19

5 1 0
                                    

It's already been a week since Aiana Therese Cabrera became a server to a local bar owned by Dominic Ortiz's friend. The bar named Mad Queen Club has been quite famous for a while now and Dominic's part of the service crew of this bar but due to his current condition, he needs someone as a replacement for the time period. Due to this, Aiana felt obligated to do it on his behalf since she's partly at fault and one more thing is that, it pays good. It's still a win-win situation for her.

Hindi nakaligtas sa attention ng lahat ang bangayang nagaganap kapag magkaharap sina Aiana and Dominic. There's always tension in the air and they're both a ticking bomb whenever they are in one setting.  No matter what, no one dared to try intervening between the two as their banter became part of everyone's entertainment.

Hinihingal pa si Aiana habang papasok sa bar bitbit ang bag niya na may laman pang drawing materials. Agad naman siyang pumunta dito nang tawagan siya ni Dominic sa takot na madadagdagan na naman ng isang linggo ang pag-iistay niya sa lugar na ito kapag ginalit na naman niya ang isang iyon. Mabuti nalang talaga at wala silang pasok sa last subject kaya agad naman na nakatakas siya sa mga kaibigan na kanina pa tanong nang tanong kung bakit aligaga siya simula noong isang linggo pa.

Paano ba naman kasi? Hindi niya maintindihan si Dominic kung favor ba matatawag yong ginawa niya or inaalila na siya nito. She knows na partly kasalanan niya kung bakit hanggang ngayon ay may sakit pa rin si Dom pero hindi naman niya alam na allergic pala ito sa mga bulaklak. Besides, di naman niya sinasadya na mabangga ang binata.

“Pahinga ka muna, Aia,” malumanay na saad ni ate Alfia Romero, ang may-ari ng MQC, habang ito muna ang nagse-serve ng drinks sa mga customers ng mga oras na iyon.

Nasa school pa ang ibang crew and konti lang ang staff na nandon kaya naman instead na mainis bakit nandito siya ay iniisip nalang niya na kailangan ng helping hand ngayon ang bar.

Tumango nalang si Aiana saka pumasok sa locker room at nagbihis ng bagong damit na hiniram pa niya kay Barbara. As much as she wants to go home to change, masyadong minamadali siya ni Dominic kaya wala na siyang choice kundi manghiram ng extra clothes kay Barbara.

Katok nang katok ang kung sino man ang nasa kabilang side ng locker room kaya wala nang choice si Aia kundi buksan ito. Nakabusangot pa ang mukha nito dahil kailangan niyang madaliin ang pagbibihis at ang iniluwa pinto ay ang kinasusuklaman niyang nilalang— si Dominic. May CR naman pero dahil siya lang naman ang nandon at tinatamad na siya kaya doon nalang siya nagbihis.

Nakabusangot rin ang mukha ng binata na inikutan lang niya ng mata. Ano na naman kaya ang problema ng isang iyon?

“Kung di ka pa titigil sa kakaikot ng mata mo, dudukutin ko na yan,” saad ni Dominic na may matalim na titig pa rin sa kanya.

“Kung di ka rin titigil sa kakakunot ng noo mo, padadaanan ko yan ng planer,” saad ni Aia sa lalaki na pinanlakihan ito ng mata.

Nakataas na ang isang sulok ng labi ni Dominic na tila nanghahamon kay Aiana. Tinginan pa lang nang dalawa ay parang ilang segundo nalang ay magkakaroon ng world war. 

“Isang ikot pa ng mata mo ay madadagdagan na naman ng isang linggo ang pagse-serve mo rito,” babala ni Dominic.

Tinaasan ito ng kilay ni Aiana na hinahamon ang binata na ipagpatuloy ang sasabihin pero hindi na nasundan nang may biglang napadaan sa harapan nilang dalawa mismo.

“Magtititigan nalang ba tayo dito? Galaw-galaw din no,” ani Barbara na mahihimigan ang sarkasmo sa boses nito. “Masyado kayong in love dalawa yucks.”

Napangiwi nalang si Aiana sa naging komento ni Barbara at sinundan na niya ito sa paglalakad. Si Dominic naman ay may malapad na ngiti sa labi sa kadahilanang siya na naman ang nanalo sa staring contest nilang dalawa ni Aiana kani-kanina lang. Alam na alam kasi niya na hindi agad nagpapatalo ang dalaga kaya nang magbaba ito ng tingin ay kulang nalang magtatatalon siya sa tuwa.

“Kasiyahan mo talaga ang inisin siya, no,” komento ni Alfia, “Hinay-hinay din baka hindi ka pa nanliligaw, basted ka na agad.”

Paper FlowersWhere stories live. Discover now