Chapter 3

1 0 0
                                    

I love you

Eashana‘s Pov

“Shan,”

“Bakit?”

“I want you to sing that song again.”

“Huh?”

“Please.”

Naalala kong nagkaroon ng disco at hindi ko alam kung bakit kusa akong nagpa-lista para kumanta sa gabing darating.

Maayos ang stage, ang mga ilaw at mga confetti. Katulad ang kulay at style no‘n sa damit na sinuot ko no‘ng pinakanta ako ni Herron no‘ng highschool pero may mga glitters ang damit na ‘yon.

Gano‘n din ang ayos ng buhok ko at ang make up na ginamit, maliban lamb sa sapatos dahil hill ‘yon na brown din at pero square at three inch lang ang taas.

“Pero—”

“Come on, it‘s my birthday.” Ngumiti ako at tumayo gano‘n din siya.

“Tinext ko sina Wendell—”

“What?!”

“Gusto kong sama-sama tayo—tayong eleven.” Tsaka ako ngumiti. “Narinig ko kanina na may party raw mamaya, magpapa-lista ako.”

“R-really?” Nakangiti akong tumango.

“Uhm... mag-hahanda na ako. Sinabi ko naman sa kanila na dito sila.”

“Yeah,” ngumiti pa kami sa isa‘t-isa bago ako bumalik sa bahay.

Naisip kong isuot ang white maong short at pinaresan ko ng red sando taska ko sinuot ang white rubber shoes. Nilugay ko pa rin ang buhok at gaya ng lagi kong nilalagay sa mukha ko ang naging ayos ko lang.

Pero kulay dugo ang ginamit ko sa labi ko.

Alam kong babagay sa ‘kin dahil maputi ako at maganda hehe—binagay ko lang din sa sando na suot ko. Hindi naman masamang tingnan ang ayos ko, dahil simple pa rin naman.

Nang matapos, lumabas na ako at dumiretso kung saan ang stage na ginawa nila. Nakita kong ang dami ng mga tao at nakapila para sa mga gustong mag-perform.

Tama lang na naka-abot ako dahil kanina, nakita kong mahaba ang pila.

Kaninang tinakbuhan ko si Herron.

Ako na ang sumunod at sinabi ko ang pangalan ko at ang kakantahin.

“Thank you, d‘yan ka na para hindi mahirap pag tatawagin namin.”

“Thank you rin po.” Tumango lang siya at umupo na ako isa sa mga monoblock para sa ‘ming mga performer.


To: HerronMyBaby
- Punta ka na.

From: EashanaMyBaby
- I‘m excited.


Ngumiti na lang ako sa reply niya. Pasilip-silip ako sa mula sa back stage, pero nakita ko siya mula sa malayo at tumatakbo—at kasama na sila.

Kanina ko pa sila tinext kaya mabilis ang dating nila.

Ramdam kong parami na ng parami ang mga tao dahil na rin sa ingay nila.


From: Exell
- Goodluck.


Hindi na ako nag-reply at napangiti lang din. Gano‘n din ang natanggap ko sa iba—lahat kasi sila nag-message.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Compassionate A Compassionless Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon