Chapter 214: Decision

Start from the beginning
                                        

["Don't worry Ate Clara, meron ka din po.."]

Matamlay akong napangiti.

["Sinabi mo yan ah, sige antayin ka namin sa baba"]

["Ok po— Ay Daddy wait lang po ah.."]

"Ok—" Di pa ako tapos magsalita ng naputol na ang tawag.

I really envy their closeness.

'Napag-usapan na kasi namin ni Lucy na kunin na muli si Erwan bukas kaya kakausapin ko sina Ashler...I hope, pumayag sila... especially si Erwan..'

I want to make up for my shortcomings to him as his father.

______________________________________________

✨ Cleress Xiashin Lee Pov:✨

"Woy salamat sa pag bisita Pal!"Masayang usap ko.

"Anu ka ba, walang anuman. I'm glad you're now ok..sorry kung ngayon lang ako naka punta..busy eh.."

Napangiti ako.

"Ok lng.. I'm so thankful na nakadalaw ka na ngayon.."

"Ayyiee! Mommy na talaga sya ng apat na mga magaganda at mga gwapong babies yiehhh!!"

"Ahahaha thank you, pero ikaw kaya ang unang nakapansin na bvntis ako.."Nakapout na usap ko.

"Lakas ata ng instinct ko hahaha!"

"Hahaha ikaw pa, si Laeigen ka kaya!"

"Manang-mana lang yan, namana ko din lang naman ito sayo Lady C haha! Best friend powers!"

"Pft! My pleasure Lady M Hahahaha!"

Muli na naman kaming nagkatawanan.

"Pero Thank you ah, di nyo ako iniwan.."

"Don't tell me Pal, mag-iiyakan tayo dito."

I chuckled.

"Ay ayuko ng umiyak.."Nakangusong usap ko.

"Haha oh sya, mauna na ako Pal, baka hinahanap na ako ng mga anak ko."

"Oy ba't di mo kasi sila dinala dito?"Nakabusangot na tanong ko.

"Hayaan mo next time dadalhin ko sila haha!"

"Aasahan ko yan ah, pakikumusta nalang ako sa kanila tsaka kay insan!"

"Cge ba pag-uwi, nasa barko pa iyon eh.."

"Luh! Baka di na yun umuwi kasi may nahanap ng ibang babae."

"Eh di bahala sya, basta saakin ang mga anak ko!"

"Yan si Laeigen may fighting spirit hahaha!"

"Hahaha! Sige na."

"Ipapahatid na kita.."

"Huh? Ok ikaw ang bahala.Teka magpapaalam lang muna ako sa mga inaanak ko."

Next month pa naman ang baby christening nila, isasabay sa new year hehe pero syempre gusto nilang maging ninang kaya grab the opportunity, the more the merrier pft!

"Ang cute-cute talaga nila.. pag-ako talaga nabvntis muli hindi ako papayag na hindi sila ang paglihian ko.." Nangigigil na usap ni Pal while nakadungaw sa travel crib ng quadruplets.

Muli akong napatawa pero napatigil din at napaangat ng tingin nang merong pumulupot na mga braso sa beywang ko.

"Ang saya ng honey ko ah..ilang hours na po kayong nag-uusap, I'm starting to get jealous, you don't pay attention to me anymore eh.."Parang batang bulong nito sa tenga ko.

Book 3 Part 2: When those from two different world's destined to reunite Where stories live. Discover now