THE THREATS

1 1 0
                                    



"Are you okay?" I ask Elliza. She still dizzy.
Wala akong idea kung anong tinurok sa amin ng dad nya.


Kung ginawa nila kaming iligaw sa gubat na may tali sa ang aming paa't kamay at blindfold pa sa aming mata, sigurado ako na tama ang hinala ko.


Masyadong malaki ang Maria Forest na kung saan wala ng nakakalabas masok ng buhay rito. Pero bakit naman gagawin Nina mommy at tito na iligaw kami rito? Gayong napaka bata pa namin?


I try to call my mom's number in my phone. Walang sumasagot dahil walang signal.

"How can we escape here?" Elliza voice cracked. She start to cry.


"Just wait for your dad and my mom, they will look for us." Kahit walang kasiguraduhang sambit ko. Natapos ang araw at kasalukuyan na itong palubog. Hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng takot. Nanginginig na ang mga kalamnan ko dahil gutom na ako. Si Elliza naman ay panay ang sigaw nya ng 'daddy!' kahit na pareho naming alam na walang darating para tumulong sa amin.

The night was cold.

Nilatag ko ang aking coat sa batuhan. Nagligpit narin kami ni Elliza ng maliit na kahoy sa paligid. Pinagtumpok tumpok ko iyon hangang sa makagawa ako ng isang mini tent house. Kinalkal ko ang aking bag.


Kinuha ko ang dalawang biscuit na kinuha ko sa snack ware kanina ni mommy. Ibinigay ko kay Elliza ang isa habang pinaghatian naman namin ang tubig.


Ginawa naming unan ang aking bag. Ang aking coat naman ang aming kumot habang mga dahon na malalaki ang aming sapin.

Ng makatulog si Elliza ay hindi ko maiwasang maiyak. Unti unting tumulo ang luha sa aking mukha habang yakap ang isang emergency flash light at ang phone na hawak ko.

"Mommy...." Muli kong sambit sa pagaakalang maririnig na ako nito.

Palalim ng palalim ang gabi at hindi ko alam ang aking gagawin dahil na alimpungatan ako.

"Mommy?" Mahinang bulong ko.

May narinig akong mga kaluskos sa paligid at lalo akong natakot dahil doon ngunit mas nilakasan ko pa ang aking loob.

Lumabas ako ng tent dala ang flash light at isang wooden stick na kasama naming nakita ni Elliza kanina.

"Sino yan?!" Lakas loob kong sambit.
Wala akong masyadong makita dahil puros malalaking damo ang nasa paligid.


"Shu?" Boses ni Elliza ang narinig ko. Mukhang nagising ito dahil sa ingay.

Nilingon ko muna ang paligid bago pumasok ulit sa tent. Niyakap ko si Elliza para agad din itong makatulog. Hindi ko na narinig ang mga kaluskos kaya napanatag na ang loob ko't nakatulog na.

Bukas sisimulan ulit naming maghanap ng daan.

Nang mag-umaga ay binigyan ko ng biscuit si Elliza. Hindi na ako kumain dahil kailangan naming magtipid.

Sinimulan ko nang itiklop ang coat ko at ang  mga dahon na pinaghigaan namin kanina.

"Shu? Anong gagawin natin?" Elliza ask.

Dala ko ang mga kahoy na iilan lang para sa paggatong mamaya kung sakali man.

"Aalis muna tayo para maghanap na kakainin" Sabi ko.

Marahan itong umiling at naiiyak.

"Hindi pwede, bawal tayong umalis don dahil baka......baka balikan tayo ni daddy!" Binitiwan nito ang kamay ko at akmang aalis ng bigla itong napahinto.

The Way Back Home (Under Revision)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora