Chapter 5

0 0 0
                                    

“Ina, kumain kana. Mamaya na 'yan. Pasensya kana talaga ha, ikaw lang kasi ang mapakiusapan ko lalo na at ang tatamad ng mga anak ko at nalaman ko rin na kailangan mo talaga ng kita ngayon,” mahabang litanya ni Aling Jena.

Kasalukuyan akong naglalaba. Pinakiusapan kasi ako ni Aling Jena na maglaba, at ako naman na half day lang ang sinabi sa may-ari ng karenderya ay agad namang grinab ang oppurtunity. Pera ba naman ang lumalapit edi sunggaban agad.

Napatayo naman ako sa sinabi ni Aling Jena at nagpunas ng kamay. Parang nasa alas dose na yata ngayon dahil iba na ang init ng panahon.

Nahihiya akong napatingin sa kanya nang malaman na handa na pala ang magiging tanghalian ko.

“Okay lang po. Salamat nga po at ako agad ang tinawagan niyo, kailangan ko talaga po ng pera ngayon,” sabi ko pa sa kanya habang hila-hila ang isang upuan patungo sa lamesa kung saan ako kakain.

“Aysus, nagdadalawang-isip pa nga ako eh at baka may trabaho ka ngayon. Ang sakit kasi talaga ng likod ko, iba na talaga kapag matanda na eh 'no,” sabi pa niya, napatawa naman ako sa sinabi niya.

“Aling Jena ang ganda mo para maging matanda. Okay lang talaga na ako ang tinawagan niyo. Salamat nang marami,” sinsero kong sabi kay Aling Jena.

“O sige, kumain kana at baka gabihin ka pa. Pasensya na talaga at masyadong marami-rami ang mga labahan,” sabi naman niya mahahalata ang paghihingi ng pasensya. Napangiti naman ako sa inakto niya.

---

“Ina, oh ito. Salamat talaga ha, ang tamad talaga ng mga anak ko at hindi ako matulungan sa mga gawaing bahay tulad ng paglaba ng mga damit, mabuti ka pa. Laking pasalamat ko nalang at nandya'n ka,” sabi pa ni Aling Jena sabay abot ng apat na one hundred. Nagtaka naman ako.

“Bakit sobra po 'to?” sabi ko kay Aling Jena na ngayo'y nakangiti.

“Napakasipag mo Ina. Sana makuha mo ang gusto mo sa hinaharap. Bibiyaan ka rin ng Diyos sa lahat ng hirap na dinanas mo. Ingat ka sa pag-uwi,” sabi pa niya. Naging emosyonal naman ako sa sinabi niya.

“Salamat po talaga,” sabi ko, lubos na nagpapasalamat sa kabutihan niya.

“Sige na, malapit nang gumabi,” sabi pa ni Aling Jena.

Kaya nagpaalam ako nang maayos sa kanya at agad umalis.

---

“Carl, saan tayo? Uuwi na ako, nakapapagod kaya ang araw na ito,” sabi ko sa kanya, nagrereklamo.

Tumawag si Carl kanina habang papauwi ako. Sinabi ko naman kung nasaan ako at ayun sinundo niya ako.

“As in, uuwi kana? Ay huwag muna!” sabi niya, nag-oover react.

"You know, I'm really tired right now. I just want to rest,"

“Ah, yeah. Okay, just wait for me. I will buy something,” sabi pa niya at hininto ang sasakyan.

Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa sakit. Siguro resulta 'to ng init kanina. Hahay, iinom nalang ako ng gamot mamaya.

Nag-hintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa nagbukas sara nalang ang driver seat. Binalingan ko ng tingin ito at si Carl ang bumungad sa akin.

“Tara na,” sabi niya at agad binuhay ang makina ng sasakyan.

Naging madali lang ang paglalayag namin at agad kaming nakauwi sa bahay ko. Bagong bahay ko.

“Oh? Hindi ka pa aalis?” nagtataka kong sabi nang lumabas din siya sa kotse niya.

“Ahm, yeah? Why, am I not allowed?” sabi pa niya.

MS#2: Waves of SecretsWhere stories live. Discover now