BRIDGE OF TERABITHIA

1 1 0
                                    


"Daddy..." Napaiyak si Elliza sa mga bisig ko. Mga kalat kalat na kahoy at tumba-tumba ng gamit nalang ang mga narito.

Mabilis akong kumuha ng isang bag at kinuha ang malaking kumot na nagsilbing tent namin. Kinuha ko rin ang blanket na mukhang naiwan ni mommy. Binuksan ko ang snack ware na marami pang pagkain ang naroon. Lahat sila binalot ko at nilagay sa bag. Hindi na nga magkasya pero tuwang tuwa ako dahil may makakain na kami ni Elliza.

Nang sumapit ang tanghali ay inayos na namin ang isang tent na tutuluyan namin ngayon. Naglagay pa ako ng mga matutulis na kahoy sa palibot para kung sakali mang sumugod ang mga asong lobo. Naglagay rin ako ng tali na kung sakali man ay maligtas kami sa lobo.

Natulog kami ni Elliza na busog ang tyan ngunit hindi parin mapawi sa amin ang kalungkutan dahil sa pag-iwan sa amin ng aming mga magulang.

Sa kalagitnaan ng gabi ay bigla nalang nag-ingay ang mga nilagay kong bote sa paligid na syang kinagising ko. Mahina kong tinapik si Elliza na kasalukuyang natutulog sa mga bisig ko.

"Elliza"

"S-shu?" Mahinang bulong nito na halatang natatakot. Palakas ng palakas ang ingay ng mga bote kaya madali kong inayos ang tulugan namin. Sinuot ko ang dalawang bag habang hawak si Elliza sa kabila kong kamay hawak nito ang flashlight para sa daraanan namin. Mabuti nalang ay may kapirasong kahoy ako na pinatulis na pwedeng makapatay.

Nang dumungaw ako sa tent ay tama ang hinala ko. Mga asong lobo na naglalaway papunta sa tent namin. Mabilis kong hinawi ang bahagi ng tent upang abutin ang tali. Itinali ko si Elliza roon at mabilis na hinalikan ang kanyang noo.

"Pag may nangyaring masama sakin.....magpatuloy ka sa paglalakbay. Elliza nasa timog-kanluran tayo. Ang bahay mo ay nasa hilaga. Ang araw ay baba sa kanluran at tataas naman mula sa silangan kung nasa timog kanluran tayo sundan mo ang hilaga kung saan ang mga puno roon ay binabalutan ng mga lumot. Elliza ang Timog kanluran ay madalas maraming tubig. Kung sakali mang makarating ka roon......Sa Silangan ka magpatuloy para hanapin ang bahay natin" marahan ko itong hinaplusan at ibinigay sa kanya ang compass.

Kailangan naming mabuhay. Kailangan naming mabuhay para ipaalam sa mundo ang ginawa ng magulang namin.

Hinila ko ang tali kasunod nito ay ang unti unting pagkasira ng mga nagawa kong stick sa palibot ng tent. Malapit na sila. 



"Shu!"

*****

"Bakit mo ginawa iyon Elliza?!" Marahan dumaloy ang mga luha mula sa kanyang mata. Nakaligtas ako sa mga lobo dahil hinila nya ang kumot na tinatapakan ko. Naging dahilan iyon upang matangay ako kasama sya.

"A-ayokong umuwi ng mag-isa Shu...gusto kong kasama kita" niyakap nya ako kaya napaiyak ako lalos. Mas magiging matindi ang mga lobo ngayon dahil hindi nila ako napatay. Lahat ng ginawa ko pati ang pagkitil sa buhay ng Alpha ay naging dahilan sa pag-aalsa nila sa akin.


"Wag mo nang gagawin ulit iyon Elliza."
Marahan syang tumango kaya napangiti ako.

"Gusto mo ba akong samahan sa swamp?"


"Nahanap mo na?!" Nabigla pa ito ng tumango ako. Mabilis ko syang hinila sa mga malalaking bato. May nadaanan kaming tulay na kahoy. Sa dulo noon ay ang swamp.


Ligtas ang swamp at walang buwaya o kahit na mga ahas dahil ako ang naglinis nito kahapon upang isorpresa sa kanya.


"Sana makita din natin ang Bridge of Terabithia para makauwi na tayo" nakangiti nitong sabi. Nagiihaw kami ngayon ng isda na galing sa swamp. Halos Patanghali na kaya kailangan naming kumain para ipagpatuloy ang paglalakbay.


"Eh di dekorasyunan natin yung tulay para magmukhang tulay ng Terabithia." Nakangiti kong sagot.

"Talaga?" Tumango ako at napangiti ng ngumiti rin sya.

Nang matapos kaming kumain ay sinamahan ko syang magpitas ng mga bulaklak para sa dekorasyon ng tulay.
Ako naman ay busy na rin sa paglalagay ng mga kahoy para sa tutulugan namin mamaya.  Nasa ibabaw yon ng puno at maayos ang pagkakalagay. Saktong tulugan namin. Wala itong bubong pero may haligi na kahoy.

"Shu!" Napalingon ako kay Elliza na ngayon ay nakasuot ng korona. Napaka gara ng suot nya. She was beautiful.

Ilang segundo pa ang lumipas ng napaigtad ako sa mga narinig na kaluskos. Shit! Tanghali palang pero umaatake na sila!

"Elliza!" I held her hand and throw her to the rope. Madali kong hinila iyon para makarating sya sa treehouse na hangang ngayon ay wala pang bubong.

"Shu!" Umiiyak na sya dahil malapit na sa akin ang mga asong lobo.

"Shu! Umakyat Kana!" Pilit nitong hinihila ang tali na hangang ngayon nasa bewang ko parin.

"Shu!" Pumatak ang luha nya na nasa pisngi ko.

"Elliza makinig ka sakin!—"

"Umakyat Kana!"

"Elliza, ibaba mo ang kahoy sa tabi ng bag" mahinang bulong ko. Nakatitig parin ako sa mga mata ng mga lobo. Dahan dahan ang kanilang pag galaw at dahan dahan din ako sa pagkuha ng kahoy galing kay Elliza.


"Shu please! Umakyat Kana!" Naiiyak na sambit ni Elliza kaya ng tuluyan ko nang napasakamay ang kahoy at ihinampas ko ito sa mga lobo at dali daling tumakbo para paikutin sila. Hinila ko na ang tali at dali daling umakyat. Naghahabol parin ang mga asong lobo habang ang tatlo sa kanila ay bulagta na.

Iyak iyak akong niyakap ni Elliza dahil sa takot na baka mawala ako. Pinagpapasalamat ko talaga sa Diyos na hinahayaan nya kaming mabuhay sa araw araw dahil sa dalawang Linggo na kaming nabubuhay.

"Mommy" nakaupo ako sa isang sanga. Malalim na ang gabi pero di parin ako makatulog umiiyak nalang ako palagi. Si Elliza ay natutulog na sa treehouse tapos ako ay nasa sanga para umiyak. Sumabay pa ang langit dahil umuulan na naman. Mabuti nalang at nilagyan ko na ng salilungan ang treehouse dahil baka mabasa si Elliza.


"Hangang ngayon daddy hindi ko parin tanggap na nagawa kang itago ni mommy sa amin na patay kana, at nagawa pa nya kaming iligaw ni Elliza dahil sa pag-aakalang sagabal kami sa relasyon nila ni Tito Andrew.

The Way Back Home (Under Revision)Where stories live. Discover now