Chapter 216: Memory Loss

Start from the beginning
                                        

Parang..parang pamilyar din ang eksena na ito..

"I-ilang b-beses na ba kitang p-pinaluha?"

Hindi ko ito narinig na sumagot kaya kumalas ako dito para tignan ang mukha nito.

"Zha... Zhan, l-lagi ba kitang nasasaktan?"

May pakiramdam kasi ako na...lagi kong nakikita ang mga luha nya.

"D-dave.."

Dahan² ko muling pinahiran ang mga luha nito.

"I-I'm so sorry..k-kung nasasaktan n-na naman kita ngayon.."

Sa kabila ng mga luha ay nagawa pa nitong ngumiti.

"Ano ka ba..o-ok lang naman ako eh.."

Parang pamilyar din ito.

"No, you're not ok.."

Mas lalo tuloy itong napaiyak sa sinabi ko.

"I'm so sorry k-kung lagi kitang nasasaktan..I promise, babawi ako.."

"W-wala kang kasalanan.."

I bit my lower lip.

"I'm s-so lucky to have you."

"A-ako din.."

Muli ko itong niyakap.

"I'm s-so sorry... I promise, I will do my best t-to remember y-you..h-hindi ako papayag na hindi kita maalala.."

Napapikit ako at mas lalo itong niyakap ng mahigpit.

This feeling.

Labis labis ang pangungulila ko sa kanya. Yun ang nararamdaman ng puso ko.

"M-mahal na mahal kita Dave."

Naimulat ko ang mga mata ko sa narinig.

Mas naging triple ang bilis ng takbo ng puso ko.

NAPAKALAS ako sa yakap nito para muli ko itong matitigan sa mukha.

"I.."

"H-hindi mo k-kailangan na pilitin ang sarili mo ngayon Dave. M-maghihintay ako, h-hanggang sa m-maalala mo na ako. A-ang importante ngayon..gising ka na.."

"I'm so sorry k-kung ngayon lang ako nagising. I'm so sorry kung p-pinaghintay kita at..paghihintayin pa—"

Napalaki ang mga mata ko dahil sa gulat ng bigla ako nitong siniil ng halik.

Mabilis lang iyon, napakurapkurap ako ng bumitaw na ito.

"Sorry hin—"

Hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita dahil muli ko itong kinabig at muling sinakop ang kanyang mga labi at mas pinalalim ang halik. Para bang sobra-sobra ang pangungulila ko sa kanyang mga labi kaya halos hindi ko na ito pakawalan pero....

"A-argh.."

Bahagya akong napalayo at napahawak sa ulo ko dahil meron muling mga pamilyar na imahe na nagpupumilit lumabas sa utak ko.

"Dave?!"

Mas lalo akong napasabunot sa ulo ko dahil parang mabibiyak na ito sa sakit.

"Ahhh!"

Muli ko na itong hinampas hampas dahil sa sakit.

"D-dave!— Tulongg!!!!!"

Sobrang namimilipit ako sa sakit na nararamdaman ko sa ulo ko.

Hindi ko narin masyado alam pa ang nangyayari sa paligid ko.

"Dave!"

NAMALAYAN ko na lamang na nakahandusay na ako sa sahig at kahit pilit kong imulat ang mga mata ko ay umiikot ang paligid ko.

"Oh my God Son!"

"Dave!!"

Ipinikit mulat ko ang mga mata ko.

"Dave Ate is here.."

Hindi ko na masyadong maintindihan pa ang mga nasa paligid dahil sa samo't saring sakit na nararamdaman ko.

'Zhan..'
'Sweetie..'
'Boyfie!!'

"DAVE!!!"

Muli ko na naman nakita ang mga luha ng taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.

"DAVE!"

Pinilit kong igalaw ang mga kamay ko para abutin ang mukha nito.

"S-sweetie.."

"DA—"

Di ko na nakayanan pa ang sakit hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.

__________

__________

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Book 3 Part 2: When those from two different world's destined to reunite Where stories live. Discover now