THE WAY

1 1 1
                                    

Mahirap man pero pinilit ko ang sarili kong maghukay at bigyan ng maayos na libingan si Elliza. Kalahating araw na akong naghuhukay.

Sa mismong hukay ay pinuno ko iyon ng iba't-ibang bulaklak. Pati narin ang mga bulaklak na ginamit namin sa pagdedekorasyon sa tulay na tinawag pa naming bridge of Terabithia.

Wala akong balak gawin na kahit ano dahil iyak na ako ng iyak. Umaasa ang isang tulad ko na gigising nalang si Elliza at yayakapin ako.

Ilang oras pa akong nanatili sa tabi nito habang mahimbing ang tulog nya sa ibabaw ng mga bulaklak.

Wala na talaga akong magagawa dahil alam ko sa mismong sarili ko na ang hinihintay kong magising ay hindi na muling babangon pa.

"H-happy....B-birth D-day!" Kahit na pinipilit kong lakasan ang aking loob ay bale wala lang dahil nauutal at nahihirapan akong bigkasin iyon sa harapan nya.

Marahan kong hinalikan ang noo nito habang wala paring tigil sa pagbuhos ang aking mga luha.

"Rest in paradise, love"



*****



"Mommy?" Natigilan ako ng makita si mommy at tito na nakatayo kasama ang mga police.

"Anak?" Naiiyak na nilapitan ako ni mommy pero tinulak ko lang ito.

"How dare you?" I ask her.

"N-naka balik Kana anak?" Niyakap pa ako nito pero pinagtulakan ko pa sya.

"A-asan si Elliza, Shu?" Bigla akong natahimik at napahagulgol.

"W-wala na sya tito.....Iniwan na nya ako"

Parang ayaw ko pang umuwi dahil masakit sa akin at masakit para sa magiging hinaharap ko ang nangyaring ito.
Ang pagligaw sa amin ni tito, ang paghabol ng mga asong lobo, ang pagtago ni mommy sa pagkamatay ni dad, at ang secret affair nyang si tito. Masakit, pero mas sasakit ang ginawang pag-iwan sa akin ni Elliza.

"Kumain ka na" inilapag ni mommy ang pagkain sa hapag kainan. Kasama ko si mommy at tito pati narin ang nurse na nag-aalaga sakin. Mahigit dalawang buwan na ang lumipas simula ng araw na iyon.

Nangayayat na ako't hindi na makakain pa ng maayos. Nalulungkot ako dahil kahit saan ako bumaling ay hindi ko mapigil ang mga ala-ala namin ni Elliza.

"Wala akong gana, mommy" hinawakan ni mommy ang kamay ko pero tinanggal ko lang ito.

Tinatanong ko parin sa sarili na, kung hindi ba kami niligaw ni tito Andrew ay hangang ngayon buhay parin si Elliza?

Wala na akong magagawa pa kundi ang hintayin nalang ang araw na magkakasama ulit kami.

Patuloy parin sa pagdalaw ang araw at paglubog nito sa kanluran. Naiiyak ako tuwing umaga dahil ang araw ay nasa silangan. Ang araw nang umaga ay ang simbolo ng pagkawala ni Elliza.

Napaupo ako sa kama at hinawi ang kurtina. Anim na taon na ang lumipas simula ng pagkamatay ni Elliza. Eighteen na sya, at ako Twenty.

Hangang ngayon marami pang tanong ang nasa isip ko. Maraming tanong at mga pagkukulang na pilit kong pinupunan.

Wala akong asawa ni walang anak, hinihintay ko parin sya. Hihintayin ko parin sya. Sya at sya lang wala ng iba.

Mula sa glass wall ay tinanaw ko ang bundok kung saan kami nanggaling.

"E-Elliza?"

Kahit alam kong walang sasagot sa akin ay patuloy parin akong naghihintay na baka sa ilang taon na lagi ko syang hinahanap ay sumagot sya.

"I-I r-read your letter to your d-dad" tuluyan ng pumatak ang aking luha. Hinawakan ko ang papel at dahan dahan ko itong binuksan.



For daddy,

Daddy, I know you have a hard time to keep me by your side. I always want to be with you too. But since I read mommy's diary, I think I was swallowed by curiosity. I accidentally read mommy's diary that time and read what she write. I feel lonely that day because Shu wasn't here because he went to US with Auntie Anne.

"She will die" this was the line I remembered mommy wrote on her diary. I search about the disease she was talking about using your laptop.

Daddy, I cry so hard that time knowing mommy died because of that condition since the day she give birth to me. I don't know why I was curious about that disease so I search more about the information. I thought mommy is the only one who have the disease in our family line but, I also. I also have a disease.

Since then I try to eat plenty vegetables, knowing that this will be the way to take me away from the disease. Then and then, my birthday come but I was crying and madly don't want the sun. I though sun was the reason but when I finally met Shu, I accepted all of these because I know it was destined to be.

I will always love you daddy,
Elliza Haeyll

Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang binasa ang sulat ni Elliza para sa dad nya na hangang ngayon ay hindi ko parin mabigay. Nasasaktan ako lalo na sa pagtanggap ng kanyang kalagayan.

Kamatayan nya ngayon at kaarawan kaya naisipan kong dumalaw sa bundok kung saan kami nanggaling. 6 years ago habang pauwi na ako ay naglagay ako ng mga palatandaan upang kung sakali mang makabalik ako rito ay alam ko kung saan hahanapin ang pinaglibingan ni Elliza.

Sinundan ako ang mga gamit na naiwan ko.
Yung flash light, yung tali na nagliligtas lagi sa amin tuwing nahuhulog kami sa bangin. Yung four chocolate wrap na itinali ko sa mga sanga, naalala ko pa noon na inihagis ko yung tatlo sa alpha ng mga lobo para lang mamatay ito kaso naging threat ito sa amin.

Hangang sa makita ko na ang bangin kung saan nawalan ng buhay ang mahal ko. Malalaki na ang mga damo sa paligid na halos tabunan na ang lapida nya.

Kahit ilang taon na ang mga nakalipas lahat ng mga ala-ala ng naudlot ng dahil sa isang sikretong pinangalanan ay kailanman ay hindi ko na mabalikan.

"E-Elliza?" Muli na namang tumulo ang mga luha ko nang maalala ang sinabi nya noon.

"Shu, find the way back home "

"Elliza, nandito na ako. Natupad ko ang pangako ko sayo. Elliza nakabalik na ako"
Kahit na ilang beses kaming paghiwalayin.  Isa lang naman ang alam ko eh.


Kahit na tinuldukan na ang tadhana ng dalawang bata sa nakaraan. Hindi ko naman ipagkakait na sa lahat ng storya lagi nag tatapos ang Happy Ending.



"Shu!"  Napaangat ang tingin ko sa babaeng nakabalot ng puting tela ang katawan. "You silly man. You always know the way back home huh!"









"In between the heaven and the embers, I will wait you till the dawn and till you find the way back home"

"I Elliza Haeyll"

"And I am Areel Shurll"

"Finding the way for each other"































The End






The Way Back Home (Under Revision)Where stories live. Discover now