05

5 2 0
                                    

Chapter 5

CC : Crushie and Christmas

November eighth, year Two Thousand and Twenty Two. I cried hard.

"Misha, uuwi ako." Mahinang bulong ko, namimilipit na ako sa sakit ng tyan ko.

"Hatid ka namin." Nakangiting sagot niya.

Hinatid nga nila ako, nasa sakayan palang ay umiiyak na ako sa sakit. Hindi ko alam pero palagian na rin ang nagiging pagsakit ng tyan ko.

Nang makauwi ay agad akong nakapag pahinga. But when I opened  my phone, a news flashed. The departure of the two members of my favorite band.

I cried hard, ni hindi na rin ako lumabas ng kwarto ko dahil sa sobrang pag iyak ko. I would still laugh, but the sadness was so much.

I tried to message Cy. I don't know, siya ang unang pumasok sa isip ko. But she's busy, nasa school pa siya.

She replied noong uwian na. She was worried, akala niya ay dahil din sa sobrang sakit ng tyan ko ang reason kung bakit ako umiiyak ng sobra.

Funny how my family laughed at what was my reason of crying, pero Cy never told me na mababaw yon.

Nang pumasok ako ay agad akong nakatanggap ng yakap galing sa kaniya.

That was new.

It felt warm.

First week of December, year Two Thousand Twenty Two. Year-End Parties are near.

A boring day came, wala kaming klase.

Umupo ako sa gitna nila Misha at Cy, they were talking about crushes kaya medyo nakisagap ako.

"Malay mo, crush ka rin." Nakangiting pang aasar ni Misha ka Cy. I saw how Cy formed a smile.

"May crush ka Cy?" Tanong ko, I want to know too. "Kilala ko ba?" I added.

"Super, be." Sagot sa akin ni Misha.

With that, I became excited to know who.

"Wala yon." Parang nahihiyang sabi pa niya.

"Pero, Chi. May tanong ako." Napatingin ako kay Misha nang magsalita siya ulit.

"Hmm?"

"May chance ba na magkagusto ka sa babae?" That was out of the blue. Why would she ask such?

I looked at Cy before I answered. Weird, ang tutok niya naman sa magiging sagot ko.

"As for me, hindi malabo. Pero wala pa naman akong balak." Iyon ang naging sagot ko.

After that day, lagi ko nang kinukulit si Cy about sa crush niya.

[sabihin mo na kasii]

[alam ni misha tapos ako hindi?]

[damot mo naman]

[Cy : haha sa susunod na]

[Cy : kapag nag confess na ako]

[kahit clue langg]

[matagal pa naman ata yang confession mo]

Hey, Lover.Where stories live. Discover now