Sandali ko namang pinaupo si jared sa sala,
Agad naman akung pumasok sa kwarto upang magbihis,

Agad din naman akung lumabas ng kwarto upang balikan si jared, sakto din ang paglabas ni kuya mac sa kusina,

O bunso anjan kana pala, sino pala yang bisita mo? - pagtatanung ni kuya mac,

Ah kuya classmate ko po, si jared,
- Sagot ko naman,

Sumunud naman si kuya kenneth, na lumabas galing kusina,

Andito kana pala john, narinig ko si ate jane mo ah, may bisita ka daw?

Hi po,' good evening po, I'm jared,
Nice to meet you po, - Wika naman ni jared,

Ah Oo kuya si jared classmate ko, hinatid lang niya ako pauwi kasi medyo late narin,
- Sagot ko naman kay kuya ken,

Agad namang lumapit si kuya kenneth kay jared, maging si kuya mac ay lumapit din,
Akala ko kung anung sasabihin nila ngunit,

Hi, ako si kenneth, kuya ni john, ito naman si mac, kuya din niya, - taga saan ka pala,? Parang hindi kita nakikita dito sa brgy namin ah,
  - pagpapakilala ni kuya kenneth at ni kuya mac kay jared,

Nice to meet you po, Yes po hindi po ako taga dito, sa kabilang brgy pa po ako, sa Villa miranda Home's po ako, - Sagot naman ni jared,

Villa Miranda Home's?  E diba yun yung subdivision na pangmayaman sa san rafael?
So taga doon ka pala? - Muling pagtatanung ni kuya ken kay jared,

Yes po, dun po ako nakatira, because that's our property, our family business, actually po Miranda po name ng mom ko,
  - Sagot naman ni jared sa mga kuya ko,

Kayo ang may ari ng Villa miranda?, ah okay"  hehe, sige maupo ka muna, maghahanda lang kami ng meryenda, - Wika naman ni kuya kenneth,

No need na po,  next time nalang po siguro,
Baka po nagaantay ang mom ko sa bahay, hinatid ko lang po talaga si john to make sure na safe sya makakauwi,

Sige po mauuna na po ako, thank you po ulit,
- wika naman ni jared,

Sigurado kaba? Paanu ka uuwi nyan?
- muling pagtatanung ni kuya ken,

I have a driver naman po, sige po mauuna na ako, bye po, Bye john,"

See you tomorrow - Pagpapaalam ni jared sa mga kuya ni john,

Mga ilang oras lang ay nakaalis narin agad si jared sa bahay, mga ilang sandali lang naman ay dumating na din  si ate jane dala dala ang isang bote ng softdrinks,

Sayang naman, aalis din pala sya agad, haha nag effort pa naman ako sa pagbili ng softdrinks haha, - wika naman ni ate jane kay Kuya kenneth,

Late narin po kasi ate, saka may pasok pa kami tomorrow, - Sagot ko naman,

Alam mo john, feeling ko hindi lang classmate yun haha, diba sabi nya Boy bestfriend daw, e diba parang boyfriend ang ibig sabihin nun,?
- Pabirung wika ni ate jane,

Hindi po ate, haha, - Sagot ko naman kay ate jane,

Saka alam mo, ang cute nun no, saka ang pogipogi, ang kiniskinis ng balat, parang artista, - Wika naman ni ate jane,

Tama na yan, halina kayo at ng mainum na natin yang binili mung softdrinks, - Wika naman ni kuya kenneth,

Ikaw bunso kumain kana ba? - Pagtatanung ni kuya kenneth saakin,

" ANG AKING MGA KUYA"("m2m Story")Where stories live. Discover now