Chapter 12

0 0 0
                                    

Isang balita agad ang bumungad sa akin nang dumating ang umaga. Nawawala raw si Chloe.

Halos kaming lahat nag-aalala at nagtataka sa pagkawala niya. Sabi pa ni tita, pagka-uwi niya wala raw si Chloe.

At sa pagkakaalam daw nila, si Brent ang huling kasama nito. Tapos sabi naman ni Brent hinatid niya naman daw si Chloe sa bahay nila noong gabing 'yon.

Agad kaming kinabahan. Pero kalaunan, naging positibo kami at naisip na baka nag-me time o in-enjoy lang ni Chloe ang birthday niya.

Pero lumipas ang ilang araw, walang kahit anino ni Chloe ang nagpakita sa amin.

“Nakita niyo po ba siya rito?” sabi ko sabay pakita ng hawak-hawak kong papel na naglalaman ng litrato ni Chloe sa taong dumaan.

Nagbabakasakali na nakita nila sa bandang dito si Chloe.

Ilang araw na rin kaming naghahanap. Tulong-tulong kami sa paghahanap.

Wala akong maisip na rason kung bakit siya umalis at hindi nagpakita.

Paano kapag nalaman na niya ang tunay naming relasyon ni tita? Natigilan ako. Alam niya kaya?

Kahit abala ako sa pagpapakita ng hawak kong papel, mas ginusto kong kompirmahin ang hinala ko. Bakit ngayon ko lang 'to naisip?

Agad akong nakahanap ng masasakyan at sinabi ang address nina Chloe. Nang nasa tapat na, nag-aalangan pa akong pumasok. Natatakot din sa magiging sagot ni tita, paano kapag nalaman na nga ni Chloe? Sana mapatawad niya ako kung gano'n. Hindi ko naman gustong itago eh, kapatid ko pa rin naman siya at masaya ako na siya ang magiging kapatid ko.

Akmang pipihitin ko na ang siradura ng bahay nila nang may narinig akong nagsisigawan sa loob. Boses lalaki at babae.

“Lorraine, naiintindihan naman kita na mas uunahin mo pa yung naging anak mo. Pero sana pagtuonan mo naman ng pansin ang totoo mong anak!” sabi pa ng boses lalaki.

“A-alam ko naman, Armando. Naging mahalaga naman sa akin si Chloe kahit hindi ko siya totoong anak eh… kay Libitina, hindi niya pa kasi tanggap na ina niya ako, na magulang niya tayo…” sabi naman mg boses babae na sa tantya ko ay si tita. Nanghihina ang boses.

Napatakip naman ako sa bibig nang marinig 'yon. Hindi niya totoong anak si Chloe? Paano? At tsaka, sino si Libitina? Ako ba 'yon?

Kahit puno ng tanong ang utak ko mas ginusto kong makinig muna bago gumawa ng aksyon.

“Pasensya na, nag-aalala lang naman ako sa anak natin eh. Matagal na kasi natin siyang hinanap, malaki ang naging pagkukulang ko bilang ama at gusto kong bumawi sa kanya. Lalo na at ako ang naging dahilan kung bakit naging ganito ang buhay natin…” sabi ng boses lalaki.

S-siya ba ang ama ko?

“Pinamigay siya dahil sa kakulangan ko. At dahil nga sa naging makitid ang utak ko, gumawa pa ako ng kasalanan na mabigat at may malaking parusa. Pasensya na talaga mahal, pasensya na.”

Nakatakip lang ang kamay ko sa bibig habang tahimik na umiiyak. Ramdam na ramdam ko ang emosyon niya habang nagsasalita siya. Puno ng sakit at pagsisi. Pero kahit gaano pa man siya nagsisisi hindi na maibabalik pa ang nangyari na.

“Pasensya rin. Hindi ko naman inakala na maiwala nila si Libitina… kukunin ko na sana siya kahit wala pa akong pambayad, pero wala na pala siya roon. Salamat nalang at nakita na natin siya ngayon, magiging buo na rin tayo.”

Napaismid ako ng marinig ang dahilan na naiwala ako. Hindi nila ako naiwala, winala talaga ako nang sadya.

Napag-isipan kong umalis muna dahil punong-puno na ang isipan ko. Pinahid ko ang mga luha sa mukha ko at naglakad. Naglakad lang ako at naglakad hanggang sa napadpad ako sa liblib na lugar.

MS#2: Waves of SecretsWhere stories live. Discover now