Chapter 6

485 12 1
                                    

Scarlet Pov

Kami nalang ni ma'am lorenzo yung natira sa room, napatingin ako sa kanya ng tumayo ito at ni-lock niya muna yung pinto bago bumaling ng tingin at lumapit sakin.

Dug...dug...dug...

Ito na naman ang nagiging abnormal yung tibok ng puso ko kapag nandito si ma'am.

"Miss laurel!! i have something to tell you?" Malamig na sabi niya.

"A-ano po yun ma'am lorenzo?" Kabadong sabi ko sa kanyang sabay yuko.

"Can you look at me miss laurel!! Nanjan ba ang mukha ko sa sahig?" Sigaw niya sakin kaya napatingin nalang ulit ako sa kanya, bakit kasi sumisigaw hindi naman ako bingi at nagugutom nako yung mga baby dragon ko nagwawala na.

"Okay!! chill lang ma'am wag kang sumigaw kasi!!" Sagot ko sa kanya,
mamayang 10pm pa naman next subject ko kaya okay lang 8:30am pa lang naman.

"Okay fine!! I will give you a job." Panimula niya habang naka cross arms sa harapan ko taray ni ma'am.

"Luhh!! Okay naman napo ako sa trabaho ko... Anong-" Pinutol niya yung sasabihin ko sana.

"Because you're a woman and then your my student so i decide to offer you a job, na hindi masyadong mapapagod ka at gagabihin." Malamig na sabi niya sakin pa iba-iba din tong mood ni ma'am hindi kuna din siya ma-intindihan.

"Ahh pag-iisipan kupo!! Ayun lang po ba yung sasabihin mo ma'am?? kasi po nagugutom na talaga ako." Sagot ko sa kanya.

"Yes!! this is my card, contact me and we'll talk about it." Seryusong sabi niya sabay abot sakin ng calling card kinuha ko naman ito at sinuksuk sa bulsa ko, tumayo nako at kinuha yung bag at nagpaalam na.

Bubuksan kuna sana yung pintuan ng bigla kong nararamdaman ang presensya niya sa likuran ko humarap ako sa kanya subrang lapit namin sa isa't-isa wrong move, nakatitig lang ito sakin ito na naman si pareng puso kinakabahan na iwan.

"Ma'am!! bakit po may sasabihin pa po ba kayo?" Tanong ko sa kanya kaso wala akong nakuhang sagot galing sa kanya.

Lumapit siya sakin ako naman umaatras ng umatras, naramdaman ko yung pader nasa likod ko patay na corner na niya ako, nilagay niya yung dalawang kamay niya sa gilid ng ulo ko lalo siyang lumapit sakin akala ko hahalikan niya ko kaya iniwas ko yung ulo ko.

"Eres tan hermosa mi amor" She whispered at my ear, huh! napatingin ulit ako sa kanya alien ata tong si ma'am lorenzo, napatitig nalang ako sa kanyang ang ganda niya talaga.

Dug..dug...dug....

Napadako naman ang mga mata ko sa labi niya nakakaakit nakakatakam, hinapit ko siya papalapit sakin hanggang dumikit yung katawan naming dalawa muka pa itong nagulat dahil sa ginawa ko at naramdam ko yung mga babies niya.

Bago pa magtagpo ang aming mga labi bigla nalang nag ring yung cellphone ko kaya dali-dali namang umalis si ma'am sa harapan ko at umiwas nalang ako ng tingi, tinignan ko si ma'am naka poker-faced ito at malamig ang tingin sakin nagpaalam nako at lumabas ng room.

"Hooo!! muntik nako dun ah." Sabi ko sabay punas ng pawis ko kinuha kuna sa bulsa ko yung cellphone ko at tinignan kong sino yung tumatawag.

Theangpandak calling...

("Hello! Sm nasan kana ba anong oras na kaya maya-maya mag kaklase na tayo hindi kapa kumakain!") Bungad na sermon sakin ni thea.

("Papunta nako byee!!") Sagot ko sa kanya at pinatay na yung tawag.

Pumunta nako sa canteen hinanap kaagad yung barkada ko, ng nakita kuna sila pumunta kaagad ako at binigay naman nila sakin yung pagkain inorder nila, kumain na din ako tapos na pala silang kumain ako nalang pala yung hinihintay nila.

"Kamusta naman yung pag-uusap niyo ni prof lorenzo Sm?" Tanong sakin ni thea habang kumakain, bigla nalang pumasok sa isip ko yung eksena kanina sa loob ng room.

"Luhh bakit ka namumula sm?Ayiee ikaw ha" Tukso ni alfred sabay sundot ng tagiliran ko.

"Ayiee!! so anong nga nangyari paps?" Naki sabay naman si randy.

"Wala naman!! ano ba kayo nag offer lang si ma'am sakin ng trabaho." Sagot ko sa kanila at muka naman naniwala sila sakin patuloy lang akong kumain habang sila naman ay nagkukulitan, ng natapos nako nagligpit ako ng kinainan ko at tsaka tinapon sa malapit na basurahan, bumalik ako sa inuupuan namin at kinalabit si Alfred.

"Hoyy!! alfred mag sabi ka nga ng totoo ka ano-ano mo si ma'am lorenzo?" Tanong ko sa kanya tumingin naman ang dalawa sakin.

"Obviously!! paps mag pinsan kami sa mother side." Pagtataray ni bakla sakin.

"Ehh!! Bakit di namin alam na may pinsan ka pala sina tito at tita mga kapatid mo lang nakilala namin." Sagot naman ni thea sa kanya.

"Nagtanong ba kayo?" Sabi niya samin.

"Oo nga no hindi tayo nag tanong, kasi naman kahit family picture ng angkan niyo di naman na kita." Sagot ko sa kanya.

"Sos!!next time mag reunion kami sumama kayo para makita niyo sa personal ang buong angkan ko." Saad ni baklita samin tumango nalang kami.

"Tara na may klase pa tayo." Saad ni thea kaya kanya-kanya kaming kuha ng gamit at umalis na.

"Byee guyss!! see you mamaya mag bar tayo paps bawal humindi." Sabi ni randy.

"Okay baks byee." Sagot ko sa kanya hinila na si thea magkahiwalay kasi kami ng building iba sa nursing at iba rin sa HRM.

Nakarating na kami sa assigned room umupo na kami at maya-maya dumating na yung professor namin at nag umpisa ng magturo, after 30 minutes dinismiss naman niya kami hanggang sa nag announce naman ulit na walang klase kaya sumabay nalang ako kay thea pauwi para libre wala gastos sa pamasahe.

When we arrived in front of my apartment I got off and said goodbye to Thea, nag pahinga muna ako saglit nagbihis nako at pumunta nasa bar na pinagtrabahuhan ko wala naman akong trabaho ngayon kaya okay lang.

----------------------

A:ok ba or hindi.😔

I Love You Professor Lorenzo Where stories live. Discover now