Kabanata 3

22 3 1
                                    

Annoying

It was so embarassing. Wala akong ibang maramdamang kun'di iyon lamang.

Hindi ko alam kung paano pa ako magre-react ngayon, pagkatapos kong marinig iyon. Marahan kong ibinaba ang mga kamay sa aking kandungan, para lamang pakiramdaman iyon. Maaaring sa kaba, sa gulat, at sa nararamdaman kong kurot sa dibdib, matindi ang panlalamig at panginginig ng mga daliri ko.

Ito ang unang beses na pakiramdam ko ay na-reject ang pinaghirapan ko. Pero hindi naman ako magrereklamo sa kinahinatnan nito. Naiintindihan ko kung hindi niya tatanggapin, at naiintindihan ko rin kung hindi niya rin tinanggap ang mga iniwan ko sa locker niya.

"Mauuna na kami, Miss." He bowed slightly.

I still managed to smile at him, although it got me so affected. Hindi ko na lamang in-entertain muna ang sariling nararamdaman, dahil ayaw kong ipakitang naapektuhan ako no'n.

"It's nice meeting you, by the way," he added. His eyes were a bit distant now, but he still did smile at me.

"Thanks," marahang sambit ko.

Bahagya na akong nag-iwas ng tingin nang mapansin ang awa sa mga mata niya. His eyes were expressive enough, for me not to see the worry and pity in it. Hindi ko naman kailangan ng awa. Nangyari lang din naman ito, kaya naiintindihan ko. Not that I expected for anything of it. It was truly unexpected, and the fact that I didn't plan to even encounter this, makes the information not to dawn fast in me.

Alam kong apektado maging ang mga kaibigan ko. They were all literally dead silent after that. Wala ni isang nag-ingay. Salamat din, dahil kung mag-iingay man sila, baka unti unti ay sasabog ako. Iniiwasan ko iyon, kaya sana ay manatili na lamang muna silang tahimik habang pinoproseso ko pa ang lahat ng iyon.

I just got indirectly rejected. My efforts were seem rejected. I am acknowledging what happened, and I don't have anything to do but really understand that. Alam ko rin ang nagawa ko. Kahit man sabihin kong hindi ko inaasahan ang lahat, may parte sa akin na kahit paano sana, naisip ko man lang na puwedeng umabot sa puntong ito. Dapat nakapaghanda man lang ako.

Na hindi habangbuhay ay mananatiling lihim ang paghanga ko sa kaniya.

"Hayaan mo na 'yon. Dami namang puwedeng gawing crush, e." Herrieta soothed. Then proceeded on enumerating names of men from our batch.

Days have passed, at hindi na ako gumawa ulit ng kahit ano para sa kaniya. Lahat din ng mga iniwan ko sa locker niya, wala na roon noong huling beses kong puntahan. Maaaring iyon na ang kasagutan at magtutuldok sa lahat ng lihim na inhibisyon ko. That this is the total rejection I do not have to hear directly.

Kaya noong minsan ko siyang makasalubong sa faculty area, hindi ko siya binati man lang. I had the urge to greet, but what happened just affected me so much that I can't let myself ignore the slight pain.

I got a crush on him for almost a year now. Malimit ko siyang sinusubaybayan. I am hideously supporting his projects in our school, dahilan kung bakit mas humanga ako. Ngunit pagkatapos ng nangyari, naramdaman kong may pagbabago na. Hindi ko na ulit siya sinubaybayan. Unti-unti akong nawalan ng interes. Siguro dahil hindi ako iyong taong ipipilit ang sarili. That I know where I stand. I clearly know my worth.

Once I got rejected, I try no more.

Iyon ang tinatak ko sa aking isipan pagkatapos ng nangyari. Kasi ganoon pagdating sa ganitong sirkumstansiya. Hindi dapat sumubok lamang sa iisang tao. Hindi puwedeng umikot na lamang ang atensiyon mo sa iisang tao, lalo na kung walang magandang dulot ito.

"Minsan lang. Pero ngayon yata sila mag-su-substitute, dahil wala pa rin si Ma'am," dinig kong paliwanag ni Herrieta sa kausap.

Natanaw ko ang pagkaway ni Navy sa akin. I know where she's been. Matagal bago ko inilihis ang titig sa kaniya.

Touch Of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon