Kabanata 2

29 3 0
                                    

Ruined

Lutang akong naglalakad sa pasilyo patungong library. Nakasunod lamang sa kanila. Inayos kong mabuti ang hawak kong papel na ngayon ay inilagay ko na pabalik sa isang expanded envelope. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapakali, kinakabahan at ngayon ay gusto ko na lamang umatras. Not that I decided this. This is so unplanned. At kung hindi lang nakita ni Navy ito, hindi niya malalaman. I shouldn't have to do this. Hindi ko talaga inaasahan, na sa dami ng panahon naman na maipalam ito, ngayon pa. How can I even sleep soundly after this?

I feel my hands lowkey sweating. Nasa pintuan na kami ng library, nang lingunin ako ni Navy. Matagumpay ang ngiti niya sa labi. Walang mintis ang tuwa, namumula at eksaherada ang pagtaas-baba ng kaniyang kilay. I can't react. I am too nervous to even entertain that.

"Can you just give it, Herrieta," mariing bulong ko sa aking katabi. I wanted to kurot her but I am aftaid she'll scream right here, right now.

This is a library.

"You give it," she chuckled. Handa na akong itulak sa loob.

I glared at her. I know exactly how teased I am right now.

I know that she's been watching me the whole time, at ngayon na pinansin ko siya, hindi na niya napigilan ang mapaglarong ngiti sa labi niya. Isa pa ito. I was expecting that she'd atleast cover me up on this, pero hindi naman pala maaasahan din ang isang ito!

Not that she promised me it will remain a secret between the two of us. Hindi nga naman 'yan nangako. Pero kahit na! They're just so into it. Kapag talaga kaibigan mo, sila pa unang maglalaglag sa iyo sa mga taong gusto mo.

These witches!

"You know that I can't," giit ko ulit.

Pang-ilan na ba 'to.

Tapos nang mag-log in sina Navy sa attendance sheet. Nasa loob na sila at ako'y nasa labas pa rin. Luvieña suddenly whispered something to Navy. Tumaas ang kilay nilang pareho at walang anu-ano'y hinila na ako sa loob. We're all silent even when I wanted so much to curse right now. Pinigilan ko lamang dahil nakakahiya sa mga estudyanteng nasa loob.

"Doon tayo. Nandoon sila..." Sabay turo sa puwesto kung nasaan nga sina Ream... and that rude guy.

Oh, nandito nga siya. Tama ako.

Seryosong-seryoso sila sa kanilang binabasa. Masyadong naka-pokus na kung susubukan mong istorbohin, alam mong masisinghalan ka.

That made me a little nervous. I know Ream is a nice guy. Sa ilang beses ko siyang nasubaybayan sa escuelahan, I saw that he's really nice and approaching. Kaya wala ring problema sa kaniya bilang SSG President ng campus dahil responsable rin siya at nakakausap ng lahat. Pero kailanman ay hindi ko pa siya nakakausap. Kung papalarin, ngayon ang pagkakataon.

See, Phil! You're gonna give him that calligraphy? For god's sake, sana man lang naghanda ka ng iba pang ibibigay bukod sa calligraphy na 'yan! I looked at the envelope. That's when I realized, hindi na maganda ang papel dahil pinag-agawan namin iyon ni Navy kanina, kaya medyo nagusot na.

Oh, just wow. Nakakahiya nang ibigay ito! I feel my cheeks burned at the thought of it. I immediately hid it sa kahihiyan, and when I realized na hindi na maganda kung ibibigay ko ito na ganito ang hitsura.

"They're busy...Huwag na nating istorbohin, Navy." sa pinakamahinang bulong, sa kahihiyan sa mga iniisip. We're just meters apart from them, at kahit nag-uumpukan kaming apat dito, hindi nila kami napapansin. Ganoon sila ka-focus.

"Ano ka ba! This is your chance, Phil!"

Sumimangot ako.

Hindi ko talaga kaya. Para akong lulupasay dahil hindi ko na maramdaman ang mga binti ko. I know, it's nothing really big deal. We're just meeting Ream, at hindi dapat ganito ang reaksiyon ko, ngunit dulot ng katotohanang hindi ako sanay at hindi ko ito kailanman naisipan na magpakita at magpakilala, mas nadaragdagan lamang ang takot at hiya.

Touch Of HeartsWhere stories live. Discover now