Chapter 1

5 0 0
                                    

Vacation

Eashana‘s Pov

“Good morning.” May hawak s‘yang baso ng gatas tsaka siya lumapit sa ‘kin nang nakangiti.

Pero hindi ko siya nabati agad dahil sa... sa... sa kagabi.

Hindi naman nangyari ang bagay na ‘yon, pero ngayong nasa maayos na wisyo kami, lumalabas ang ilang na nararamdaman ko.

Ang ngiti niya, naging ngiting asar at alam ko kung ano ang iniisip niya. Iba rin ang tono niya sa pagbati niya.

Nagising ako kaninang madaling araw at gising rin siya kaya walang sabi-sabi akong umalis sa k‘warto niya para bumalik sa k‘warto ko.

Pero hindi ko pa rin maisip na... na... almost.

“Drink this baby.”

Hindi ko namalayan na nasa harap ko na siya, tama rin ang salubong ng mukha niya nang mag-angat ako ng tingin.

“Alam mo bang may kanta akong napakinggan?” Kinunutan ko lang siya ng noo. “Gusto kong kantahin sa ‘yo ‘yon.” Unti-unting lumawak ang ngisi niya. Almost that‘s the title—”

Tinulak ko siya para makalayo at para na rin hindi niya matuloy ang sasabihin niya. Pero mabilis ang kamay niya dahil nakayakap na ‘yon sa beywang ko tsaka niya ako  dinikit sa kan‘ya. Pinatong niya ang baso ng gatas sa mesang nasa gilid lang namin.

Lumapit pa ang mukha niya pero lumihis ‘yon sa tainga ko. Huminga rin siya ng malalim kaya ramdam ko ang init ng hiningi niya. Mahina ko rin‘ nai-angat ang balikat dahil sa nararamdaman.

“Almost baby, almost—”

“Herron—”

“Hush...” Tumapat sa labi ko ang hinlalaki niya sa kanang kamay kaya hindi ko nabigkas ng maayos ang pangalan niya. Nakayakap pa rin ang isang kamay niya sa beywang ko.

Naisara ko ang isang kamay nang haplusin niya ang labi ko, nagbaba ako ng tingin dahil... dahil napapikit ako. Alam kong napansin niya ‘yon dahil sa pag-ngisi na ginawa niya.

“But like I said, I will wait for your answer. I will wait Eashana. I always always always love you Eashana, remember that.”

Tsaka niya hinimas ang pisngi ko. Nagluto na ako ng almusal.” Tsaka niya ‘ko maingat na hinila pababa.

Si Amare, sumama kay tito at tita, pagkatapos kasi maganap ang kagabi, nagpa-alam na siya. Sabi kasi niya gusto niya muna raw mapag-isa.

Naiintindihan ko at alam ko nag ibig sabihin niya, tatawag din naman daw siya. Two months daw kasi siya ro‘n.

At gano‘n pa rin kami ni Wendell—hindi ko pa rin siya matawag sa kung ano ang dapat na tawag ko sa kan‘ya.

Hindi ko pa rin kasi kaya, hinayaan naman niya.

“Herron, malapit na kami sa kusina nang tawagin siya tsaka ako dahan-dahan nag-angat ng tingin sa kan‘ya.

A Compassionate A Compassionless Book 2Where stories live. Discover now