Takbo lang ako ng takbo ng matuntun ko ang lugar na hinahanap ko ay nagmadali akong umakyat sa tulay at tumawid mabuti nalang at wala ako masyadong nakakasulobong kahit na isang Zombie nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang hagdan ng bahay ng hinahanap ko kaya dali dali akong pumunta doon at umakyat sabay katok sa pinto nila pero kahit kumatok ako ng kumatok ng malakas ay walang nagbubukas pero nagbakasakali parin ako na nandon SIYA kaso laking gulat ko na walang sumagot at Napansing walang katao tao dahil nabuksan ko ang pinto nila hindi pala nakalock! Nagmadali naman akong bumaba at napamura ako ng makitang merong nagsulpotang pangit sa likod ko kaya sa taranta ko tumakbo ako sa direction na alam kong nandon pa ang mga pinsan ko sa bahay nila na malapit lang sa kinatatayuan ko. Niready ko ang katanang hawak ko kung sakaling may sumulpot sa harap ko delikado pa Naman dahil nasa Harap ko ang bunso kong anak habang nasa likod ko naman ang panganay kung anak nakaupo sila sa carrier kaya madali lang akong makagalaw ng walang hawak na bata dahil pareho silang nakasabit sa akin kahit medyo mabigat ay ok lang. Sa takot na baka maabotan ng mga nilalang na yun ay dali dali akong pumunta sa iskinita papunta sa bahay ng aunte ko sarado ang unang pinto kaya dumiretso ako sa pangalawang pinto nahirapan pa ako kasi masikip ang iskinita at dalawang bata pa ang karga ko pero tiniis ko, ng nasa pinto na ako nakalock kaya....
"Aunte!!! Pinsan!!! Nanjan pa ba kayo!!! Buksan nyo ang pinto!!! Please!!!!"
-sigaw ko sa pintoan nila habang kinakalampag dahil nakikita ko na ang mga halimaw na yun na palapit sa amin.
natatakot ako hindi sa sarili ko kundi sa mga anak ko kaya todo sigaw ako ng ilang hakbang nalang ang tatlong halimaw na yun ay biglang bumukas ang pinto muntik ako masubsub buti nalang at merong nakasalo sa akin sabay hatak papasok at sinara ang pinto saktong dating ng mga halimaw na yun at kinalampag ang pintong kakasarado lang.
Napatingin ako sa humila sa akin at laking pasasalamat ko at nandito pa nga sila buhay pa sila hindi ako nagkamaling pumunta dito ang saya ko, yung takot na naramdaman ko kanina ay napalitan ng tuwa salamat sa Diyos at ok lang sila dito sana kompleto pa sila.
"Yuki! Paano ka nakapunta dito!? Diba nasa probinsya ka?! Kasama mo pa itong dalawa mong anak sobrang delikado sa labas! Wala ba kayong kagat?? Kumusta kayo??!!!"
- Sunod sunod na tanong ng pinsan ko sa akin makikita sa mukha niya ang gulat at pag aalala sa amin.
"Mabuti at nandito pa kayo akala ko talaga wala na din kayo eh sobrang takot ko kanina dahil sa malapit na yung zombies na yun sa amin mas natatakot ako para sa mga anak ko buti nalang at binuksan mo agad ang pinto bago pa sila makalapit."
-sabi ko naman habang hinihingal at nilapag ang katanang hawak ko at bag
"Akin na si Yuri at Yohan siguradong pagod ka kakarga sa kanila lalo na at hinahabol kayo kanina halika sa taas tayo nandon sila lahat"
- sabi ulit niya at kinuha ang mga anak ko actually tatlo silang pinsan ko na nandito kaya tig isa nilang kinarga ang dalawa kong anak habang yung isa naman kinuha ang bitbit kong bag at katana
Ng makaakyat kami doon ko lang napansin na nandito nga sila lahat sa second floor at ang iba hindi ko kilala mga nagtatanong ang mga mukha na naka tingin sa akin, iniisip siguro kung sino Ang dumating.
❄️ TrisBix ❄️
Hello Guys!!! This is my First Zombie Story in WP Hope you all like it and please Vote and Share
Plagiarism is a Crime all Places and characters name are made by my imagination so bare with it and please bare with my Spelling and Words too Thank You Lovelets.
YOU ARE READING
Run or Die
ActionPaano kung dumating ang Araw na hindi mo inaasahang mangyayari? Paano mo matatakasan ang mga nilalang na nababasa mo lang sa isang libro? Paano mo matatakasan ang mga hayok sa laman ng tao? Paano kayo makakasurvive? Ano ang gagawin mo para makita mo...
