I bit my lower lip.
"Ay ganun? Boyish pa naman talaga yan before..tsaka mas matagal ko na syang kakilala kaysa sayo.." Bulong ko pabalik dito.
"Lux!" Biglang tawag ni Azhi kaya biglang sumulpot si Kuya Lux sa kung saan.
Pinagtaasan ko ng isang kilay si Azhi.
"Drive her home.." Turo ni Azhi sa direksyon ni Laeigen.
'Luh pinapaalis nya na! Bad talaga!'
Nakasimangot tuloy akong napalapit kay Laeigen.
"Hahahaha mukhang may nagseselos na Pal, alis na ako.."
"Sige, oy pag party ah.."
"Oo, dito din kami mag celebrate ng Christmas Pal!"
"Promise mo yan ah!"
"Oo nga!" Natatawang usal nito tsaka ako hinalikan sa pisngi.
I smiled.
"Teka nasaan pala yung bata? Sino nga ulit iyon? Si Erwan?"
I nodded.
"Teka puntahan ko."
NAGMADALI akong tumungo sa taas kaya elevator ang gamit ko.
"Lerwan aalis na daw si Ate Laeigen mo.." Usap ko habang nakangiti.
"Teka po, aayusin ko lang po ang binaked ko for her!" Masayang usap nito.
"How about me?" Nakangusong tanong ko.
"Don't worry ate Clara, merong ka din po.." Sabay kindat pa nito.
"Sinabi mo yan ah, sige antayin ka namin sa baba"Usap ko at nagmadali nang lumabas.
"Ok po" Dinig ko pa dito bago ako tuluyang nakalayo.
ILANG sandali pa ay nakita na namin na nagmamadaling bumaba ng stairs si Lerwan.
"I'm here na po ate Clara!"
Napangiti ako ng makitang may dala-dala itong box.
"I baked cupcakes po para sayo po ate Laei pasalubong ko po!"Ngiting-ngiti na usap ni Erwan tsaka kinuha ang box kay Avin.
"Hala talaga saakin yan?"Nakangiting tanong ni Laeigen.
"Opo!" Sagot agad ni Erwan.
"Wow naman ang galing ah!"Baling ni Laeigen.
"Yung akin?" Singit ko.
"Nasa taas po, wait po kukunin ko lang po.."
"Mamaya nalang.." Nakangiting usap ko.
Napalingon ako kay Azhi ng muling lumapit saakin at niyakap ako mula sa likuran.
"How about me?" Tanong na din ni Azhi.
"Makakalimutan ko po ba ang the best teacher ko?"
Sabay² kaming napatawa.
"Ay salamat pala dito Erwan ah.. paborito pa naman ito ng mga anak ko lalo na ng bunso ko haha!"
"Ilang taon na nga ulit si Laeina Jai?"
"Turning five." Ngiting usap ni Laeigen.
"Oh halos kaedad lang din pala ng pamangkin ko kay kuya Vince, si Vynizza Yam...kaka-five palang..How about si Larren Yuan—"
"Baby.."
Napalingon ako kay Azhi pero kumunot ang noo ko ng tinaasan ako nito ng isang kilay.
"Mga Babies pa sila.."
YOU ARE READING
Book 3 Part 2: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...
Chapter 214: Decision
Start from the beginning
