Chapter 18

393 7 1
                                    

Scarlet Pov

"LOLA!!! Namiss po kita." Sabi ni thea at parang batang tumatakbo patungo kay lola Trinidad sabay yakap.

"I miss you too apo kong pandak." Sumimangot naman si thea sa sinabi ni lola Trinidad.

Humalagapak kami ng tawa nina alfred at randy, sina ma'am at ang kasama naman niya ay naka cross arms lang sa likod namin.

"HAHAHAHAHA putcha thea pati si lola tinatawag kang pandak." Sabi ko tumigil ako ng tawa at may naramdaman akong kurot sa likod ko, lumingon ako at sinamaan ng tingin ang dalawang baklita.

"Sinong nag kurot sakin sasapakin ko." Sabi ko sa kanilang dalawa umiling sila at tinuro si ma'am lorenzo.

"Hala ma'am kurutin niyo pa po ako hindi naman po masakit heheheh." Sabi ko sa kanya pero sinamaan lang ako nito ng tingin, narinig kong humagikhik ang dalawa kaya sila naman tung sinamaan ko ng tingin binalik ko yung tingin ko sa mag lola.

Kumalas naman si lola Trinidad ng yakap kay thea at pinuntahan ako sabay yakap.

"Halika nga ditong bata ka na-miss ko kayo ni thea." Sabi ni lola Trinidad sakin.

"I miss you too po lola." Sabi ko sa kanya at kumalas na rin ng yakap.

"Sinong tong mga kasama niyo iha?" Tanong samin ni lola.

"Ahh sina ma'am lorenzo, ma'am tenario, ate lyra at ate leslie ito namang dalawang baklita kaibigan po namin sina alfred at randy po." Binati naman nila si lola at nag bless.

"Bless you mga apo!! Tara at kumain na kayo alam kong pagod at gutom kayo sa byahe, para makapagpahinga na rin muna kayo." Aya ni lola samin sabay talikod kaya sumunod naman kami, iniwan muna namin yung mga gamit namin sa sala.

Fast forward......

Nang natapos na kaming kumain ay sinamahan muna kami ni lola Trinidad sa aming mga kwarto.

May sarili kaming kwarto ni thea dito 3 ang available na kwarto so bali dalawang tao sa isang kwarto.

Hinatid namin ni thea sila ma'am sa kanilang kwarto, ng okay na bumalik nako sa kwarto ko at nagbihis pang bahay nagpahinga muna ako saglit, pagkatapos kong magpahinga saglit ay bumaba nako nakita ko silang tumatambay sa kilid ng swimming pool kaya pinuntahan ko sila.

"Oyy nandito na pala si bestfriend." Sabi ni thea sabay bigay sakin ng gitara.

"Gagawin ko dito thea?" Tanong ko sa kanya.

"Hampas mo sakin!! Sympre kakanta ka." Pamimilosopo ni thea habang tumawa pa kaya sinamaan ko naman ito ng tingin, nag peace sign naman si g*ga habang naka ngiti binalik ko sa kanya yung gitara.

"Okay kuha ka muna ng alak dun jamming tayo at paki tawag kay alfred!! Hihintayin namin kayo okay." Sabi ko kay thea padabog naman itong tumayo napakatamad talaga nitong utusan umalis na siya para kumuha ng alak.

Hinintay muna namin sila para kompleto kami, ng nakabalik si thea magkasama sina ni alfred may dala-dala silang alak, kaagad naming inayos yung upuan palibot sa mesa, inayos na inilagay namin yung alak, napatingin ako kay ma'am lorenzo nakita kong tulala si ma'am kaya pinuntahan ko ito.

"You okay ma'am?" Bungad at malumanay na tanong ko sa kanya.

"Yeah why?" Aniya sa malamig na boses.

"Nothing po hehehehe." Sabi ko sa kanya kaya napataas ito ng kilay na para bang sabihin muna kong ano gusto mong sabihin.

Nang bigla kaming tinawag ni lola para kumain ng hapunan, nauna na yung iba kami na lang ni ma'am lorenzo ang natira dito sa labas, tumayo na si ma'am, i hold her hand kaya napatingin naman siya sa kamay kong nakahawak sa kanya, tumingin sakin ng nakataas ang kilay kaya kaagad ko ding binitawan ang kamay niya.

