CHAPTER 7 The Hospital

328 11 1
                                    

MATCHA POV



Nang matapos kaming kumain, si Peanut at Forest naman ang naglinis ng kusina at dining area. Joined force daw sila para mabilis ang trabaho. Umakyat na muna ako sa taas para maligo. Nang matapos ay bumaba na akong muli. Ang bilis naman matapos ng dalawang iyon. Pagbaba ko, binuksan ko ulit ang mga ilaw dito. Sa sala ko na lang tatapusin ang naiwan kong trabaho.

Sa carpet na ako naupo at tsaka inilatag ang mga laruan na dala ng doctor sa malaking center table dito sa sala. Isa-isa ko itong sinuring maigi. Nasa malalim akong pag-iisip ng makita kong bumukas ang pinto ni Forest. Ang cool nito sa plain navy blue pajama niya at sandong itim.

"You're still up?" Tanong nito.

"Ito na ata ang overtime na sinasabi nila?" Natatawa kong sagot dito. Dumiretso naman ito sa kusina. Ilang minuto lang din ang itinagal nito sa kusina at bumalik na may bitbit na dalawang tasa. Ibinigay naman niya ang isa sakin. Gatas pala ito.

"Thanks." Habang hinihigop ng dahan-dahan ang gatas. Umupo din naman ito sa carpet gaya ko.

"These toys are a lot." Sabi ni Forest habang sinusuri ang mga laruan.

Kinuha ko ang isang toy car na nasa box pa. Mukhang hindi pa ito nabubuksan pero bakit parang ang luma na nitong tignan? Pinulot ko ang isag robot na wala sa kahon.

"Pansin mo ba? May mga laruan na nasa kahon pa, pero bakit parang hindi naman ito mga bagong bili?" Takang tanong ko kay Israh.

"Right. Ang iba ay parang gamit na." Pumulot naman ulit ito ng isang laruan na nasa kahon.

"Hmmm. Kung galing nga ito sa isa sa mga pasyente niya bilang pasasalamat, diba normal lang na bumili ng bago?" Sabi ko kay Forest. Tumango naman ito.

"For example, this one." May pinulot siyang isang kahon ng laruan.

"Take a look at this. This containers are worn-out already. The colors are also fading." Pinakita niya sakin ang mga kahon na nagfa-fade na ang kulay.

Napaisip naman ako ng mabuti. Napapakagat na naman ako sa labi ko. Habit ko talaga ito kapag nag-iisip ng malalim. "It's like this toys are some kind of collections. Nakadisplay lang. What do you think?"

"Right. But take a look at the other toys. May iba na nakikitaan na ng signs of usage and some has scrathes." Pagpoint out ni forest.

"Hindi kaya isang prank lang ito?" Wala sa sarili kong sabi kay Forest.

"Nope, this is too much to call this a prank."

"Sabagay kung ako naprank ng ganito. Matutuwa pa ko eh." Sinamaan naman ako ng tingin nito.

"Joke lang, hehehe."

"Tss. Where's the letter?"

Iniabot ko naman sa kanya ang papel. Seryoso naman niyang binabasa ito. Kita mo nga naman itong lalaki na 'to. Hindi lang sa height pinagpala, pati sa looks at sa muscles. Siguro ng magpaulan ang dyos sa mundo ng kagwapuhan, nasa swimming pool ito lumalangoy. Ako kasi ng mga panahon na iyon, nagmamaktol ako dahil hindi ko napanood ang favorite kong spongebob na palabas.

"What?" Hindi ko namamalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.

"Ahhh ehhh.. give me that." Taranta ko namang hinablot ang papel dito at tsaka binasa.

"Malapit ng makompleto ang anim na million. Nalalapit na ang panahon upang bawiin ang dapat ay para sa akin."

Paulit-ulit kong binasa iyon sa sarili ko. "So, ito lang ang nag-iisa nating clue, kung sino ang sender." Forest just nodded his head.

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Where stories live. Discover now