Chapter 1: Nemesis Encounters

3 1 0
                                    

CHARLES

"Kailan ka ba kasi uuwi dito, ate kong maganda?" pambobola ko sa ate ko.

She's Ate Vanellope. My Big Sis. Nasa ibang bansa kasi siya dahil natanggap siya sa Harvard. Sana all noh? Pero goal ko ding makapasok dun. Kaya eto ako, si good student. Gagawin ko ang lahat para lang makapasok dun. At sana... Walang sisira ng plano ko. Wala.

"Sa tingin mo Charlito, makakauwi ako? Hindi pa ako nakakapagtapos, wag kang atat" sagot naman ni Ate.

"Joke lang ih. Hindi ba pwedeng namimiss lang kita? Ganyan ka na ate ha. Porket nandyan ka sa ibang bansa" pagpapacute ko.

Ngayon ay nagaasikaso na ako para sa first day namin sa Senior High School. STEM strand ang kinuha ko dahil obvious naman, Engineering ang kukunin kong kurso sa kolehiyo. Si ate naman, architecture.

"Mag-ayos ka nalang diyan ng mga gamit mo para handa ka na para bukas. Papasok na ako. Bye, my dear brother!" paalam na ni ate.

Magkaiba kasi ng oras dito at doon sa kanila kaya dito gabi, at sa kanila naman ay umaga.

(Napakanta ka ba? Kung oo, wag. Joke!)

"Bye, ate kong maganda!" paalam ko din.

"Oo na, ipapadala ko na sayo yung allowance mo" sabi niya at tsaka binaba yung call.

Mission completed! Nahingi ko din sa wakas! HAHAHAHA. Baka diskarteng Charlito to! Joke. Tinuloy ko na ang pagaayos para bukas at para din makatulog na ako ng maaga. Kakatapos ko lang din kasing mag-advance study about sa mga magiging subjects namin ngayon SHS. Para din maging madali nalang sakin. Running for honors nanaman ang peg ko this school year.

Well, ganon naman talaga simula nung Elementary ako. Pero dahil sa isang babaeng epal na feeling disney princess na gustong siya ang nasa trono, nasira yon. Trono ng cr pwede pa HAHAHAHAHA.

Pero kahit na ganon yon, kamusta na kaya yon ngayon? Sana... hindi ko siya maging kaklase ulit.

JAIHRENE

"Kumpleto na ba yang gamit mo, disney princess?" tanong ng magaling kong kuya pagdating sa pang-aasar.

"Opo kuya!" sigaw ko mula sa kwarto.

Nandito ako sa kwarto nakakulong dahil sa nagaadvance study ako para bukas. Bukas na ang simula ng school year namin bilang isang Senior High School Student. I'm studying for this school year para maachieve ko ulit ang rankings na dapat ay sakin lang. Kung hindi lang talaga dahil sa isang student na yon, hindi ako bababa sa rank 1 lagi! Kainis! Lagi niya akong inaangatan na parang papansin ba ewan.

Crush niya ba ako? Eww! As if naman papatulan ko siya. Yuck! Nagfocus nalang ako sa ginagawa ko ng biglang pumasok si kuya na may dalang food. Hindi pa kasi ako nagd-dinner dahil sa kanina pa ako nakakulong dito.

"Hindi gagana ang utak kung walang laman ang tiyan, mahal na prinsesa" sabi ni kuya at nilapag ang pagkain sa table ko.

"Sorry kuya, i'm just nervous" sabi ko tsaka tinabi muna sa gilid yung mga gamit ko.

"It's okay, lil sis. Nandito naman ang pogi mong kuya para icheer up ka at syempre para magpatanggal ng kunot diyan sa noo mo" sabi niya sabay pitik sa noo ko.

"Aray! Ang sakit ah! Ginaganyan mo na ako, oppa?" sabi ko sabay pacute.

"Hindi ko alam kung matatawa ako or maaawa ako sayo eh HAHAHA" pang-asar niya.

Tinarayan ko lang si kuya tsaka nagsimula nang galawin ang pagkain ko.

"Cute cute talaga ng lil sis ko!" sabi nito at biglang pinisil yung pisngi ko.

Rival HeartsWhere stories live. Discover now