Page XI

10 3 0
                                    

Meron kasing tatlong level ang association.

We call those three associations in three different names din. First, we have Junior Association wherein binubuo sila ng 12-17 years old na member.

Second, and probably sila ang may pinaka-maraming member sa tatlong associate. We call them Full-Pledge Association na binubuo naman ng 18 hanggang pataas na edad. The catch is, Full-Pledge ka if wala kapang asawa.

And lastly, we have the Senior Association na binubuo ng 18 pataas ang edad na may asawa. Sila ang kadalasang kakaunti.

"As for my case, bounded pa ko nh Junior Association."

"Kaso.. ayoko din naman sa association na yon."

"To be honest... that association is.."

"..corrupt."

Isa pa sa mga "golden rule" ng mga taga Junior Association ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaron ng girlfriend/boyfriend until you reach the certain age which is 18 years old.

"I understand their purpose in putting off those rules. Maraming naligtas na kabataan sa pagkakaron ng anak or nadi-disgrasya at early age."

"Magkakaron po kase tayo ng show, its recessional show na naman po." dagdag pa nya.

"Eto po ay nais namin lahukan ng lahat dahil hindi naman po maselan ang tema nito."

"Etong laro po na ito ay tinatawag na 'Message me, Privately' na ang rules po ganito."

"Lahat po ng sasali dito, magsusulat ng isang message na gusto nilang sabihin to someone."

"They can do this anonymously, which is recommended naman po namin na ganun talaga. Pero if you dare, you can put your own name naman po." banggit pa nito.

Dahil dito ay maraming natuwa, at medyo umingay ang loob dahil sa usapan at tawanan.

"If sasali man ako, kanino ko naman ire-relay yung message?"

"What if.."

"Yes po?" pag respond nito sa isang member na tumaas ng kamay.

"Ano pong tema ng mga message po?" pag tatanong ng isang lalaki.

"Ayon po. Great question po."

"For this po.. any idea or message naman po. Kaya nga po recommended namin na anonymously nyo nalang po sabihin yung mga message para mas ma-express nyo ang message."

"Yes po, kayo po?" pagtatawag uli nito sa isa pang nagtatanong.

"Uhmm.. kailan po namin ipapasa yung message?"

"Hmm.. I'm also wondering kelan."

"Ah, thank you po. For that naman po, the deadline para po sa mga sasali ay sa araw nalang po ng Thanksgiving event. Para lang po sure natin na lahat nang magpaparticipate makapag pasa." sagot nito.

"Thank you po." pagpapasalamat ng babae.

"So everyone, yung papel na dadaan sa inyo for counting lang yan. Though pinapasulat ang pangalan, ang purpose lang po nyan ay para mabilang kung ilan ang message na napasa at ilan ang nagpalista." pagpapaalala nito.

"Hindi naman po madi-disclose ang information nyo po." dagdag nya.

Dahil sa sinabi nya, ay nagulat nalang ako na nasa row na pala namin ang papel.

May nagsusulat, may hindi.

"Papa ano yan?" pagtatanong ng bata.

"Sya yung kanina.. diba?"

Parang (Meadow)Where stories live. Discover now