"I-" Di niya pinatapos yung sasabihin ko ng bigla itong umalis sa harapan ko at na unang pumasok sa loob sumunod na lang ako sa kanya.

"Siguro sisiguraduhin ko nalang muna kong ano ba talaga yung naramdaman ko sa kanya baka mali lang." Sabi ko sa sarili ko at umiling-iling habang naglalakad papasok nakita kong kumakain na sila, at yung bakanteng upuan na lang ang natira ay ang nasa tabi ni ma'am malas naman pumunta nako sa bakanteng silya at umupo, sumandok nako ng pagkain ko at kumain.

May nakita akong shrimp gusto ko talagang kumain non kaya pasimple akong kumuha ng may tumapik sa kamay ko.

"Diba bawal sayo yan bestfriend!! Dika talaga nadadala kapag ikaw nag ka allergy ulit ipapa-inject ko na lang yung gamot mo." Sabi ni thea sakin kaya napasimangot ako sa sinabi niya, napatingin naman ang mga kasama namin sa amin ni thea narinig kong humagikhik sina alfred at randy, di nako umangal pa at binigay ko nalang kay thea yung shrimp na kinuha ko.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain as always ang ingay naming apat kapag nasa hapag-kainan tawang-tawa sila lola, ma'am tenario, ate lyra at leslie sa mga joke namin, si ma'am lorenzo naman malamig at poker-face lang habang kumakain, ng natapos na kami bumalik na kami sa labas para masimulan na namin ang inuman.

Tumayo ako at nagpaalam muna sa kanila para kausapin si thea tumango naman sila bilang pagsang-ayon, nakita si thea na papasok ata kaya dali-dali akong pumunta sa gawi niya at hinila pupunta kami sa kwarto ng nakarating kami ay kaagad ko itong binuksan at pinapasok.

"Ano ba bestfriend bakit kaba nanghihila na lang bigla." Singhal sakin ni thea.

"May sasabihin ako!!" Seryusong saad ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya.

"Na mahal muna ako bestfriend ayieee.... ikaw hah....nako bakit ngayon ka lang umamin." Pabirong sabi ni thea na animoy kinikilig pa binatukan ko naman ito.

"Aray ko naman bestfriend!! Seryuso ano ba kasi yung sasabihin mo?" Seryusong sabi niya habang hinihimas yung ulo niyang binatukan ko.

"Crush ko si ma'am lorenzo thea kahit ilang days pa lang kami magkakilala iba yung naramdaman ko pagkasama ko siya, pumunta siya noong nakaraang araw sa apartment ko at dalawang beses kuna siyang nahalikan." Sabi ko kay thea sabay yuko, tinapik naman yung yung balikat ko kaya napaangat ako ng tingin nakangisi ang pandak sakin.

"Wahhhh....ayiee talaga bestfriend sabi kuna nga ba crush mo si ma'am lorenzo." Kinikilig na sabi niya habang hinahampas pako. " At what nahalikan muna siya ibang klase ka bestfriend crush mo pa lang yung tao tinik mo." Dugtong na sabi niya kaya tumango ako naramdaman kong umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko.

"Anong gagawin ko pandak." Sabi ko kay thea habang nakanguso.

"Basic bestfriend umamin ka kay ma'am baka i-crush back ka niya diba." Aniya sakin kaya umiling ako sa sinabi niya.

"Tinanong ko kanina habang nasa byahe tayo papunta dito kong may umamin sa kanya kaso ang sabi niya i-reject niya daw at may jowa yung tao." Sabi ko kaya tumango si thea.

"Edi try mong umamin sa kanya baka maka lusot kapa and kalma ka lang bestfriend i got you." Saad niya sabay kindat sakin kaya natawa naman ako.

"Oo na halikana bumaba na tayo baka hinihintay tayo dun.... At crush lang naman baka mawala din to." Saad ko sabay akbay sa kanya.

-------------------------------

A:Good evening po hina ng internet si ako maka pag update ng maayos sorry mga paps✨

I Love You Professor Lorenzo Where stories live. Discover now