GiD 5 - Popular Guys was Gathered

Start from the beginning
                                    


"Maybe he's the new student from England. Hindi niyo pa ba naririnig ang balita tungkol sa kanya? Kalat na kalat na yun sa buong campus."


"Wala pa kaming naririnig about sa kanya. At saka, kung may nabalitaan na kami di sana ay hindi na kami nagtatanong pa dude di ba?"


"Puro kasi pambababae yang inaatupag niyo kaya nahuhuli na kayo sa balita."


"Dude, mas okay na yung babae ang atupagin namin kaysa naman sa panlalalake di ba?"


Nagtawanan pa yung twins at si Sage. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Aakalaing wala akong pakialam at hindi ako nakikinig sa usapan ng mga kaibigan. Pero sa totoo lang all ears naman ako sa mga sinasabi nila at sa naririnig ko mula kay Zayden. Hindi nga lang kasing halata katulad ng apat naming kaibigan.


So, siya pala talaga yung pinag-uusapan nung mga bubuyog kahapon. Tama ako ng hinala kanina ng makita ko siya.


That new guy caught our interest earlier this morning. Sino nga ba ang hindi? Kadarating lang naming anim kaninang umaga at ang madamdaming tanawin ang bumugad agad sa amin. Hindi namin alam kung anong nangyari, ang naabutan lang namin ay yung babae na nadulas yung isang paa at muntik na sanang malaglag sa hagdanan.


Nagtakbuhan kaming anim para sana saklolohan yung babae pero hindi pa man kami lubusang nakakalapit sa may paanan ng hagdan ay meron ng nakasalo sa babae. At siya nga yun, ang foreigner. Hindi nga namin napansing tumakbo rin pala ito. Napatulala na lang kami dito. It amazed to see someone na masyadong mabilis kumilos. Kagaya ng isang ninja.


"Ang balita ko lahat daw ng exams ay naipasa niya."


Muling nabaling ang pansin ko ng muling magpatuloy sa pagsasalita si Zayden.


"Talaga? Kung ganoon pala, ganoon siya katalino para makapasok sa Special Building."


Si Flynn yung narinig kong muling nagsalita.


"At hindi niya lang basta naipasa yun lahat. Because he got a perpect scores."


Lahat kami napatutok ng tingin kay Zayden. Naperfect din nito ang lahat ng exams gaya naming anim. Ang ibig sabihin lang noon ay hindi ito ordinaryong student. Binuksan ni Zayden ang laptop nitong laging dala at may binasa doon.


"He came from elite family. He's grades and credentials are amazing. And according sa nakuha kong informations ay excellent siya sa maraming sports."


Napa-wow at napasipol na lang ang mga kaibigan ko sa mga sinabi sa amin ni Zayden. Kahit nga ako ay lihim na napahanga sa mga achievements nito. Ang ipinagtataka ko lang, bakit hindi yata halata sa katawan nitong athletic type pala ito. Kung titingnan mo kasing mabuti base na rin sa physical appearance nito, masasabi mong hindi ito ang tipo ng tao na naiinvolved sa sports dahil mas mukha itong lampa. Wala talaga sa itsura nito. Balingkinitan lang kasi ang katawan na meron ito. Ni wala akong mabakas na muscles dito. Typical na katawan ng isang babae.

Girl in DisguiseWhere stories live. Discover now