Namangha ako kaya naman ay tinitigan ko siya nang medyo matagal.

How can...Gideon not like her?

"Wow. You're so beautiful, girl!" she then hugged me, her eyes were a little wide and almost starstruck at the sight.

Tinigil ko ang nababanaag na tanong na isip. Ayaw kong...mag-isip ng kahit ano tungkol sa bagay na iyon.

Sinuway ko siya dahil napupuno na ang dibdib ko ng magagandang mga salita niya.

Hinayaan ko siyang yumapos sa bewang ko.

At least I can see that she's happy... That's enough for me.

"You look expensive too, Navy." I smiled softly at her.

She smiled sweetly and took her phone out to take us a picture. Sumali si Luvieña at nasa gitna nila akong dalawa. Nang matapos ay kaniya kaniya na kaming puwesto. Si Luviena sa likuran ko, at sa harap ko si Navy.

I looked behind Luvy and there is Herrieta!

We are already chatting random things about our preparations, when Herrieta went to us, lightly pouting her lips.

Lumapit siya sa akin at biglang yumakap. Mahigpit iyon. Natawa ako nang bahagya at hindi napigilang yakapin siya pabalik.

She didn't say anything after a while.

Navy and Luvieña took picture of us. I don't think I had good shots sa mga naunang pictures pero hindi na ako nagreklamo.

"Ganda mo," Herrieta whispered.

Ngumiti ako sa kaniya. I missed her so much! Akala ko hindi kami magkikibuan ngayon. Akala ko may tampo pa rin siya sa akin hanggang ngayon!

"So are you. Ganda mo naman palagi, e," ngiti ko lalo sa kaniya.

Nagsimula ang programme. The entrance and cotillon are one of the solemn parts of the program na nakaka-excite para sa lahat.

We blended in to the crowd. I can feel the exuding confidence and vibrance radiating through their smiles and solemn walks gracing towards the center for a dance.

I am all smiles. Hindi ako sanay sa mga ganitong okasyon, but I really have to pose and be the sweetest girl this afternoon. Kahit nakakamgalay na ang heels na suot ko. Kailangan ko tuloy maupo muna para hilutin ang mga sakong ko.

My friends are now in the center of the sport's complex, dancing with some our boy classmates, and their friends. Tapos nang ma-serve ang pagkain at hindi ko pa iyon nagagalaw dahil hindi naman ako nagugutom pa.

Marami pang humalo sa gitna at mas lalong naging malumanay ang musika. The music is solemn, and every graceful and gentle sways, mas lalo kong nararamdaman ang pagbabago ng pintig ng puso ko.

Something's heavy inside me that I couldn't name. My heart is calm, but a little heavy and a little weary...

Nanatili akong nakaupo at tahimik, nakangiti sa mga taong sumasayaw nang payapa sa harap ko. Tinatawag ako pero panay ang pag-iling ko. Ayaw kong sumayaw, kahit sana ay ini-enjoy ko ang pagkakataon na ito.

Hanggang sa may lumapit na kaklase kong lalaki sa akin para ayain akong sumayaw.

It's Hugo. Natawa ako kasi nakangisi siyang nakatayo sa harap ko.

"Shall we dance, Philo?" he asked comfortably.

Nilingon ko si Herrieta. Sumasayaw siya at kapares niya si Earl. Hindi ba sila magsasayaw na dalawa?

Ako ang isasayaw niya? He wouldn't dance with his bestfriend?

Naisip kong itanong iyon pero pinigilan ko lamang sa pamamagitan ng pagnguso.

Touch Of HeartsWhere stories live. Discover now