#MWY

9 0 0
                                    

Lakas ng simoy ng hangin ang agad sumalubong sa'kin sa paglabas ko pa lamang ng simbahan. Kita ko na ang mga bituing nagniningning sa ulap, at ang napakagandang sinag ng buwan. Kakatapos lamang naming mag-ensayo ng mga kantang kakantahin namin sa Praise and Worship.



Sa tapat mismo ng simbahan, tumambad agad sa aking paningin ang mga nakahilerang pamilihan ng mga streetfoods. Dumiretso ako dito't agad na umupo sa isang upuan sa harap ng isang mesang may mga nakahanda nang iba't-ibang sawsawan.



"Pabili po, isang kwek-kwek."



Habang abala ako sa paghihintay, nabaling ang atensyon ko sa kabilang mesa kung saan narinig ko ang tunog ng isang pinapatugtog na gitara. Mas lalong nabaling dito ang aking atensyon nung pansin kong ang tugtog ay isa palang kantang tinugtog at pinag-ensayuhan din namin kanina sa simbahan - Goodness of God na kinanta ng Bethel Music.



Bigla ko itong nilingon. Isa palang babaeng nakasuot ng hoodie jacket ang nagpapatugtog nung gitara. Sobrang manghang-mangha ako sa kaniya. Ang galing niya't sinasabayan pa nung boses niyang sobra ring ganda.



"Ang galing mo naman." aking pagpuri.



Bigla siyang napahinto sa pagtugtog. Dahan-dahan niyang tinaas ang kaniyang noo't dahan-dahan ring tumingin sa'kin. Laking gulat ko nung parang nagulat din siyang nakita ako. Kitang-kita ko ang panlalaki nung kaniyang mga mata. Mabilis at taranta niyang nilagay sa kaniyang lalagyan 'yung gitara niya't nagmamadaling umalis.



"Miss, sandali!" pagtawag ko sa kaniya nung naiwan niya 'yung isang maliit na parang diary sa kaniyang mesa.



Hindi na niya ako narinig, kaya kinuha ko na lamang ito't planong isauli kapag muli ko pa siyang makita.



Hanggang sa aking pag-uwi, baon-baon ko parin sa aking isip ang mukha nung babae. Ngayon ko lang siya nakita, at talagang palaisipan kung dito lang din ba siya nakatira.



Palagi kong hinahawakan 'yung diary'ng naiwan niya. Nais ko sana itong buksan, ngunit alam kong wala akong karapatan, kaya ito'y tinabi ko na lamang sa aking pagtulog.



Natapos na lamang ang sumunod na araw, hindi ko parin muling nasilayan 'yung babae. Hanggang sa sumapit na naman 'yung napakalamig na gabi't papunta na naman ako sa pamilihan ng streetfoods. Nagbabakasakali akong baka dun, muli ko na siyang makita. At ako'y hindi nga nagkakamali. Andun ulit siya, dala-dala parin ang kaniyang gitara.



"Miss." tawag ko sa kaniya nung ako'y andun na sa kaniyang likuran.



Bigla siyang lumingon sa'kin. At ganun ulit. Nung nakita niya ako'y bigla na naman siyang nagmamadaling umalis.



"Miss, wait lang!" nung sinusundan ko na siya sa kaniyang mabilis na paglalakad. "May isasauli lang naman ako sa'yo eh."



Nagpatuloy parin siya na para bang 'di niya ako naririnig. "Ayaw mo bang kunin 'tong diary mo?"



At tila parang bigla nalang naharangan 'yung daan niya. Bigla siyang napahinto't napalingon sa'kin. Naka-hoodie jacket parin siya.



"Akin na." tangi niyang sabi.



Binigay ko naman agad sa kaniya 'yung diary. "Thank you." wika nito.



Matapos niya itong kinuha'y bigla ulit siyang lumakad ng mabilis palayo sa'kin. Nais ko pa sana siyang makausap, pero ramdam ko talagang parang ayaw niya.



Tumalikod na lamang ako't nais na sanang bumalik sa pamilihan ng streetfoods. Hanggang sa,



"Binasa mo ba ang laman nito?" rinig kong tanong mula sa likod ko.



Midnights with YouWhere stories live. Discover now