 'wag ka nang umasa. Hindi na kita isasama ulit. Ayaw kong marindi sa walang katapusang reklamo mo."

"Ipaayos mo na kasi 'yong yumuyugyog na tulay do'n. Tagal ko nang sinabi 'yon, hanggang ngayon, 'di pa ayos."

Napailing si Ace. May ilog sa bandang dulo ng property niya. Madamo iyon noong nabili niya. Ipinalinis at ipinaayos niya ang ilang bahagi niyon. Isa na iyon sa mga ipinagmamalaki niyang spot at madalas din na tambayan basta't nasa farm. Para mabilis makatawid sa ilog, nagpalagay siya ng hanging bridge na siyang inirereklamo ng kababata.

"Part ng charm ng farm ko ang hanging bridge na 'yon, Danie."

"Charm? Nasa'n ang charm do'n sa tuwing humahakbang ka'y yumuyugyog ang inaapakan mo? Buti't hindi nagrereklamo sina Tita Alice na gano'n ang tulay do'n. Napakadelikado."

"Hindi. Nag-eenjoy sila ro'n. Ikaw pa lang ang nakasama kong nagreklamo do'n. Mamaton-maton, hangin bridge lang naman ang katapat mo," tudyo ni Ace. Pero tingin niya'y kakailanganin na talaga niyang ire-enforce ang tulay na iyon. Tiyak na mas madalas na itong mangagamit ngayon, lalo na't iyon ang pinakamabilis na access papunta sa tatlong ektaryang lupang kabibili lang niya limang buwan na ang nakararaan.

"'Tang 'nang 'to. Yabang mo, ah. Oras na magkaharap ulit tayo'y patitikimin kita ng kamao at talampakan ko."

"Pass, Danie. Hindi ako ubrang sparring partner ngayon. May ibang priority akong ma-accomplish bago matapos ang bakasyon ko." Liban sa tattoo shop ni Danie ay gym ang isa pang madalas na pagpalipasan nila ng oras.

"Kung tapos na 'yong ipinapagawa mo sa farm, siguradong babae ang tinutukoy mo." Hindi man kita ay nai-imagine niya ang mukha ng kaibigan.

Ace grinned. Mula sa kinatatayuan ay tanaw pa rin naman niya ang lugar kung saan nag-uusap ang mga kasama niya. Hawak pa rin ni El ang blueprint, pero ang atensiyon nito ay nakapako sa nakatatandang De Leon.

"Tsk. Ihahanda ko na ba ulit ang sarili ko na pagkalipas ng ilang buwan, kakailanganin mo na naman ang tulong ko para idispatsa ang babaeng kinakalantari mo?"

"Nah. She's different, Danie," Ace uttered, never letting his sight wander from the lady who'd been a constant part of his dreams, even when he's awake.

"Different, my ass! Ilang beses ko nang narinig ang salitang 'yan sa 'yo, Ace," sarcastic na sagot ni Danielle.

"Not this time. She's really special, Danie," he solemnly uttered.

MISSION 4: Pleasing YouWhere stories live. Discover now