CHAPTER 4 Meet Bacon

369 17 1
                                    

MATCHA POV


Andito kami sa foodcourt ngayon, magkaharapang nakaupo. Kanina pa kami dito nagtititigan. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat? Baka nga bankcrupt na ang business ko hindi ko pa nababayaran ang utang ko dito.

I lean forward at tinitigan ito ng mabuti sa mata. "Why did you want to work with me?"

He relaxed his back and folded his arms to his chest. "Because I am jobless."

Inilahad ko naman ang isang kamay ko sa kanya para sa isang handshake. "Pleased to be working with you."

Nakipagshakehands din ito sakin. "Thank you."

Ganun dapat kabilis ang interview! Hindi yung ang dami pang tanong. Oh diba smooth like criminal. Swabeng-swabe.

"Tara, mag grocery na tayo, my first employee." Confident ko na aya dito.

He grins at me. "Sure, boss."

Almost 3pm na ng matapos kami sa paggrocery at 4 pm kami nakauwi sa bahay. Pagdating namin, abah ang dalawa nagm-movie marathon. Sarap buhay ng mga unemployed people oh.

"Kamusta pamimili ng appliances at furnitures, Matcha?" Tanong ni Peanut.

Naupo muna ako sa sofa. Si Forest naman ang nagdala sa kitchen ng mga pinamili namin. "Bukas na ide-deliver kaya dapat maaga ako bukas."

"Sama." Sabi naman nito.

"Ako din." Sabat naman ni Mojito. Lumitaw naman si Forest galing sa kusina.

"Me too."

"Sige. Para may katulong ako mag-ayos. Magluluto na ko ng maaga, para maaga din tayo makapagpahinga." Tumayo na ko at pumunta ng kusina. Sumunod naman si Peanut at Mojito.

"Matt, tulungan kana namin dyan sa mga groceries." Pag presinta nito.

"Ay salamat naman, at nakaramdam kayo ano?" Napakamot naman ito sa buhok niya. Habang sila nagsasalansan ng mga pinamili namin, ako naman ay nagluluto. Sinigang na lang for todays ulam.. yum..

Nang matapos sa pagluluto, kanya-kanya naman kami ng kain. Abah ang dalawa parang ginutom ng isang taon. Nagkakatitigan na lang kami ni Forest.

"Anyare sa inyo?" Tanong ko sa kanila.

"Wala kaming tanghalian ni Peanut." Punong-puno ang bibig nito, jusme naman. Inabutan kona ng isang baso ng tubig, ininom naman niya ito kaso nabulunan. Edi ubo tuloy siya ng ubo.

"Tinatamad kasi si Mojito magluto. And I don't know how to cook." Nakasimangot nitong sabi.

"Eh bakit hindi kayo, nagorder online?"

"Walang wifi dito sa bahay! Huhuhu." OA na sabi ni Mojito. May pagpahid pa sa luha ang buang.

"Jusmiyo! Iyon lang pala eh.. Forest! Bukas na bukas sabihan mo ang guard na magpapaconnect tayo ng wifi. Sila na bahala dun."

"Okay, boss." Tipid na sagot nito. Nagtaka naman ang dalawa.

"Boss?" Takang tanong ni Mojito at Peanut.

"She's my boss." Sabay turo sakin ni Forest.

*ahem* "Guys, meet my first employee." Pakilala ko kay Forest habang sinasabuyan ng invisible flowers. Napanganga naman itong dalawa.

"Bow down to Forest, unemployed creatures!" Pang-aasar ko sa dalawa. Sabay naman na tumayo itong dalawa sa pagkakaupo.

"Let me in!"

"Hire me!"

Magkasabay nilang sabi sakin. Nanlaki naman ang mga mata ko sa dalawang ito, gaya ng una kong reaksyon kanina. Tangina? Housemate ko lang din pala ang magiging empleyado ko?

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Where stories live. Discover now